"Good morning sunshine"
Sigaw ko sa kwarto habang nag-iinat pa. Agad ko namang nakita si Yuri sa tabi ko. Oo, dito siya natutulog. Malinis naman to marunong siyang magpunta sa banyo mag-isa basta hayaan lang bukas yung ilaw. May pinto naman yung CR para sa kanya.
"Hi Yuri. Good morning."
Hinawakan ko ang malambot niyang balahibo. Nakakagigil ang taba niya kasi sarap niyang lamutakin. Hahaha.
"Baby!!!" sigaw ni ate.
"Yes po?"
"Pinapatawag ka ni mom punta ka daw sa library"
"Okay. Just give me a minute"
Dali-dali akong nag-ayos. Ano na naman kayang meron? Nag shorts lang ako tapos t-shirt na malaki sakin. Hahaha. Actually kay kuya to inarbor ko lang. Ang cute kasi ng design eh.
"Mom." Sabi ko pagkakatok ko sa door.
"Come in baby"
Pagbukas ko ng pinto. O_O
"Kalex???anong ginagawa mo dito?"
"Baby kasi magbusiness partners ang family natin at nabanggit pala nitong si Kalex yung about sa event niyo. Bakit di mo sinasabi samin ha?"
"Mom I had no time tsaka kahapon lang naman po yun sinabi samin. Tsaka pano ko naman masasabi yun. Baka tawanan niyo pa ko. -_-"
"Hahaha. Anak. Maganda ka kaya, di ka nga lang marunong mag-ayos. Look at you, you look like a boy with your outfit."- dad
"Dad ang ganda ko namang lalaki..psssh.so what's up?"
"Napagkasunduan naming UK ang irerepresent niyo"-mom
"Hmmm. Okay po. Yun lang po ba?"
"Nope. Napagkasunduan din namin na magha-hire kami ng magtuturo sayo ng mga dapat mong gawin para maging maayos ang takbo ng pageant"- dad
"So you're telling me na wala talaga kong guts para humarap sa kanila ng iba anyo ko? Grabe ka dad ang hard mo."
Tinawanan nila kong lahat. Napatingin ako kay Kalex mukhang enjoy na enjoy siya sa pang-aasar sakin ni dad.
"Di naman anak. Alam ko kasing wala ka pang experience sa ganito. Tsaka once in a lifetime lang to mangyari, sulitin mo na."-dad
"Tsaka ija para din yun sa ikabubuti mo malay natin after nito makasali ka pa sa ibang ganitong klaseng event"-Mrs. Hayashi
"Okay fine" I sighed. Di naman ako mananalo diyan.
"Mr. & Mrs. Hayashi salamat sa time niyo. Halika sa baba at mag miryenda muna tayo"-dad
"Mr. & Mrs. Hayashi thank you po"-ako
"Nako wag nga kayong masyadong formal. Ija tawagin mo na lang akong Tita Leah at ito naman si Tito Henry mo"
"Okay po"
I smiled. Pagkatapos nun nagmiryenda muna kami. Hindi ko na inabutan ang breakfast dahil 10am na ko nagising. Hihihi. After that nagpaalam na din sila Tita Leah. Habang palabas sila napatitig na naman ako kay Kalex.
"Kung gusto mo umamin ka na kasi hindi yung nakangiti ka diyan habang titig na titig ka."sabi ng damuho kong kuya.
"Shut up big bro para ka pong kabute bigla bigla ka na lang sumusulpot dyan!" Tapos inirapan ko siya.
"Nga pala lil sis may ibibigay ako sayo"
Inabot sakin ni kuya yung isang box. May ribbon pa. Mamaya dead rat lang naman ang laman pero hindi, mabigat eh. Baka naman dead cat or dog? Hahaha. Wag niyo na nga lang akong intindihin. Lilinawin ko lang hindi po ako brutal sa mga hayop si kuya Austin pwede pa. Pet lover kaya ako.
BINABASA MO ANG
The Loser's Game
Teen FictionThis is a story about a girl who decided to take revenge on someone she called her best friend. She felt betrayed when everything she have was lost. Her illness make the best way for her to make time to think of her plans. When she recovered from he...