Chapter one

20 0 1
                                    

Nakapangalumbaba ako sa isa sa mga lamesa dito sa isang fasffood chain sa mall habang hinihintay ko ang bakla kong bestfriend.

Malapit na naman akong tamaan ng inis sa baklang iyon.

Napatingin ako sa mga lalakeng pumasok dito at lahat sila ay naka damit na jersey mukhang kagagaling lang nila sa basketball game at pawis na pawis sila lahat.

At dahil malapit lang ako sa pinto kaya nakita ko sila at isa pa ay bakante ang isang mahabang lamesa na nasa bandang likod ko lang.

Napailing na lang ako dahil mukhang mga college student lang sila pero matatangkad masyado, ang ingay pa nila kaya napasimangot ako at nag-scrool na lang sa facebook ng mga boring na shared post ng mga so called friend ko.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko at lalo akong napasimangot ng mga fifteen munites na pala akong naghihintay kay Kari.

"Baka mag-reklamo ang cellphone mo sa inis mong pagpindot diyan miss ganda." Napatingala ako mula sa pagkakayuko ng may mag-salita at isang pares ng kulay chokolateng mga mata ang tumambad sa akin.

Napalunok ako ng malapit pala ang mukha nitong lalaking nasa harap ko at base sa suot niya ay kasamahan siya ng mga lalaking pumasok kanina lang.

Masasabi ko na napaka gwapo niya pero mukha siyang badboy lalo na sa hikaw niya sa kaliwa niyang tenga at ang paraan ng pagkakatitig niya ay may kaunting pilyo.

"Pakialam mo naman cellphone ko naman ito." Medyo mataray ko na turan sa kanya pero lalo lang siyang ngumiti kaya napairap ako.

"Maganda ka pero mataray." Muli niyang turan kaya inis ko siya ulit na tinignan nakaupo na siya sa harap ko at nakangiti ng malapad.

"May uupo diyan mister." Sabi ko sa kanya napatingin ako sa mga kaibigan nito ng kantyawan nila ito.

"Mukhang hindi mo siya nakuha sa pa-charming mo Light." Sabi ng isa sa kanila na nasa kabilang upuan lang at lahat sila nakatingin sa amin.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatugtog na lang ng music, kinuha ko ang earpod ko at isinuot ito.

Linakasan ko na lang ang sound para wala akong marinig, another fifteen munites pa at aalis na talaga ako dito at wala akong pakialam sa baklang iyon na pinaghintay talaga ako ng kalahating oras.

"Miss anong pangalan mo?" Narinig ko pa rin ang sinasabi ng lalaking ito kaya mas linakasan ko ang sound medyo masakit na sa tenga pero tiniis ko at nagpatuloy na mag-scroll ng kung ano-ano lang sa social media.

"My name is Light Davidson, fourth year college student, twenty one years old." Napatigil ako sa pagtipa sa cellphone ko at tinignan siya.

"Wala akong pakialam." Madiin ko na turan sa kanya kaya napangisi lang siya at napailing.

Mayamaya pa ay bumalik na sa upuan niya ang lalaki kaya nakahinga ako ng maluwag sa wakas wala na rin na makulit.

Hininaan ko na ang sound at inis na tumingin ulit sa oras at malapit na talaga akong umalis dito.

"Akisha sorry na late ako." Napatingin ako sa bakla kong kaibigan at halata ang kaba sa mukha ng tingnan ko siya ng masama.

"You let me wait here a half an hour Kari!" Mahina pero madiin ko na turan sa kanya.

"Sorry na please may nangyari kasi sa bahay kaya na late ako." Sabi niya na nakita ko ang pagod sa mukha at napansin ko rin ang pasa sa mukha niya.

Dito ako kumalma at medyo na-guilty mukhang may problema na naman sa bahay nila.

"Anong nangyari sa pisngi mo?" Hinawakan ko ito pero napaigik lang siya.

"Did your father slap you again?" Tanong ko sa kanya sa mahinang boses kaya napatingin siya sa akin at naiyak na ng tuluyan.

Badboys Bring HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon