halimaw

24 4 0
                                    

Tuluyan na akong napaupo sa ibabaw ng bowl. Nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang ako nga ang tinutukoy nila. Wala namang iba. Sino pa ba ang posibleng pinag-uusapan nila? Ako lang naman ang pangit rito. Halimaw sa paningin nila dahil sa itsura ko.

Kalat na kalat na sa buong kompanya ang bansag sa akin ng dalawa. Kung dati ang tawag sa'kin ng mga katrabaho ko ay pangalan ko lang o palayaw ngayon ay nasasapawan na ng katatawanan at minsan pang nadudulas na tawagin akong Halimaw. Binabawi agad at ginagawang biro.

Masakit. Hindi ko itatanggi ang totoong nararamdaman ko. Gusto ko lang naman magtrabaho ng tahimik at matiwasay. Gustong makalimot sa nangyari. Kakaiba na ang tingin nila sa'kin subalit mas lalong umiba kapag nadadapo ang titig nila sa direksyon ko.

Parang nilukumos ang dibdib ko kasi hindi naman ako ganito dati. Hindi pa ganito ang itsura ko dati. Hindi ako maganda pero kahit papaano ay kaya kong humarap sa iba nang hindi nag-iiwas ng tingin o yumuyuko.

Lumipas ang ilang linggo na ganoon ang nangyayari na minsan inisip ko nalang huwag magtrabaho o kaya'y tumigil nalang upang makaiwas sa lupit ng buhay. Hanggang sa hindi ko na nakayanan ang bigat ng nararamdaman ay nagkulong ako sa cubicle sa loob ng banyo. Ewan ko ba at nagiging comfort area ko na ang bahaging ito.

Sa tuwing kinukulong ko ang sarili ay iniiyak ko nalang ang hinanakit ko. Epektibo naman dahil gumagaan ang loob ko kahit konti.

Kahit pa alam kong hindi lang ako ang nasa loob ng cubicle.

"Eleonor!"

Kusang nahinto sa pagtulo ang luha ko at natunugan ang boses ni Agnes. Isa sa naging kaibigan ko sa ibang department. Tinakpan ko ang mukha ko. Hindi ako sumagot at hinintay ang susunod nitong gagawin.

Anong ginagawa niya rito?
Paano niya nalamang nandito ako sa loob?

"Labas! Alam kong nandyan ka sa loob. Nakita kita sa CCTV na pumasok rito!" dugtong niya na tila nabasa ang nasa isip ko.

Mariin akong napapikit. Nanatiling tikom ang bibig.

"Huwag kang magtago diyan. Lumabas ka at mag-usap tayo. Kapag patuloy kang magkukulong dito iisipin ng iba na tama sila kasi mahina ka at mabilis magpadaig." aniya.

Hindi ako nagpatinag.

Bahagya akong napatalon nang malakas niyang katukin ang pinto sa cubicle na pinagtataguan ko. Pero hindi parin ako nagsalita. Tulala lang ako sa kawalan at nagbibingi-bingihan.

Ilang minutong tumahimik sa labas kaya buong akala ko ay umalis na ito at nagsawa na kakapilit sa'king lumabas. Kanina na rin tumutunog ang cellphone ko dahil sa sunod-sunod na tawag sa'kin ni Marisa. Matapos kong ilagay sa silent mode ang phone ko ay siya namang pagkibo ni Agnes sa labas.

"Malungkot at nasasaktan ka ngayon at karapatan mo namang maramdaman 'yon kasi tao ka lang din. Pero... pero ito lang ang masasabi ko sayo. Gaya ng sabi ko tao ka at hindi ka halimaw. May pilat lang halimaw na agad?" asik niya sa hangin "Walang pangit at walang maganda. Alam kong nakakasawa ng pakinggan 'to pero sasabihin ko parin. Hindi itsura ang batayan para masabing maganda ka o pangit. Masyado lang talagang maraming inggitera at mapanghusgang tao. Kung tutuusin mas halimaw pa sila." simula ni Agnes.

Bumuhos ang panibagong luha sa mata ko sabay bukas ng pinto ng cubicle. Maingat akong hinila ni Agnes palabas. Hindi maiwasang madaplisan ko ang sariling repleksyon mula sa salamin. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang matitigan ang itsura.

Ito na ang realidad ko. . .

"Taman naman sila. Halimaw nga ako. Hindi sila nagkakamali, Agnes." basag kong sambit.

Sobrang ikling buhok na buhaghag at may pilat sa mukha. Malaki at Malalim.

Ngumiti sa'kin si Agnes, umiling siya ng ilang beses at pinalis ang luha sa pisngi ko.

"Nasa realidad tayo Eleanor. Natural na sa mundong ito na may mga katulad nila. At aaminin kong isa ako sa kanila. Hinusgahan din kita nung una palang kitang nakita at isa 'yon sa pagkakamali ko. Patawarin mo'ko," hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap sa malaking salamin. Parehong repleksyon namin ang nakikita ko ngayon.

Hindi nawala ang sinserong ngiti ni Agnes. Lalo tuloy nangibabaw ang ganda niya. Humanga ako lalo ng walang halong inggit.

"Kaya naman ang maipapayo ko lang sayo. Pumikit ka, huminga ng malalim at ngumiti. Gaano man kasakit ang ibato sa'yo ng ibang tao piliin mong huwag magpaapi at magpaapekto. Dahil ang tunay na ganda nasa paligid nakikita,"

Mistulang naging mahika ang mga salita ni Agnes. Dahan-dahang nawala ang tinatago kong bigat sa loob. Maliit na umikit ang ngiti sa labi.

"Itong buhok mo hindi ko man alam kung bakit lagi mong pinuputol kapag tumataas na pero kapag natatagalan na ganito di natin namamalayan na bumabagay na sa atin. Katulad ng peklat mo habang tumatagal mas lalong gumaganda. Lalo na kapag tuluyan mo ng matanggap na mananatili na ito sa'yo. Na parte na ng pagkato mo."

Tumatak sa'kin ang sinabi ni Agnes ng mga oras na 'yon. Kaladkad niya ako habang binabagtas ang daan papunta sa department ko. Wala paring pagbabago. Ganun parin ang klase ng titig ng mga empleyado sa'kin. Naisip kong gawin ang sinabi ni Agnes sa'kin kanina.

Pumikit ako at bumuga ng hangin inisip kong lilipas din ito at makukuha ko naring masanay sa ganito. Subalit aaminin kong hindi ko pa kayang ngumiti sa ngayon. Gusto ko munang maging mahina.

Sa lalim ng iniisip ko diko namalayang huminto si Agnes. At dahil hawak niya ako sa kamay pati ako ay natigil din. Hinila ako ni Agnes sa harapan niya at nasulyapan ko ang mataray na mukha ni Maxine kasama si Dexie. 'Yong mga bagong recruit sa Finance at nagpasimuno ng maling balita tungkol sa'kin.

"Humingi kayo ng tawad kay Eleonor." diritsong sabi ni Agnes na ikinalaki ng mata ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin upang kunin ang atensyon nito pero bigo ako.

Dumaan ang kalituhan sa mata ni Maxine bago ito nagtaas ng kilay. Umirap naman si Dexie.

"Ano?" tanging naging sagot niya

Sarkastikong natawa si Agnes.

"Ano?" pag-uulit ni Agnes at ginaya pa ang maarteng boses ni Maxine. "Huwag mong itago 'yang kabobohan mo sa pag-iinarte mo."

Napasinghap ako.

TO BE CONTINUE

Unknown from Nowhere (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon