Chapter fifteen

0 0 0
                                    

Sinabi ko kay Light ang nalaman ko at wala itong sinabi na kahit ano.

Pero si Kari ay galit at hindi ito tumitigil sa pagsasalita ng masama sa aking ina.

Hinayaan ko lang ito dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Napagod na rin ako na umiyak kanina pa kaya nakatulog ako at nang magising ako ay gabi na.

Bumangon ako pero nagulat ako dahil nandito pala si Light at nakaupo ito sa sofa pero tulog habang nakasalikop ang mga braso.

Hindi ba ito nangangawit sa itsura nito kaya naman lumapit ako dito at akma ko siyang hahawakan pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko.

Nagulat ako dahil sa matalim nitong mga mata na nakatitig sa akin pero agad rin iyong nawala at kinabig ako payakap sa kanya.

“I'm sorry babe nagulat ba kita?“ Tanong niya agad habang yakap ako ng mahigpit kaya napailing lang ako.

“Ako nga dapat ang magtanong niyan sayo.“ Sabi ko dito kaya napatawa ito ng mahina.

“Natakot ka ba? It was just my reflex.“ Sabi niya kaya napayakap na lang din ako ng mahigpit sa kanya.

Ilang sandali pa kami sa ganitong posisyon hangang sa isang tunog ang nagpatawa kay Light.

Namula ako at napahawak sa tiyan ko kaya naman lalo akong napahiya dito.

“Your already hungry come on baba na tayo para makakain na tayo ng hapunan.“ Sabi nito na agad akong tinayo at inayos muna ang buhok ko na gulo.

Bago kami bumaba ay naghilamos muna ako at nagbihis ng damit saka na kami magkahawak kamay na lumabas ng kwarto at bumaba.

Niyakap ako ni Kari nang makita ako nito kaya sinabi ko dito na okay na ako.

“Uuwi ka ba para tanungin mismo ang daddy mo?“ Tanong nito kaya napaisip ako sa sinabi nito.

Sa ngayon ay hindi muna ako magsasalita dahil alam ko na nasa Amerika pa si daddy.

“Kapag nakauwi na si daddy wala siya dito sa bansa.“ Sabi ko na lang dito kaya napatango na lang ito.

“Sasamahan kita sa pagpunta mo sa inyo babe.“ Sabi ni Light mayamaya kaya napatingin ako dito at tumango.

“Okay kung yan ang gusto mo.“ Sabi ko dito kaya inakbayan na ako nito at saka kami pumunta ng hapag-kainan.

Bukas ay maaga kaming pupunta ng Manila para mamili mismo ng mga kagamitan sa cafe.

At pagkatapos doon ay ang flower shop naman namin ang aasikasuhin namin.

Magiging abala na naman kami sa mga susunod na araw bago ang launch talaga ng business namin ni Kari.

Si Yuki ang nagda-drive ng sasakyan kinabukasan, nasa harap sila Light na gusto nga dito sa tabi ko kaya lang ay hindi ako pumayag.

Isang malaking wearhouse ang pinuntahan namin kaya naging abala na kami sa buong maghapon.

Hindi na kami nakauwi ng Tagaytay kaya kumuha na lang kami ng hotel dito sa Makati at bukas na lang kami uuwi.

Natapos ang buong maghapon namin na nakakapagod kaya pagkalinis ko ng katawan ko ay napahiga akp agad ng kama.

Si Light ay nagpaalam na may kikitain raw dahil may tumawag kanina dito.

Mukhang seryoso ito habang kausap nito ang kung sino sa kabilang linya.

Nakakapagtaka nga na kahit si Yuki ay mukhang hindi maganda ang naging mood ng mag-usap ang dalawa.

Badboys Bring HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon