wakas

15 6 0
                                    

Naririnig ko parin ang boses ni Mama sa kabilang linya. Gulong -gulo na ang utak ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos hanggang sa may natanto ako. . .

"Ma, tatawagan nalang kita mamaya."

Pinutol ko ang tawag at pumara ng taxi habang hinanap ang numero ni Agnes. Tinawagan ko agad siya nang makasakay na ako. Sa bawat ring ng cellphone niya sumasabay naman ang tambol sa dibdib ko. Lalo pa at hindi siya sumasagot sa paulit-ulit kong tawag.

Sinabi ko sa driver ang address sa tinitirhan ni Agnes. Nakiusap rin akong bilisan ang takbo at kung maaaring gumamit ng shortcut para mas mapabilis ang dating ko. Nagsend ako ng mensahe kay Marisa para itanong kung nasan siya ngayon.

From: Marisa
Papunta na kami sa bahay ni Anton. Bakit?

To: Marisa
Kumusta ka? Ayos ka lang ba?

From: Marisa
Anong drama 'yan Ele? Para namang sa hongkong ang punta ko at sampong taon tayong hindi magkikita. Kaloka ka!

From: Marisa
prof :)

Kinagat ko ang dulo ng dila at kinalma ang sarili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinagat ko ang dulo ng dila at kinalma ang sarili.

Kuntento na akong nakumpirma kong nasa maayos si Marisa. Hindi na ako sumagot pa para di na siya maabala. Pinukos ko nalang ang atensyon ko sa paulit-ulit na pagtawag kay Agnes. Hindi niya parin ang sinasagot at panay ring lang. Nang huminto ang taxi hindi ko na hinintay ang sukli at tinakbo agad ang building ng condo ni Agnes.

Mas mapapabilis sana kung gagamit ako ng elevator kaya lang laging punuan. Wala akong pagpipilian kundi gamitin ang hagdan. Kapos ako sa hangin nang marating ang unit ni Agnes. Madiin ang pindot ko sa door bell nito. Paulit-ulit kong ginawa 'yon na halos gusto ko ng sirain pero walang Agnes na nagbukas.

"Agnes!" sabay hampas ng malakas sa pinto. "Agnes!" ulit ko pero bigo akong mapalabas ito.

Nagrambulan na ang emosyon sa sistema ko. Tumulo ang luha ko sa kadahilanang may nangyari na sa kanya. Bakit kasi hindi ko naisip 'yon? Na posible palang hindi ako ang pinuntahan ni Castor nung maulang araw na 'yon.

"Ma'am Eleonor?"

Bumaling ako sa staff ng building. Si Nanay Maricel, janitress at madalas kong nakakausap kapag tumatambay kami ni Marisa dito sa unit ni Agnes. Kilala na kami ng ilang trabahante dito dahil kilala din ang pamilya ni Agnes.

Lumapit agad ako sa matanda. Nagbabakasakaling matulungon ako.

"Nay Maricel. Si Agnes po kailangan ko po siyang makita ngayon. Pwede niyo ba akong tulungan na buksan ang unit niya. Importanteng-importante lang po talaga..." pakiusap ko rito.

Dumungaw ang lito sa mga mata ng matanda.

"Bakit naman Ma'am? Nakita ko si Ms Agnes paakyat ng rooftop, ngayon-ngayon lang din. May pool party kasi dun. May kasama nga siyang gwapong lalaki e!" saad ng matanda na nagpatigil sa'kin. "Lahat ng bumibisita kay Ms. Agnes kilala at namumukhaan ko pero 'yong lalaking kasama niya, ngayon ko lang nakita. Matangkad at gwapo pero maputla!"

Hindi na ako nakapagpaalam sa matanda at tinungo na agad ang rooftop gamit ang elevator. Sumiksik ako sa loob kahit puno na. Binalewala ko ang reklamo nang una. Nilakbay ko agad ang tingin sa paligid pagkalabas ko. Ngalay na ngalay ang leeg ko kakaikot sa bawat sulok. Sinubukan ko ulit tawagan si Agnes pero ganun parin.

Panghihinaan na sana ako nang di sinasadyang dumapo ang pansin ko sa dalawang pigurang malapit sa pool. Nakatalikod sa'kin ang lalaki habang nakaharap sa banda ko si Agnes na tumatawa. Malalaking hakbang ang ginawa ko. Mabilis akong nakita ni Agnes kaya namilog ang mata nito at aktong sasalubungin ako ngunit mabilis kong nahawakan siya sa braso.

"Ele-"

"Lumayo ka sa kanya, Agnes!" mariin kong utas.

Hinili ko siya palapit sa'kin, tinago sa likuran ko. Matalim kong pinukulan ng titig ang lalaking kasama ni Agnes na nakatalikod pa at mabagal na humarap sa'kin.

"Ele, anong meron?"

"Tinatawagan kita. Hindi ka sumasagot." hinarap ko si Agnes.

"Naiwan ko sa un-"

"Hindi tao ang kasama mo, Agnes!" mahina at may diin kong pagkakasabi para walang ibang makarinig.

Nangunot ang noo niya at tila ba binabasa ang reaksyon ko. Pumilig ang ulo niya, sandaling sumulyap sa lalaking nasa likuran ko.

"Hindi ako makasunod sayo, Ele. Paanong hindi tao si-"

"Nalipat sayo ang marka. Nilililinlang ka lang ng lalaking kasama mo!"

Nanatili sa mata niya ang lito. Hindi parin makuha ang gusto kong iparating.

"What is this all about, Agnes?"

Akmang hihilain ko na dapat si Agnes palayo sa lugar na'to nang magsalita ang lalaki. Malamig at baritono ang boses. HIndi pamilyar sa'kin. Nilingon ko ito at ganun nalang ang talbog na gulat sa dibdib nang makitang ibang lalaki ang kaharap ko ngayon. Ang lalaking inakala kong si Castor.

Tulala ako nang hinarap ako ni Agnes. "Ele, ano bang sinasabi mong hindi tao ang Kuya ko? Magkakilala na ba kayo?" tanong ni Agnes na hindi ko masagot. Inakbayan niya ako at pareho kaming humarap sa tinutukoy niyang Kuya. "Kung sabagay, mapagkakamalan nga namang hindi tao si Kuya dahil sa ganda ng lahi namin." hagikhik ng kaibigan ko."

"Tss." sita ng Kuya niya.

"Nandito ang kaibigan niya at sakto namang dito ako nakatira kaya sumama ako sa kanya. Galing pa siyang L.A. Ngayon lang kami nagkita. Meet my older brother, Ele. Kuya Kryster-" hindi ko napagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Agnes dahil sa ibang bagay na nakatuon ang pansin ko.

Yumuko ako at binuksan ang cellphone. Bumalik ako sa palitan namin ng messages ni Marisa.

"Pero bakit mo pala nabanggit 'yong marka? Sabi mo nalipat sa'kin. Anong ibig mong sabihin?" rinig kong tanong ni Agnes.

Nanginginig kong pinindot ang litratong sinend ni Marisa kanina. Ramdam kong nalipat dun ang atensyon ni Agnes sa picture na tinitignan ko. Nilakihan ko ang bahagi kung saan makikita ang lalaking kasama ni Marisa. Na ipinakilala niyang si Anton. Pero ngayon ko lang napansing iba pala ang katauhan.

Kasama niya ni Castor.

Habang dikit ang mata ko sa litrato. Panibagong mensahe galing kay Marisa ang lumabas. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang mabasa ang mensahe.

NAKAWALA KA PERO NAWALAN KA. MAKASARILI KA ELEONOR. HANGGANG KAMATAYAN MO ITO PAGSISISIHAN. ANG PAGTAKAS MO ANG PULO'T DULO NITO.

----------------
bunnieflies

Unknown from Nowhere (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon