SAFFYRE
KUNG puwede lang akong magpanggap na hinimatay, ginawa ko na punyeta! Kaso syempre, lalo akong magiging agaw atensyon kaya nanahimik na lang ako kahit na ramdam ko ang kiming pisil ni Dwight sa baywang ko.
"Is there something wrong, Casspian?" tanong ni Saina kay Casspian.
Baklang 'to! Usyusera! Hindi makuntento na ginigisa na ako ng mga mata ni Casspian! Gusto mo pa talagang tuluyan akong makatay, punyemas ka!
"So what am I to you, Ms. Aleja?" muling anas ni Casspian. Lintik na 'yan, akala ko titigilan niya na 'ko, mali pala itong akala ko.
"A–ah, hehehehe." Nawawalan ako ng sasabihin sa kaniya.
"Do you have a problem with my girlfriend, dude?" ani Dwight at saka pa niya pinagsalikop ang mga kamay namin.
Imbes naman na sumagot itong si Casspian, tinitigan niya lang nga mga kamay namin.
Please lang, Casspian. Maghunos-dili ka, singkwenta mil ang mawawala sa akin kapag tumirada ka bigla ng hindi maganda.
"Oh, you're girlfriend," sagot niya na animo ba naghahamon ng away pero parang hindi kasi normal na good boy nga siya tapos ang amo pa ng mukha na kapag sinuntok mo, siya pa ang magso-sorry. Ah, basta!
"A–ah, e–eh, mag-cr muna sana ako, Dwight. Okay lang ba?" pagpatay ko sa tensyon sa pagitan naming apat.
Nilingon ako ni Dwight na parang gusto niya pa akong pigilan pero bahagya ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Aba'y sumesegway na nga ako para gumaan-gaan, eepal pa siya.
Binitiwan ko ang kamay ni Dwight at kumaripas na ng alis. Alam kong nakasunod pa rin ang mata ni Casspian sa akin pero kiber na muna, punyeta. Baka mawalan ako ng sideline kapag inintindi ko siya. Mahirap pa nito, imbes na dito ko sana sa pera na makukuha ko kay Dwight iaasa ang pangangailangan naming mag-ina, mapurnada pa.
Iyong tatay mo, anak, malabo pa sa ilong ng pusa. Wala naman kaming label, kung makapagtanong para bang kasal kami. Susmaryosep!
Agad akong pumasok sa malapit na banyo na nakita ko. Tumingin ako sa salamin at maganda pa rin naman ako. Mukha lang akong kinakabahan—na totoo naman, pero maganda pa rin ako.
Kinuha ko ang maliit na bag ko at naglagay ng kaunting lipstick, saka ako nagpahid ng kakaunting powder. Syempre puro kaunti lang, ayaw kong magmukhang espasol.
Nagtagal pa ako nang bahagya bago ako nagdesisyon na lumabas na. Siguro naman ay kahit paano kumalma na ang tensyon sa labas.
Pagbukas ko ng pinto ng banyo ay liliko na sana ako pakanan nang bigla na lamang akong makarinig ng pagtikhim.
"Shall I tell your boyfriend that I am the father of your child?" aniya nang malingunan ko siya.
Seryoso lamang ang tingin niya sa akin pero iyong tanong niya, parang nangangatog na ang mga tuhod ko sa narinig ko.
Pinilit kong iayos ang sarili ko, saka ako humalukipkip. "Casspian, umayos ka parang awa mo na. Gusto mong ipangalandakan na may anak tayo? Sira ba iyang ulo mo? Maryosep ka. May bingot yata iyang utak mo—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil inilang hakbang niya ang pagitan namin kaya't nawala ako sandali sa hinagap ko at napasandal sa pader. Na-corner na niya ako ng mga braso niya.
"I never showed anyone how possessive I can get, baka sa 'yo pa lang," makahulugang sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.
Ang lamyos-lamyos ng mga mata niya pero sa mga oras na ito, para itong nag-aapoy na hindi maipaliwanag. Para akong mauulol sa kaniya ano mang oras.
BINABASA MO ANG
Desperate Gamble
General FictionWARNING: MATURE CONTENT | R-18 | ON-GOING | S T A N D A L O N E N O V E L | Malaki ang galit niya sa mundo at walang matinong salita ang lumalabas sa mga labi niya. Laki siya sa hirap at literal silang naghihirap. Pasan niya lahat ng problema sa...