Chapter twenty-four

0 0 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan dahil susunduin namin sa airport si Aunt Mariko.

Naligo ako at kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong kumilos, kasalanan ito ng lalakeng ito na mahimbing pa ang tulog.

Hangang sa makatapos akong maligo at mag-bihis ay tulog pa rin ito.

Nang kunin ko ang cellphone ko ay sakto naman na tumunog ang cellphone ni Light pero mahina lang ito.

Nakita ko ang pangalan ng isang lalake na nasa screen at napakunot ako ng noo.

Umupo ako sa harap ng vanity mirror ko at nag-appky lang ng light make-up para matakpan lang ang ilang namumula na nanggaling sa balbas ni Light.

Mayamaya lang ay kumilos na ito at mukhang gising na kaya pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

"Good morning my beautiful woman." Bati nito kaya napatingin ako dito at napangiti at binati rin ito.

"Susunduin natin si aunty." Sabi ko dito kaya tumango lang ito at kinuna ang cellphone nito at napakunot ito ng noo habang may binabasa sa cellphone nito.

"May tumatawag sayo kanina." Sabi ko dito kaya napatingin ito sa akin.

"Bakit hindi mo sinagot babe? Pinsan ko iyon." Sabi nito na bumangon na at hinalikan ako sa pisngi bago pumasok ng banyo.

Napatingin ako sa likod nito na tanging boxer short lang ang suot.

Pinsan pala niya iyong tumatawag kaya napahinga na lang ako ng maluwag at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Alas onse ang lapag ng eroplano ni aunty kaya kailangan namin maagang pumunta doon.

Nauna na akong bumaba dahil gagawa ako ng coffee para kay Light at kakain muna kami ng agahan.

Sakto naman na gising na si manang kaya napangiti ako.

"Good morning manang." Bati ko dito kaya napangiti ito at binati rin ako.

"Excited na ako na makitang muli si Mariko hija." Sabi nito kaya napatango ako at nagtimpla na ng kape.

"Oo nga po manang sa wakas makakauwi na rin siya." Sabi ko dito kaya tumango lang ito.

"Magluluto ako ng masarap na tanghalian at naayos na rin pala namin ni Kari ang magiging silid niya." Nakangiti nitong turan kaya tumango ako at napatingin kay Light na binati agad si manang.

Habanh kumakain kami ni Light ay nagising na rin si daddy na binati kami agad.

"Gusto ko sanang sumama hija pero medyo nanghihina ang katawan ko." Sabi nito kaya nag-alala ako pero sinabi naman nito na wag akong mag-alala.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo na magpahinga ka lang tignan mo kahapon naabutan ka ng ulan sa labas." Sabi ko dito na inaasikaso ko na ang mga gamot nito.

"Hindi naman ako nabasa anak." Sabi na lang nito kaya napailing na lang ako at napatingin kay Light na nakatitig pala sa amin ni daddy.

"Pasensya ka sa amin ni Akisha hijo at nasaksihan mo pa ito." Paghingi ng paumanhin ni daddy dito kaya napatawa lang ito ng mahina.

"Pareho lang tayong nasesermonan tito so i don't mind at all." Sabi na lang nito kay daddy kaya napatingin ako kay manang na nakangiti lang sa amin.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami ni Light kina daddy at si Kari ay sakto naman na bumaba na rin.

Habang nagda-drive si Light papunta na kami ng Pasay ay may tumawag dito.

Italian language ang gamit nitong salita kaya hindi ko sila naintindihan, ilang beses ko na rin narinig ang boses ni Light habang nagsasalita sa lenggwahe niya pero namamangha pa rin ako.

Badboys Bring HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon