Malapit ko nang maluto ang tanghalian namin at mayamaya lang ay parating na si Light at Yuki.
Napangiti ako dahil nag-request ang dalawa ng sinigang na ulo ng salmon at lichong kawali para sa tanghalian kaya hindi naman ako nag-reklamo.
Kahit natututo pa lang ako sa mga gawaing bahay at pagluluto ay tiniyak ko na masarap ito.
Tamang-tama lang ang asim at lasa kaya napangiti ako, yon nga lang namumula ang magkabila ko na braso dahil sa talamsik ng mantika habang nagpiprito ako.
Hindi ko naisip na pwede ko pala itong iluto sa air fryer at huli na ng mapagtanto ko, ramdam ko ang hapdi nito kaya napahinga ako ng malalim.
Parte naman ito ng pagkatuto ko kaya ininda ko na lang ito.
Nang marinig ko na bumukas na ang authomatic na gate at napangiti ako at nilabas ko na rin ang guyabano juice na tinimpla ko.
“Wow! Mukhang nakahanda na ang tanghalian natin.“ Bungad ni Yuki kaya napangiti ako at napatingin kay Light na agad akong nilapitan kaya medyo napalunok at napaatras.
“Amoy kusina ako at amoy pawis rin.“ Sabi ko sa kanya kaya napakunot ang noo niya pero nakatingin ito sa kamay ko kaya nagulat ako ng kunin niya ito at namula ako.
“You have a lot of bruise here, is this because of hot oil?“ Tanong niya na tila guilty pa kaya binawi ko sa kanya ang kamay ko.
“We're so sorry Akisha.“ Sabi ni Yuki na nakita rin ang mga paso ko.
“Okay lang ito ano ba kayo.“ Sabi ko sa kanila na pinaupo ko na sila dahil lalamig ang sabay kaya napaupo na sila at saka napatingin sa mga pagkain.
“You've work hard to cook this and i am thankful babe.“ Sabi ni Light na nagsimula nang magsandok ng sabaw kaya napangiti ako.
Halos maubos ang kanin at ulam na niluto ko dahil parehong malakas kumain ang dalawa, kahit ako ay naparami ang kain ko pero hindi ko na iniisip kung tataba ba ako o ano dahil wala na akong pakialam.
Si Light na mismo nagsabi sa akin na kailangan kong kumain dahil masyado akong payat kaya sinunod ko siya.
Ang isa pa physicaly fit naman ako dahil may gym dito sa bahay si Light at tuwing umaga ay sabay kaming nag-eexercise kaya hindi ako takot na kumain ng marami.
Dagdag pa ang ginagawa ko sa maghapon which is ang mag-alaga ng mga halaman ko.
Oo nga pala ang mga gulay na hinalo ko katulad ng labanos, kangkong, sitaw, kamatis at okra ay galing sa garden ko kaya nakakatuwa.
Hindi na ako kailangan bumili ng mga gulay sa grocery na masyado nang mahal.
Natuto rin akong hindi gumastos sa walang kwentang bagay, tulad na lang ng sapatos, bags at damit dahil wala na akong trabaho ngayon at isa pa ay marami na akong napagtanto mula nang makawala ako sa anino ng mga magulang ko.
I am free now to do whatever i want and syempre may sumusoporta na sa akin na hindi ako hinusgahan.
Habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin ay naramdaman ko na nandito pa rin si Light at nakahalukipkip lang na nakatingin sa akin kaya naiilang ako sa kanya.
“May problema ba Light?“ Tanong ko dito kaya lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa ginagawa ko.
“Later we will put an oinment to your hand.“ Maikli niya lang na turan kaya napangiti ako at tumango.
Napapiksi ako dahil naramdaman ko ang malamig na bagay sa paso ko na ang ointment na nilalagay ni Light.
“Next time wear something that will cover this beautiful hand of yours.“ Sabi niya na nakataas ang kilay kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Badboys Bring Heaven
RomanceAn Erotic/Romance Story by: Seirinsky Akisha De luna is a beautiful young lady. She's born with a silver spoon in her mouth, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya pwera lang sa lalaking matagal na niyang minamahal. Ang ate kasi niya ang gusto nito...