Chapter ten

0 0 0
                                    

Hindi ako makatulog dahil kahit among gawin ko ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang sinabi kanina ni Light.

I feel bad right now at pabiling-biling lang ako dito sa kama ko.

Dito bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Light na naka-pajama na at dala ang laptop niya.

“Hindi ka ba makatulog? Anong oras na Akisha.“ Sabi nito na umupo sa gilid ng kama ko pero tumayo rin dahil kinuha nito ang remote ng aircon pinindot ito.

“Light hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi mo kanina.“ Bulong ko kaya napatingin ito sa akin at saka huminga ng malalim.

“I told you not to think of it Akisha.“ Medyo madiin nitong turan kaya napayuko ako.

“Is this your way para makaganti ka sa kanya, kung ano man ang ginawa niya ay ito ang paraan mo ang mapalapit sa akin ganon?“ Lakas loob ko ulit na tanong sa kanya na ikinatitig niya sa akin at nagulat siya dahil tumulo na ang luha sa mga mata ko na hindi ko namamalayan.

“Babe hindi ka kasali sa galit ko sa kanya and that is about business nothing more.“ Bigla niyang paliwanag na agad akong nilapitan at niyakap ng mahigpit habang umiiyak ako.

Aaminin ko na nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa dibdib ko nang sabihin niya ito, pero naniniwala ako sa sinasabi ni Light kaya ito na lang ang iisipin ko.

“Kailanman ay hindi ko inisip na gamitin ka againts your father.“ Bulong niya kaya napatango ako at yumakap na rin sa kanya.

Dahil sinabi ni Light na huwag ko nang isipin ang sinabi niya ay tinaggal ko ito sa isipan ko at mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ay ang bakasyon namin sa Japan.

Excited ako dahil sa dalawang dahilan ang una ay masosolo ko ang oras ni Light at ang pangalawa ay may gusto akong katagpuin sa lugar na iyon.

Isang mahalagang tao at bahagi ng pagkatao ko.

At last nandito na kami sa Japan kaya napangiti ako at sinamyo ang simoy ng hangin.

May kalamigan na pala dito sa Tokyo dahil papalapit na ang winter, tamang-tama dahil mararanasan pa namin ang snow dito.

Ilang taon na rin mula nang huli akong makatuntong dito kaya nakaka-excite, napatingin ako kay Light na mahigpit na hawak ang kamay ko kaya napangiti.

“We need to buy winter clothes tomorrow babe.“ Sabi nito kaya tumango lang ako at sumakay na ng kotse na maghahatid sa amin sa hotel na kung saan kami pansamantala na titira.

“I have meeting this evening babe and i will not able to join you on dinner, will you be okay with that?“ Malambing na tanong ni Light habang inaayos ang tie niya kaya tumayo ako tinulungan siya.

“Okay lang i will meet my old friend here Light, i emailed her already.“ Sabi ko sa kanya kaya tumango lang siya at hinalikan ako sa noo.

“Okay if something happen just call me okay.“ Sabi niya kaya tumango ako at napatitig sa kanya.

Napakagwapo ni Light kapag nakasuot siya ng buseness attire lalo na kapag inaayos niya ang salamin niya kaya lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko.

Lihim akong napalunok at pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko.

“Are you okay babe?“ Tanong niya kaya napatitig ako sa kanya at umiling pero nagulat ako ng kabigin niya ako at hindi ko inaasahan ang bigla niyang ginawa.

Napahawak na lang ako sa dibdib niya at sinabayan ang makapamugtong halik niya.

“See you later babe.“ Bulong niya nang bitiwan niya ang labi ko kaya napangiti ako at inayos ang buhok niya na nagulo.

Badboys Bring HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon