Chapter two

3 0 0
                                    

Napatingin ako sa kaibigan ko ng tapikin niya ako sa balikat habang nakaupo ako rito sa labas ng terrace ng mansyon namin.

"Nakita ko na siya boss." Kinabahan ako sa sinabi niya kaya tumayo ako at kinuha ang isang brown folder na inabot niya sa akin.

"Nandyan lahat ng impormasyon na gusto mong malaman tungkol sa kanya." Sabi niya kaya napatango ako.

Umalis na siya kaya napaupo ulit ako at magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Aa wakas makalipas ang ilang taon ay hawak ko na ang impormasyon na matagal ko ng hinihintay.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang larawan niya dalaga na pala siya at napakaganda niya, hindi ako makapaniwala na siya na ito labing limang taon na ang nakakaraan ng makilala ko siya.

Walong taon lang siya noon ng makilala ko siya ang iyakin pero napaka gandang bata na bumihag sa puso ko.

Napangiti ako dahil lumaki siyang masayahin at maraming kaibigan, nawala nga lang ang ngiti sa labi ko ng makita ko sa larawan ang mga magulang nito.

Ang mga tao na dahilan kung bakit namatay ang aking ina at ang kuya ko. Nilukot ko ang larawan at galit na napatingin sa larawan ng pamilya ko na nakakabit sa harap ng lamesa ko.

Magbabayad silang lahat sa mga ginawa nila sa pamilya ko at sisimulan ko ito sa pagbuo ng plano.

Sisimulan ko ang paglapit sa kanilang prinsesa kay Akisha ang magiging susi ko sa kanyang mga magulang.

Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng mga ilegal nilang gawain ay natatakpan nila ito sa pamamagitan ng pagiging matulungin nila at maganda ang imahe nila sa publiko dahil dito.

Ito ang ikina yaman nila ang kumitil ng buhay ng mga tao na walang kalaban-laban sa kanila.

Nakabuo ako ng plano kung paano ako magsisimula sa mga plano ko at ang pagkuha sa babaeng pinakamamahal ko.

Isa lang ang ikinatatakot ko ito ang malaman ni Akisha ang totoo kong pagkatao.

"Magpapanggap kang college student?" Gulat na tanong ni Kyle matapos kong sabihin sa kanya ang plano ko.

"Oo mukha naman akong hindi thirty years old diba?" Tanong ko sa kanya kaya tumawa siya ng malakas kaya tinutukan ko agad siya ng baril kaya napatigil ito.

"Hey! Relaks boss ano ka ba hindi ka na mabiro." May kaba na turan niya kaya binaba ko na ang baril ko.

"Pupunta tayo ng Pilipinas at magpapanggap na mga estudyante at para walang makaalam sa pagkatao natin." Sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming bumuo ng plano.

Nagpagawa na rin ako ng pekeng birth certificate at pangalan ginamit ko ang Light Davidson na kinuha ko sa pangalan ko na Elijah at ang apelyido ko ay basta ko lang naisip.

Pati ang kaarawan ko at edad ay binago ko rin at wala akong sinayang na oras at hinanda ko na ang lahat para sa pagpunta sa Pilipinas.

Sa wakas makalipas ang ilang taon ay babalik ako sa lugar kung saan binawi sa akin ang pamilya ko.

"Hindi mo ba pupuntahan ang master bago ka umalis?" Napatingin ako sa butler namin si Mr. Iwai isang hapon na ang pamilya nila ay matagal ng naninilbihan sa pamilya namin.

Matanda na ito pero malakas pa rin ang pangangatawan anak niya si Saeki ang personal bodyguard ko at butler.

"Wala naman magbabago hindi naman niya ako maririnig." Wala sa loob ko na turan sa kanya.

"Ilang buwan kang mawawala kaya pakiusap young master." Nakayukod pa rin niyang pakiusap kaya napahinga ako ng malalim.

Bago nagdesisyon na pagbigyan ang kahilingan niya kaya napatango na lang ako at sinukbit ko ang bag ko at lumabas ng silid ko.

Badboys Bring HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon