SAFFYRE
PARA akong sinukluban ng langit at lupa sa narinig ko. Punyetang 'yan! Napakahirap maging peyborit ni Lord, agad ka Niyang kukuhanin. Ibinigay kay Kalinn lahat ng ganda at karangyaan, pero ipinagkait ang mahabang buhay.
"Mas lalo mo palang kailangan na manatili sa tabi niya—"
"Which she would never want. Kalinn will never ask me to choose to stay by her side out of pity, over you and my child. She will always ask me to choose my happiness and that's who she is."
"Huwag kang paladesisyon para sa kaniya, Casspian. Pinapairal mo na naman iyang pagiging manipulative mo! Hindi ako natutuwa sa 'yo!" Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan kong magtaas ng boses. Siguro dahil alam ko ang pakiramdam na walang-walang makapitan? Siguro dahil danas ko ang pakiramdam na maging kaawa-awa at mag-isang lumalaban?
Nakita kong ngumiti siya nang mapait sa akin bago muling nagsalita. "How I wish I was just making decisions for her, but no, Saffyre. It was all the decision she had engraved in my brain ever since she learned about her disease. She's selfless."
Para akong nanlulumo sa naririnig ko pero ayaw kong ipakita. Ayaw ko ring malaman ni Kalinn na sobra akong naaawa sa kaniya sa mga oras na 'to. Sino ba naman hindi, letse! Mamamatay ka na, tapos itong fiancé mo ay nakabuntis ng ibang babae. Punyeta!
Anak ko, parang hindi nakaganda iyang bigla mong pagsulpot. Masyadong mabigat ang sitwasyon ng tatay mo.
Kinuha ko ang ballpen na nasa mesa at mabilis na pinirmahan ang papel na kaninang hawak ko, saka ko siya tiningala at tinitigan sa mga mata. Punyetang mata 'yan, Casspian! Parang lagi mo 'kong lalamunin nang buhay!
"Walang lalabas sa kahit na anong napag-usapan natin. May espasyo pa riyan sa papel, isulat mo lahat nang gusto mong isulat, saka mo 'ko padalhan ng kopya. Wala akong ibang hihilingin sa 'yo bukod sa sustentuhan mo ang anak ko at... h–huwag ka nang magpapakita sa akin kahit na kailan."
Agad ko siyang tinalikuran at agaran akong lumabas ng kuwartong iyon. Lakad at takbo ang ginawa ko dahil anoang oras ay babagsak na 'tong letseng mga luha ko na hindi ko malaman kung kulang ba sa aruga dahil masyadong papansin.
Nasa entrada na ako ng malaking gate nang makita ko si Kalinn na nakasandal lamg sa isang poste at sumisipa-sipa ng mahina sa ere habang nakatingala sa kalangitan.
Pinahid ko ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko bago ako tumungo sa kaniya. Napakislot pa siya nang una na halatang hindi inaasahan ang presensiya ko.
"Miss Saffyre? Tapos ns ba kayong mag-usap ni Casspian—" Napatigil siya sa pagsasalita dahil hinawakan ko ang bigla ang mga kamay niya.
"Wala akong balak mang-agaw. Sa mundong 'to hindi puwedeng lagi kang mabait, hindi puwedeng lagi kang okay lang sa lahat dahil lang iyan ang maigi. Hindi ka biglang ibi-bless dahil lang pinili mong maging anghel. Hanggang sa dulo ng hininga mo, panghawakan mo ang taong gusto mo. Kahit man lang doon maging makasarili ka," tuloy-tuloy na anas ko at hindi ko namalayan na tuluyan na ngang naglandas ang luha sa mga mata ko.
Nagulat ako nang bawiin niya ang mga kamay niya mula sa akin, saka niya pinahiran ang mga luha sa pisngi ko at ngumiti sa akin... isang napakatotoong ngiti. Walang bahid kaplastikan at pagkukunwari.
"Hindi mo 'ko kailangan intindihin o kahit kaawaan pa. Hindi ko rin naman magagawa iyang sinasabi mo na maging makasarili. Sa ilang buwan o linggo na lang na itatagal ko, hahayaan ko pa naman bang mahirapan ang taong mahal ko?" aniya sa akin, saka hinaplos ang pisngi ko. "If Casspian will be happy beside you, I will let him go just so he can be with you and you don't have to feel guilty towards my decision. My decisions are mine alone, and in the end, it is what I want and it is what my heart told me."

BINABASA MO ANG
Desperate Gamble
Fiction généraleWARNING: MATURE CONTENT | R-18 | ON-GOING | S T A N D A L O N E N O V E L | Malaki ang galit niya sa mundo at walang matinong salita ang lumalabas sa mga labi niya. Laki siya sa hirap at literal silang naghihirap. Pasan niya lahat ng problema sa...