komusyon

23 5 0
                                    

Nasa gitna kami ng daan kaya naman ay madali lang para sa iba ang sumulyap-sulyap sa banda namin. Muli kong hinawakan sa braso si Agnes at akmang isasama ko sa pag-alis subalit nagmatigas ito at hindi tinatanan ng mariing titig ang dalawang babae sa harap.

Nakita ko ang paglukot ng noo ni Maxine lalo na ang kasama nitong si Dexie. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Agnes lalo na ang panggagaya sa tono nito.

"Excuse me? Huwag ka ngang umastang nakakataas ka rito. Empleyado ka l-"

"Gagawin niyo ba o hindi?" pagputol ni Agnes sa sasabihin ni Dexie

Muli kong hinila si Agnes paalis pero bigo na naman akong mahila ito. Para siyang poste ng ilaw na ang hirap tanggalin.

"Bakit namin gagaw-"

"Bakit niyo gagawin? Simple lang! Bukod sa nagpakalat kayo ng kung ano-ano tungkol sa kanya senior niyo rin siya dito sa trabaho. Ang lakas ng loob niyong bastusin ang senior niyo gayung bagong salta palang kayo dito. Abala kayo sa chismis samantalang hindi niyo nga magawa-gawa ng maayos ang mga trabaho niyo! Puro palpak at kaartehan! Anong akala niyo rito? May rampahan? Ni mannequin nga hindi kayo papasok sa standards. Lumugar kayo ng tama." asik ni Agnes.

Bumagsak ang panga ko sa sinabi ni Agnes. Nasapo ang leeg. Nabitawan ko ang braso niya at wala ng magawa. Dumadami narin ang nanonood sa amin. Nagtataka sa nangyayari.

"Bakit kami ang pinagbibintangan mo? Gaano ka kasigurado na kasali kami sa nagpakalat?" tanggi ni Dexie.

Tumirik ang mata ni Agnes. Kalmadong bumuga ng hangin at may kinuha sa bulsa ng jacket niya. Hindi ako pamilyar sa bagay na hawak niya basta't nagulat na lamang ako sa lumabas na boses mula roon.

"Nakita ko siyang may kasamang matanda nung isang araw. Akalain niyo 'yon kahit panget nakakabingwit din pala. Gurang nga lang,"

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganun ang nangyari sa mukha niya?"

"Kunwari misteryosa pero ang totoo niyan hinampas siya ng matalim na bagay dahil kumabit ng matanda. Masyado sigurong nangangailangan. Kasuka talaga,"

"May asawa siya?"

"Obvious naman 'no! Kaya nga siguro wala siyang pinagsabihan tungkol sa buhay niya dahil isang kahihiyan."

Nanghina ako at yumuko. Kahit walang katutuhanan 'yong sinasabi ng dalawa nakakahiya parin dahil kalat na kalat na talaga ang maling impormasyon na 'yon. Maraming pang sinabi sina Maxine at Dexie sa recording pero pinutol na ni Agnes at seryoso ang matang nakaantabay sa dalawang hindi na makapagsalita at makatingin ng diritso.

"Ngayon niyo patunayang hindi sa inyo ang mga boses na 'yon. Depensahan niyo ang sarili na hindi kayo 'yon at ibang tao,"

Umugong ang bulong-bulungan.

Inirapan ni Maxine si Agnes. Humakbang naman palapit si Dexie ngunit agad napigilan ni Maxine.

Tumikhim ito bago nagsalita. "Ano naman ngayon kung kami nga? Eh, totoo naman 'yon! Kaya siya may peklat dahil naging kabit siya ng isang matanda. Look at her now. Tignan mo nga 'yang buhok niya, parang sinabunutan ng unggoy. Ang panget tignan. Sabagay, deserve niya naman 'yan. Hindi nalang kasi makuntento,"

Isang beses na humakbang si Agnes sa dalawa. Nabigla si Maxine at Dexie kaya agad silang napaatras na sinundan na naman ng hakbang ni Agnes.

"Kung si Eleonor masakit sa matang tignan. Kayo salot. Mga peste!"

"Agnes. . ." sita ko

"Ang linis mong magsalita na parang wala ka ring tinatagong dumi. Muntik na kitang palakpakan!" tawang sambit ni Agnes.

"Mag-ingat ka dyan sa lumalabas sa bunganga mo. Trabahante lang kayo dito. May koneksyon ang Daddy ni Maxine sa may-ari ng kompanya baka gusto mong mamulubi nalang sa labas," singit ni Dexie na may maangas na ngisi.

Subalit mas dumoble ang laki ng ngiti ni Agnes sa dalawa.

"Seryoso? Ako pa talaga tinakot niyo? Baka kapag nilabas ko baho niyo pareho kayong lumuhod sa harap ko." lumapit pa si Agnes kay Maxine at hinawi ang buhok nito sa bandang tenga. "Maxine Delcano, nag-iisang unica hija ng DC Group. Tinapon ng ama rito dahil nasangkot sa droga kaya nandito para sa pangalawang pagkakataon. Pero ano kayang magiging reaksyon ng Daddy mo kung malaman niya na ang spoiled brat niyang anak na akala niyang nagtino na ay mayroon pa palang mas kahindik-hindik na ginawa sa loob ng airport,"

Pagbanggit na pagbanggit palang ni Agnes ng huling sinabi ay mabilis na namutla ang mukha ni Maxine. Hindi nakatakas sa'kin ang pamilog ng mata niya na agad niyang tinakpan ng pagmamatapang. Naguguluhan namang tumingin sa kanya si Dexie at may binulong-bulong.

"Huling-huli na'to. Humingi kayo ng tawad sa kanya. Senior niyo siya kaya wala kayong karapatang bastusin siya at gawan ng kwento. Linisin niyo rin ang pangalan niya na kayo ang dumungis. Kapag hindi niyo ginawa ngayon, asahan niyong hindi lang din kay Eleonor ang pagchichismisan kundi pati narin kayo."

Nilapitan ko si Agnes at pilit na nilayo sa dalawa. " Hayaan mo nalang. Mawawala rin 'yong usap-usapan-"

"Ano?! Tatanga-tanga lang kayo at walang sasabihin?!"

Lumunok ako at nagitlag sa biglang bulyaw ni Agnes. Sobrang sama na ng titig sa dalawa. Gayunpaman, bandang huli ay sabay na lumapit sina Maxine at Dexie habang nakayuko. Ramdam kong napipilitan lang sila.

"Pasensya na Eleon--"

"MS. ELEONOR!" pagdidiin ni Agnes na nagpagulat sa dalawa.

Nanginig sila nang tumingin sa'akin.

"Sorry Ms. Eleonor. Pasensya na talaga. Mali kami sa ginawa namin," si Maxine na namumula ang sulok ng mata.

"Binabawi na namin 'yong sinabi namin tungkol sa'yo. Gawa-gawa lang namin dahil... dahil naiinis kaming tignan ka," si Dexie na mataman tumitig sa'kin pero nag-iwas din ng tingin.

Matapos nilang sabihin 'yon ay sabay narin silang umalis dalawa. Walang lingon-lingon at diritso lang. Kahit hindi ko ramdam ang sinsero ng dalawa. Kahit papaano ay nakatulong iyon para mawala ang bigat sa puso ko.

Humarap na sa akin si Agnes pero tinaasan pa niya ng kilay ang mga empleyadong nakatingin parin sa amin.

"O ano? Tapos na ang eksena! Di pa kayo magtatrabaho? Kapag isa sa inyo nahuli kong pinag-uusapan na naman si Eleonor! Makakakita talaga kayo ng tunay na away!"

Kaagad ko ng hinila palayo si Agnes at baka kung ano-ano na namang pagbabanta ang sabihin nito. Sa sumunod na araw, wala na rin akong naririnig na usapan tungkol sa'kin. Para iyong kandila na unti-unting nauupos. Bumalik sa ordinaryong agos ang bawat araw ko.

TO BE CONTINUE

Unknown from Nowhere (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon