Maaga akong nagising dahil aalis kami ngayong umaga ni Light at uuwi ako sa amin.
Habang nagbibihis ako ay nakita ko si Light na nagpu-push up na at nakahubad baro kahit malamig ang aircon kaya napailing na lang ako.
“Good morning babe hindi mo ako hinintay sabay sana tayong naligo.“ Sabi nito na may kakaibang kislap ang mga mata kaya napatawa ako ng mahina.
“Kung hinintay kita hindi tayo makakaalis ng maaga.“ Sabi ko dito kaya tumawa lang ito at kinuha na ang tuwalya na pinatong ko sa kama at ininom na nito ang kape na tinimpla ko na bago ako naligo.
Ewan ko ba sa lalakeng ito kung bakit ayaw ng kape na mainit ang gusto ay yong malamig na at isang lagukan lang kung uminom.
Gusto rin nito ay kape lang at walang asukal basta puro at yong mapait talaga.
Ako naman ay gusto ko sa kape ay yong may gatas at may asukal at mainit na mainit para natatangal ang lamig sa katawan ko, lalo na at malamig dito sa Tagaytay at nasa taas na bahagi pa ang bahay namin.
Wala pang tao sa baba dahil alas-singko pa lang may pasok at si Kari muna ang bahala sa shop.
Hindi na rin kami nag-almusal at umalis na para hindi kami abutan ng gabi mamaya at makauwi kami agad.
Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nagda-drive na si Light.
Naiwanan ko na rin naman kay Crissy at Dryle ang shop kaya wala akong problema.
But my problem now is my father who wants to talk to me, nakauwi na pala ito nong nakaraang araw pa at hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kaba sa dibdib ko.
Napatingin ako kay Light na kinuha ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga kamay namin.
“Everything will be alright babe.“ Sabi nito kaya napangiti ako at tumango.
“Hindi ko alam kung paano ba ako magsisimula mamaya.“ Sabi ko dito kaya hinalikan niya lang ang kamay ko.
“Buong buhay ko kasi ay ni katiting na pagmamahal ni mommy ay hindi ko naramdaman pero hindi ko naisip kahit minsan na hindi siya ang aking ina.“ Sabi ko dito kaya napatango lang ito.
“Family has always dirty little secret Akisha.“ Makahulugan nitong turan kaya napatingin ako dito at tumango lang.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang sasabihin ni daddy mamaya tungkol sa kung sino ang totoo kong ina at kung bakit nagkaganito ang pamilya namin.
Kung sa bagay ay isa ang tiyahin ko sa mga tinatagong sikreto ng pamilya namin na ayaw nilang malaman ng mga tao, lolo has good reputation in public eyes kaya nang magkaroon ito ng anak sa ibang babae ay ginawa ng pamilya namin ang lahat para hindi ito makalabas sa publiko.
At isa pa ay sa main house kami pupunta ibig sabihin ay doon na rib pala namamalagi si daddy at umalis na raw ito sa bahay namin sa Makati.
As usual ay mahigpit ang security dito sa village kung saan kami nakatira pero nagpakilala ako sa guwardiya na agad akong nakilala.
Ang bahay namin sa Makati ay binili nina daddy nong nasa college na kami at bihira kami umuwi sa main house nong buhay pa si lolo ang ama ni daddy.
Nang makarating kami sa mansyon ay napatingala ako dito at matapos ang ilang buwan ay ngayon na lang ulit ako makakauwi.
The paascode of our gate is still the same kaya naman napatingin ako kay Light na nasa likuran ko.
“Your house still give me a creep.“ Sabi nito kaya napangiti ako at napatango.
Yeah, tama naman si Light our house is almost fifty years old until to this day marami na ang pinagdaanan nito at dito rin dati nakatira ang mga magulang ni daddy.
BINABASA MO ANG
Badboys Bring Heaven
RomanceAn Erotic/Romance Story by: Seirinsky Akisha De luna is a beautiful young lady. She's born with a silver spoon in her mouth, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya pwera lang sa lalaking matagal na niyang minamahal. Ang ate kasi niya ang gusto nito...