Nagsimula ang meeting na masama ang tingin sa akin ni daddy at ate pero tinititigan ko lang sila at wala akong pakialam.
Hindi ako natuwa sa pagpapalit nila ng mga tauhan dito sa kumpanya at magtatangal rin sila ng mga empleyado, nalulugi na pala ito dahil may nadespalko na pera dito sa kumpanya.
“Can you explain this Akisha?“ Napatingin ako kay ate na masamang nakatingin sa akin kaya napatuon ang mga mata ng lahat sa akin.
Alam ko na ang susunod ang magbintang kaya napahinga ako ng maluwag saka ako tumayo, binigay ko ang hawak ko na hard drive kay Kari.
“Play it Kari so that anyone here has learned that i am not the stealer but my older sister.“ Sabi ko sa kanila saka ako napahalukipkip, buti na lang ay natulungan ako ni Light para malaman ko kung sino ang taong nagnanakaw ng malaking halaga sa kumpanya.
Nagbulungan ang lahat akma na tatalikod si ate pero napigilan siya ni daddy kaya napangiti ako.
“Where are you going!? What is happening!?“ Galit na turan ni daddy na pigil ang galit magpapaliwanag sana ito pero nag-play na ang video.
At lahat ng kalokohan na ginagawa ng magaling kong kapatid ay nasa video na ito at lahat ng ito ay si Yukihara ang lahat ng gumawa.
Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa nito pero malaki ang pasasalamat ko dito lalo na kay Light.
Nilabas ko ang papel na kanina ko pa gustong ilapag sa lamesa.
“I am resigning in this company!“ Sabi ko sa kanila saka ako napatingin kay Kari na tumango sa akin saka kami lumabas ng conference room.
Napahawak sa kamay ko si Kari at nakahinga ako ng maluwag.
“Akisha!“ Napatingin kami kay ate na galit na galit akong lalapitan pero humarang si Kari at napahawak ako sa bibig ko ng malakas niyang sampalin si ate dahilan para mapaupo ito sa sahig.
“Matagal ko na yang gustong gaein sayo bruha ka at buti na lang at nakahanap na ako ng tamang oras!“ Galit na turan dito ni Kari kaya napangiti ako at sabay na kaming pumasok sa elevator at nag-apiran na lang kami.
“Ano ngayon ang balak mo bessy?“ Tanong ni Kari habang nandito kami sa isang coffee shop.
Napatingin ako sa kanya at napangiti at saka ako napatingin sa labas, napakunot ang noo ko dahil nakita ko si Light at Saeki na papalapit dito kaya napailing ako.
“Gagawin ko na ang matagal ko nang gustong gawin Kari.“ Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya at napatawa.
“Hi babe, hello Kari.“ Bati ni Light sa amin at saka umupo sa tabi ko, si Saeki naman ay nag-order ng kape.
“Hi, anong ginagawa niyo dito?“ Tanong ko sa kanya na hawak na ang kamay ko kaya napatitig siya sa akin at ngumiti.
“Bakit bawal ba na makita kita?“ Balik tanong niya kaya napangiti ako at napailing na ako at napahawak sa kamay namin na magkasalikop na.
“May langgam yata dito! Kinikilabutan ako.“ Napatingin kami kay Kari na nakatikwas pa ang kilay na nakatingin sa amin kaya natawa ako.
“Kung babae ka siguro ay liligawan ka ni Saeki pero pareho kayong lalake kaya maghanap ka o magpakalalake na lang.“ Sabi sa kanya ni Light kaya napatawa ako ng malakas at pinalo ko ito sa braso.
“Sana nga naging lalake na lang ako para hindi ako naiingit sa inyo.“ Tumatawa na sabi ni Kari na hindi man lang na offend sa sinabi ni Light.
“Ano na ang balak mo ngayon Akisha?“ Tanong ni Light kaya napatingin ako sa kanya at napahinga ng malalim.
BINABASA MO ANG
Badboys Bring Heaven
RomansaAn Erotic/Romance Story by: Seirinsky Akisha De luna is a beautiful young lady. She's born with a silver spoon in her mouth, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya pwera lang sa lalaking matagal na niyang minamahal. Ang ate kasi niya ang gusto nito...