Desperate Gamble

9.5K 214 17
                                    

WARNING:
MATURE CONTENT | R-18 | CONTAINS EXPLICIT SCENE | CONTAINS ADULT LANGUAGES

READ AT YOUR OWN RISK!

--

Malaki ang galit niya sa mundo at halos walang matinong salita ang lumalabas sa mga labi niya. Laki siya sa hirap at literal silang naghihirap. Pasan niya lahat ng problema sa pamilya at bitbit niya lahat ng sakit ng loob na bigay ng sarili niyang ama na kahit na pumanaw na ay tila bangungot pa rin niya.

Para sa kaniya, kung hindi rin naman kayang magpamilya, mabuti pang magpaputok na lang sa labas ng bahay-bata kaysa ibuhos mo lahat at pagsisihan iyon sa huli. Sawang-sawa na siyang maging retirement plan ng mga magulang niya na para bang hindi pa man siya naisisilang bilang panganay ay kargo na niyang lahat ng mga magiging problema ng pamilya nila sa hinaharap.

Gusto niyang makaahon sa hirap, gusto niyang umangat mula sa laylayan ng lipunan nang hindi nakikipang-amuhan kung kani-kanino. Gusto niyang mabilis na pera para matubos ang bahay at lupa nila at para na rin mapagamot ang kapatid niyang nasa hukay ang isang paa.

Pagod na siya sa mundo, kaya't nang isang beses na magkaroon siya ng pagkakataon na makaahon sa hirap ay agad niyang sinugalan iyon. Desperada na kung desperada, basta ang mahalaga ay may mapapala na pera.

Nagbunga ang pagsugal niya sa kadesperadahan niya at ngayon ay litong-lito ang pagkatao niya dahil hindi niya inaasahan ang sitwasyon na biglaang bumulaga sa kaniya.

Hanggang saan niya dadalhin ang kagagahang taglay niya? Hanggang saan niya ipagsisiksikan ang sarili niya... kung ang taong sinugalan niya, ay may balak na palang sugalan na iba? Saan ba dapat lumugar ang katulad niyang desperada?

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Desperate GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon