"Umupo kana, tatawagin ko lang si Mama."
"Yes mommy." Hagikgik ni Kin.
Sinamaan ko ito ng tingin pero ang totoo, nakaramdam ako ng... kilig?
"Bakit cute naman ahh, mommy bagay sayo... Bossy ka kasi. Oops! Sorry." Pang aasar nito.
"Ahh ganun, sige matulog ka sa sahig." Ganti ko dito bago tinungo ang kwarto ni Mama.
Pag bukas ko sa kwarto ni Mama, naabutan ko itong bihis na bihis mukhang may lakad.
"Ma, may lakad ka ata. Kumain ka muna." Sabi ko dito.
"Naku anak, birthday rin ang pupuntahan ko eh. Sige kumain na kayo ni Kin, paka busog kayo ha?" Nakangiti nitong tugon.
"Teka anak, akala ko ba may lakad ka ngayon kasama ni Gary? Kaya di kita niyaya sa birthday ng Tita mo."
"Ahh bigla kasi akong tinamad ma." Pag rarason ko.
"Hay naku bata ka. Pakawalan mo na yung tao kung di mo mahal, at sabihin mo sa taong mahal mo yung totoo mong nararamdaman."
"Ma, s-san mo naman napulot yan?" Nauutal kong sagot.
Sa totoo lang bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa tinutumbok ni Mama.
"Anak kita, nakikita ko yung mga bagay na gusto mong itago. At wag kang mag alala tanggap naman kita."
"Hay ma, hindi kita maintindihan. Osya maiwan ko na kayo." Sambit ko at muling isinara ang pinto ng silid nito.
Bumalik na ko sa kusina at naabutan si Kin na tahimik na nakaupo habang nag si-cellphone.
Mahal ko naman si Gary ah, kaya anong sinasabi ni Mama.
Mahal mo nga, pero may mas matimbang.
"San si Tita?" maya maya ay tanong ni Kin ng makalapit ako sa mesa.
"May lakad raw sya, kaya tayo nalang kakain." tugon ko.
"Okay ka lang?" bigla ay tanong nito.
"H-huh? Oo naman, tara na nga kain na tayo kung anu-ano napapansin mo eh." Pag iiba ko sa usapan delikado baka kulitin pa ko nito.
Mabilis kaming natapos sa pagkain at nag tulungan na rin kaming mag ligpit at mag hugas ng pinag kainan. Gusto ko sanang ako na ang bahala pero mapilit ang isang to, kaya pinabayaan ko na.
After naming nag hugas ay pumasok na kami sa kwarto.
"Kumuha ka nalang ng extra towel sa drawer kung gusto mong maligo."
"Yes mommy." Nag simula nanaman itong mang asar.
"Isa pang mommy, seseryosohin ko yung sinabi kong matutulog ka sa sahig."
"Di ka naman mabiro e, sige na maliligo muna ako mo-- ate. Hehe." Agad bawi nito sa huling sasabihin.
Dali-dali itong pumasok sa banyo, di man lang nag abalang mag handa ng susuotin nya. Actually ang iba sa mga damit nya ay nandito na, sya nalang ang kulang. Hinanda ko ang paborito nitong pantulog, at ipinatong sa kama. Naupo ako sa gilid ng kama, kinuha ang cellphone at isinandal ang likod ko sa head board ng kama.
BINABASA MO ANG
𝙈𝙮 𝙎𝙬𝙚𝙚𝙩 𝘼𝙩𝙚 (𝙶𝚇𝙶) - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃
Romance𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙔 Huminga muna ako ng malalim, bago lumabas ng banyo. Nagulat ako ng makita ko ang nakasalubong na kilay ni Kin, mukhang kanina pa ko hinihintay nito. "Ano nanaman?" Tanong ko dito at diretsyong pumunta sa closet para kumuha ng d...