"Seryoso ako. Papakasalan kita,"
"Sumama ka. Dadalhin kita sa amin para makilala ang pamilya ko,"
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Hahanapin kita. Hindi ka pwedeng makawala."
Agad akong napamulat ng mata. Malalaking butil ng pawis ang naramdaman kong dumaloy sa gilid ng noo ko pababa sa leeg ko. Pansin ko ding malalalalim ang aking paghinga na tila ba ay galing ako sa isang karera.
Mabagal kong binuhat ang sarili paupo sa kama, hapo ang noo at pinapakiramdaman pa ang sarili. Nanuot parin sa laman ko ang matinding pangamba at kalituhan. Higit, tatlong taon na ang lumipas ngunit bakit paulit-ulit parin akong dinadalaw ng nakaraan ko?
Hindi ko 'yon maituturing na ordinaryong panaginip dahil para sa'kin isa iyong bangungot.
Bangungot na nais ko ng matapos.
Buong akala ko matapos nang nanyari ay matatahimik na ako at babalik sa dating ayos ang buhay ko. Subalit gabi-gabi, bawat pagtulog ko ay pinapakita sa akin ang mukha niya habang may matamis na ngiting nakalitaw na nakatingin sa akin.
Nagpakalayo-layo ako. Tumakbo ako at lumayo mula sa kanya na buong akala ko rin ay makakatulong ngunit sa palagay ko ay mas lalo lang lumala. Dahil kahit hindi ko man siya nakikita ngayon, naririnig ko ang boses niya at biglang sumasagi sa isip ko ang mukha niya.
Miski sa pagtulog ay dumadalaw siya.
Pumikit ako at tinakpan ang parehong tenga dahil nagsisimula na naman ito mag-ingay. Ang ingay nila! Naririnig ko uli sila sa loob ng utak ko.
Nanubig ang gilid ng mata ko at namalayan ang sariling tahimik na umiiyak dahil sa halo-halong emosyon na nakapaloob sa akin ngayon.
Maaga akong pumasok sa trabaho. Hindi narin naman ako pinatulog dala ng bangungot kaya naman ay mas pinili kong abalahin ang sarili ngayon. Bandang alas sais palang ay nakatutok na ang mga mata ko sa screen ng computer at maingay na nagtitipa. Gising na rin ang araw kaya naman ay dumami na ang empleyado sa building at may nakakasama narin ako sa department.
"Ele?" rinig kong may tumawag sa akin.
Tumigil ako sa pagtitipa, nilingon ang tumawag sa'kin. Dumapo sa mukha ng babaeng may pagtataka sa mga mata habang nakamasid sa akin ang mata ko. Nakasuot ito ng corporate attire at may dalang kape sa kabilang kamay.
Ngumiti ako kay Marisa. Isa sa mga katrabaho at naging kaibigan ko narin.
"Anong oras ka pumasok? Ang aga mo na naman!", naiiling niyang sabi.
"Sumakit ang ulo ko kahapon kaya maaga akong umuwi. Hindi ko natapos lahat," pagdadahilan ko nalang.
Pabiro siyang umismid. Dumiretso sa cubicle niya na katabi ko lang din.
"Asus! Ang sabihin mo nagpapabango ka para lakihan ni bossing ang bonus mo. Balasubas ka!"
Marahan akong humalakhak.
"Hindi naman,"
Lumapit siya sa banda ko gamit ang swivel chair niya. Nilapag sa mesa ko ang kapeng binili niya.
"Malakas ang instinct ko kaya binilhan narin kita. Ang weird mo talaga minsan," aniya
"Salamat,"
"Hindi ko tuloy alam kung meron ba akong dapat pagdudahan sa inyo ni Jiego o matatakot sa'yo," hagikhik niya nang banggitin nito ang pangalan ng Head Department na si Jiego.
Mabilis na namilog ang mata ko at umiling-iling.
"Ano ba'yang sinasabi mo! Walang ganun saka may girlfriend na si Sir Jiego. Mali ang iniisip mo." depensa ko sa sarili.
Ngumisi ito. "Madalas kasi pareho ko kayong naaabutan dito tapos magkausap pa. Alam mo na..." nagkibalikat siya. "Hindi ko lang maiwasan mapaisip. Lalo pa at wala pa akong nababalitaang may nagugustuhan ka o kinikitang lalaki. Wala pa ba?"
Nahinto ako muli sa pagtitipa at bahagyang napangiwi. Maingat siyang ngumiti sa'kin.
"Medyo matagal-tagal narin tayong magkaibigan. Halos talambuhay ko nasabi ko na sa'yo. Pero hindi pa kita narinig na nagkwento ng tungkol sa'yo. Masyado kang misteryosa kaya madalas kang pag-usapan ng ilang katrabaho natin." pag-amin nito na nahahalata ko naman tuwing pumapasok ako sa building. Kahit saang area sa lugar na ito. Ako ang laman. Isa din iyon sa rason kung bakit mas maaga akong pumapasok.
Hindi ako nakaimik. Ramdam ko ang paninitig sa akin si Marisa na tila inoobserbahan ang reaksyon at kilos ko. Pero kalaunan ay bumuntong-hininga siya nang hindi parin ako kumibo.
"Ayos lang 'yan. Nirerespeto ko ang pagiging pribado mo. Take your time. " sabay tapik niya sa balikat ko.
"May... nangyayari lang talaga kapag maaga ako rito," mahina kong sagot.
Bumalik ang atensyon niya sa akin.
"Malaya kang makwento kapag komportbale ka ng pag-usapan. Hindi nama kita minamadaling magkwento." kumindat siya, "Trabaho na tayo,"
Pareho na kaming abala at ilang oras na pinukos ang sarili sa trabaho. Maliban sa maingay ang daliri ko dahil sa pagtitpa ay halo-halong boses din ang maririnig sa paligid na galing sa pag-uusap ng mga katrabaho ko. Hindi ko na pinansin ang usapan nila dahil hindi ko rin naman nasundan.
Matapos ang mahabang-habang pag-eedit ng mga dokumento inabot ko na 'yon sa sekretarya ng boss namin bago dumiretso sa banyo. Kanina ko pa kasi pinipigilang maihi dahil ayokong nauudlot sa ginagawa. Nawawala kasi ako sa konsentrasyon kapag ganon kaya mas minabuti ko munang tapusin.
"Kilala mo ba'yong panget sa HR?"
Aktong lalabas na sana ako sa cubicle na ginamit ko nang marinig ko ang boses ng babae sa labas. Hindi ko alam kung bakit pero bigla-bigla akong napahinto. Siguro dahil may kutob na ako.
"Panget?" natawa ang kasama nito. Tingin ko ay kabilang sila sa Finance Department at mukhang mga bagong recruit. "Sino? Halos naman lahat ng nandon hindi pasok sa standards ng kompanya. Buti nalang kilala ang kompanyang ito at baka masabi kong wala silang taste kumuha ng empeyado. Sobrang baba."
"Ano ka ba at may makarinig sa'yo! Pero tama ka dyan!"
"Wala namang iba tao rito e, anong kinakatakot mo? Ang hilig mong mangchismis pero takot kang masabon?"
"Nag-iingat lang. Alam mo namang last chance ko na 'to."
Sumabog ang hagikhikan nila at hindi na ako tuluyang makalabas. Sa totoo lang natatakot ako sa realidad kapag lumabas ako rito.
"Pero kahapon nagulat talaga ako nang makita kong may halimaw palang gumagala-gala rito. Creepy!"
"Sobra ka naman makalait. Pero medyo taman ka naman," pagsang-ayon ng kasama.
"Nabanggit kanina ni Kristoff pangalan no'n e. Sa kanya ko din nalaman na taga-HR pala 'yon. Buti nalang baka hindi ako ganahan pumasok kapag nasa department natin,"
Humigpit ang kapit ko damit ko.
"Ethyl ba pangalan no'n?"
"Eleonor, gaga!"
Umugong uli ang halakhakan ng dalawa.
Sabi na e. . .
TO BE CONTINUE
THIS SHORT STORY IS A FICTION.
PLAGIARISM IS A CRIME!
@bunnieflies
BINABASA MO ANG
Unknown from Nowhere (short story)
HorrorDuwende, Multo, Kapre, Tikbalang, Engkanto at kung ano-ano pang nilalang na laman ng katatakutan. Ni isa sa mga ito ay walang pinaniniwalaan si Eleonor. Para sa kanya isa lamang iyong kwento ng mga matatanda para takutin ang mga batang supil. Subal...