Naiinis ako. Wala na ding lumalabas na luha sa mga mata ko dahil puro inis na lang nararamdaman ko. Maya-maya nag ring phone ko.
"Princess!"
Bati ng nasa kabilang linya. Alam niyo na siguro kung sino yun.
"Oh, bakit napatawag ka?"
"A-ano kasi nakita ko si Kalex dito sa Mall hinihingi niya number mo."
"What? Pwede namang itext na lang tumawag ka pa. Sige bigay mo na"
Wala naman sigurong masama dun di ba? We're friends.
"Sigurado ka?"
"Jaycee oo sigurado kaibigan ko naman siya di ba?"
"Okay sabi mo eh. Hmm. Pwede ba kong pumunta diyan after ko dito?"
"Oo naman. Para na din malibang ako"
"Okay see you later"
"K"
Then, I hang it up.
Humilata lang ako sa bed ko after namin mag-usap ni Jaycee. Iintayin ko na lang siya dito. Di ko feel lumabas ng room ko.
"Audrielle.."
Di niya natuloy yung sasabihin niya dahil nagsalita ako sa gulat ko.
"Daddy uso kumatok muna di ba?!!!!"
Pasigaw kong sabi. Nagulat ako eh. Kasalanan niya.
"Sorry. Anak mag-usap tayo. Please "
"May magagawa pa po ba ko eh nakapasok ka na sa lungga ko. -_-"
Pagkasabi ko nun sinarado niya yung door tsaka lumapit sakin.
"Look. Audrielle, sorry. Hindi ko alam na nasaktan ka pala namin dati dahil sa lagi naming napapansin si Bea. Naging mas malapit kasi siya samin kesa sa'yo. Alam mo naman kung bakit di ba?"
"Di ko alam dad."
"Nak, dahil yun sa kalokohang ginawa mo dati kay Bea. Muntik na siyang malunod dahil tinulak mo siya sa pool"
"Dad ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na hindi ko yun sinasadya. Eh pareho lang naman po kaming muntik mamatay nun di ba? Nadulas ako nun dad yun yung totoo. Tapos nahawakan ko siya kaya pareho kaming nalalag dun. Kung ayaw niyong maniwala ayos lang SANAY na po ako. Yun po ang totoo at kung si Bea po ang nagsabi sa inyo na tinulak ko siya lalo lang nadagdagan galit ko sa kanya"
"Anak wag naman ganyan. Kahit naman papano may pinagsamahan kayo."
"Yes but she had broken everything we had back then"
"Mapapatawad mo pa ba siya?"
"I don't know not even I got satisfied of her, suffering from the same things she did to me"
"Nak. Don't do that. You're better that what you are now. Wag kang magpalamon sa galit."
"Di naman talaga dad. Di ko lang matanggap na pati feelings ko pinaglaruan niya just to get everything from me!"
Naiinis na talaga ko.
"Sabihin nating ginawa niya nga yun. Sige. Kahit naman ako magagalit pag sakin ginawa yun. Uso magpatawad anak. Uso din ngumiti. Parang nilamukot na papel na yang mukha mo oh. Kamuka mo na si kokey! Hahahaha"
Aba't!!! Ako? Kamuka si kokey? What the!!!!!
"Dad!!!!!!!"
Pagkasigaw ko niyan tumakbo siya palabas. Kaya hinabol ko siya. Si daddy talaga kahit kailan ang bully!!!!!
BINABASA MO ANG
The Loser's Game
Teen FictionThis is a story about a girl who decided to take revenge on someone she called her best friend. She felt betrayed when everything she have was lost. Her illness make the best way for her to make time to think of her plans. When she recovered from he...