Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nung huling pag uusap namin ni Kin, kapag sinusubukan ko syang puntahan sa bahay nila ay lagi itong wala.
Ito na ba yung kinakatakutan ko?
Agad kong winaksi sa isipan ko yun, ayokong mangyari ang bagay na yun. Kinuha ko ang cellphone ko at nag compose ng message para kay Kin.
Hi Kin, how are you?
Tagal mo ng di pumupunta sakin ah.
Okay ka lang ba?
Hope your doing fine.
Yan ang sunod-sunod kong text sa kanya, pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin akong natanggap na reply mula dito.
Nakaramdam ako ng kahungkagan, dati rati kasi di nag tatagal at nag rereply agad sya, ibang-iba ngayon.
Kin, nasan kana ba? Nag aalala ako sayo. bulong ko sa aking isipan.
***
Pasado alas nuebe na ng gabi ng mapag pasyahan kong mag pahangin muna sa labas, di kasi ako dalawin ng antok. Masyado okupado ang isipan ko.
Umupo ako sa garden table na nasa bakuran, sumandal ako dito at tumingala sa kalangitan. Ang gandang tignan ng mga bituin, parang maliliit na diamante na kumikinang.
Namalagi ako sa ganung posisyon ng may maulinigan akong tila nag aaway. Hinanap ko kung san nag mumula yun, nagulat ako ng malamang mula iyon sa bahay nina Kin na di kalayuan samin.
Base sa nakikita ko, pinag tutulakan papalabas ng bahay ang taong di ko ma aninag kung sino. Mabilis akong nakaramdam ng galit ng makita ko kung paanong ipagtabuyan at itulak palabas ang taong yun.
Di ako pwedeng mag kamali si Kin, iyon.
Kusang kumilos ang mga paa ko, at patakbong tinahak ang kinaroroonan nito. Naabutan ko itong nakahandusay sa lupa, at parang wala sa sarili.
Umupo ako sa harap nito at marahang inangat ang kanyang mukha.
"Kin..." sambit ko.
Ngumiti ito ng mapait.
"Anong ginagawa... ng napaka ganda kong ate dito?" Saad nito at mukhang lango sa alak.
Lasing na nga, nakuha pang mambola.
"Hay! Halika na, iuuwi na kita." Saad ko at hinawakan ang kamay nito.
"Ayaw nga nila akong papasukin dyan ee." Nakangusong sabi nito, at hinila ang kanyang kamay. Parang nag babadya pa ang mga luha nito na kumawala.
"Hindi yan ang bahay mo." Malambing kong pag kakasabi and caress her cheeks. "Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo? Ang bahay namin ang tinatawag mong tahanan." Nakangiti kong tugon.
"Mali ka naman ee... Ikaw kaya tinutukoy ko." Sagot nito sa nangungusap nitong mga mata.
Muli nanamang nag wala ang puso ko, ang lakas talaga ng epekto sakin ng babaeng to. Sya lang ang may kakayahang iparamdam sakin 'to.
"Halika na. Uwi na tayo..." aya ko dito, nagulat pa ko ng bigla nya akong yakapin at nag sumiksik sa dibdib ko.
"T-thank you ha? Kasi laging kang nandyan." emosyonal na sambit nito at tuluyan ng humagulgol.
"You're such a cry baby..." sambit ko at marahang hinagod ang likod nito.
"Tara na... Let's go home." Inalalayan ko itong tumayo, buti nalang at di na ito nag matigas pa.Nag simula na kaming mag lakad, malamang ay umiikot ang paningin nito, kaya pagewang gewang sya kung mag lakad. Hinapit ko ito sa bewang, para maalalayan ko siya ng maayos.
BINABASA MO ANG
𝙈𝙮 𝙎𝙬𝙚𝙚𝙩 𝘼𝙩𝙚 (𝙶𝚇𝙶) - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃
Romance𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙔 Huminga muna ako ng malalim, bago lumabas ng banyo. Nagulat ako ng makita ko ang nakasalubong na kilay ni Kin, mukhang kanina pa ko hinihintay nito. "Ano nanaman?" Tanong ko dito at diretsyong pumunta sa closet para kumuha ng d...