Days had passed. Ayay! It's Saturday! *^O^*
Teka nga. Naninibago ko sa sarili ko. Ilang araw ko pa lang nakakasama si Jaycee pero parang nawawala ang katahimikan ko. Yung babaeng yun napakagulo parang pinagsamang ate at kuya ko. Bipolar ata ang bagong BEST FRIEND ko. May pagka-abnormal.
Ano naman kayang gagawin ko ngayon? Ang aga pa. Magja-jogging muna ko ipapasyal ko na din si Yuri, ang Cyberian fox kong doggy. Mabilis akong nagpalit ng damit at lumabas na sa kwarto ko.
"Good morning Manang! Pakisabi po kina dad ipapasyal ko muna si Yuri. Bye po!"
"Sige ija, mag iingat ka"
Then I waved goodbye. Ang saya ko ata? Ako ba talaga to? Simula nung natalo ko si Bea sa scholarship exam nagkaganito na ko. Siguro nga dapat kong ipagpatuloy to at ipapatikim ko kay Bea ang matamis kong pagbangon at pagbawi sa kanya ng korona. Papaikutin ko siya. Ipapatikim ko sa kanya kung paano ba mabuhay ng lagi kang talunan. Sisimulan ko na ang palabas, ang The Loser's Game. ˋ▽ˊ
Andito ko ngayon sa isang bakanteng lote sa loob pa din ng village namin. Dito ako laging tumatambay pagkatapos magjogging. Madami ding tao dito na nagpapahangin. Naisipan ko munang maupo sa damuhan habang hinihimas ko ang malambot na balahibo ni Yuri.
"Hayy Yuri. Nakakapagod no? Namiss kitang kasama"
"Sana nga bumalik na yung dating ako."
"Namimiss ko na yung si Audrielle na maingay, makulit at sobrang bully"
Sunud-sunod kong sabi habang nakatingin sa malayo.
"Alam mo pag sumagot yang aso mo magdasal ka na."
Napalingon naman ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Kalex.
"KALEX?!!! A-ANONG GINAGAWA MO DITO?!!!"
Sigaw ko sa kanya.
"Easy. Napadaan lang ako dito. Dito din kasi nakatira sa village yung pinsan ko"
"Ah. Okay"
"It seems pinapasyal mo ang alaga mo dito"
"Yeah. Every weekend ko siya pinapasyal o kaya naman pag walang pasok sa school"
"Hmmm. He's cute and nice. Like you"
Di ko masyadong naintindihan yung huli niyang sinabi. Pabulong kasi. -_-
"Anong sinabi mo?"
"Ah wala sige una na ko baka hinahanap na ko nina dad"
Bigla siyang umiwas ng tingin sakin sabay takbo. Yung lalaking yun ni minsan hindi ko naintindhan ang trip. Psssh.
Pagkalipas ng halos isang oras umuwi na din ako. Baka hinahanap na din ako samin.
Pagkauwi ko mga matang di ko mawari ang nakita at nadatnan ko. All of them are staring at me like I killed someone in front of them. They look like shocked and at the same time parang nakakita ng multo. Ano ba yan! Aga-aga!
"What's wrong? Am I messy? Why are you looking at me like you've just seen an evil ghost? "
Nakatingin lang sila sakin na para bang ineexamine ang buong katauhan ko. What the!
"What the hell is going on???!!!!"
I shouted na dahilan ng pagkabalik nila sa ulirat. •﹏•
"Ikaw ba talaga si Audrielle?"
Nagtatakang sabi ni kuya.
"Oo nga. Ikaw ba talaga siya?"
Sabi naman ni ate. Si mom at dad naman nakatingin lang sakin na para bang nag-aantay ng isasagot ko. Andito nga pala kami sa may salas. Inaantay siguro nila ko bago magbreakfast.
BINABASA MO ANG
The Loser's Game
Teen FictionThis is a story about a girl who decided to take revenge on someone she called her best friend. She felt betrayed when everything she have was lost. Her illness make the best way for her to make time to think of her plans. When she recovered from he...