NAKAKABINGING ingay ng bar ang bumungad sa akin. Gusto kong maiyak at mapamura pero wala akong magawa. Ito ang lugar na kinasadlakan ko, ganito lang talaga ang buhay na babagsakan ko. May choice ba naman ako? Wala, letse.
"Vakla ka, may choice ka naman, e. Makinig ka kasi. Undergraduate ka naman sa college, puwede kang pumasok ng ibang trabaho—"
"Iyang ibang trabaho bang sinasabi mo, Lara, ay agad na makakapagbigay sa akin ng limpak-limpak na salapi? Matutubos ba agad niyan iyong lupa namin na nakasangla sa buwaya kong ninong-ninongan na gustong tuhugin ang nanay ko? Maisasalba ba niyan ang operasyon ni Garnette nang agad-agad? Kung hindi rin lang naman, Lara, huwag mo nang i-promote. Wala akong balak bilhin 'yang gusto mo," pambabara ko sa kaniya kahit na alam ko naman sa sarili ko na ako lang naman ang iniisip niya.
Inismiran niya ako saka ako hinagisan ng damit na alam kong lilitaw kahit pa dulo ng kaluluwa ko. "Pakyu ka! Nagsa-suggest lang, binasag mo pa. Edi don't! Iniisip ko lang na hindi ka bagay rito. Maganda kang gaga ka kahit na balahura kang magsalita. May papatol sa 'yong matandang mayaman na madaling mamatay kung gugustuhin mo. Bakit pipiliin mo pa 'tong trabaho na puwede kang pagpasa-pasahan ng iba't ibang lalaki? Minsan hindi ko talaga mawari iyang takbo ng utak mong malabo, e," buwelta niya naman at naupo sa sofa na nasa harapan ko at nagsindi ng sigarilyo.
Anong gusto nilang gawin ko? Yakapin 'tong letseng kabirhenan ko hanggang dulo at magpawarak lang sa mapapangasawa ko na hindi ko pa sigurado kung makakasama ko hanggang huling hininga ko? Tiisin kong manyak-manyakin ng ninong kong demonyo ang nanay ko dahil lang hindi kami makabayad sa isinangla lupa? Hayaan kong mamatay sa sakit sa puso ang kapatid ko? Punyeta, lahat na yata ng hirap sa mundo ay ipinapasan sa akin. Peyborit ni Lord yern?
"Choice ko naman 'to, edi kapag nagsisi sa huli, edi sorry. Gan'on lang naman 'yon. Lara, paikutin ko man ang ulo ko nang three hundred sixty degrees, hindi tayo aangat sa laylayan ng lipunan sa pakikiamuhan lang," sagot ko sa kaniya at agad na hinubad ang t-shirt at short na suot ko saka ko ipinatong ang sexy na damit na ibinigay niya sa akin.
"Kaya ang pagbebenta ng laman itong papasukin mo? Kapit sa patalim?" muli na naman niyang turan saka bumuga ng usok.
"Mabuti sana kung anak pala ako ng mafia boss, e, ang kaso hindi. Anak ako ng tatay kong sabungero at sugarol na binaon kami sa utang saka nagpabaril sa mga pinagkakautangan niya. 'Di ba? Mamamatay na lang, iniwanan pa kami ng perwisyo. Kargo ko na lahat. Ba't ba 'ko sinilang na panganay? Manong ipinutok na lang ako sa basahan noon para 'di ako namomoblema nang ganito," sentimyento ko sa kaniya at humarap sa salamin na may iba't ibang kolorete.
Matigas akong tao. Halos bato na ang puso ko, pero nadudurog pa rin ako nang ako lang ang nakakaalam. Mahilig akong magbiro, pero hindi ko na halos mabilang kung ilang beses akong palihim na umiiyak at nagtatanong sa Nasa Itaas kung bakit ako pa sa dami ng tao ang binagsakan Niya ng ganitong mga responsibilidad.
Hindi ko naman 'to pinili. Ginusto nilang bumuo ng pamilya noon, tapos hindi naman pala nila kayang maging responsableng magulang? Punyeta lang, 'di ba? Huwag na lang sanang mag-anak kung hindi pa kaya, inang 'yan! Retirement plan kaming mga panganay? Tigabuhat ng bigat ng pamilya? Wow! Hindi pa kami naisisilang ay may responsibilidad na. Kyut n'on.
Nang matapos kong ayusan ang sarili ko, namangha ako sa itsura ko. Alam kong maganda ako kahit pa self-proclaimed lang iyon. Maninipis ang mga labi ko, medyo chinita ako pero mahaba ang mga pilik-mata ko, matangos ang ilong ko na nakuha ko sa Nanay kong nagpakatanga sa Tatay kong hindi naman kaguwapuhan tapos sugarol pa, may mahaba akong buhok na natural at hindi pa nadaanan ng plantsa ni Lara kahit na anong pilit niya.
"Ang punyetang vakla, ggss na naman ang gaga!" sita niya at napangiti ako.
"Tanga! Aminin mo kahit na ikaw ang pambansang gro sa Travolta, mas maganda pa rin ako sa 'yo," anas ko at nakita ko siyang lumingon sa one way mirror sa gilid namin at nanlaki ang mga maya niya na ikinagulat ko. "Huy! Bakit?"
BINABASA MO ANG
Desperate Gamble
Ficção GeralWARNING: MATURE CONTENT | R-18 | ON-GOING | S T A N D A L O N E N O V E L | Malaki ang galit niya sa mundo at walang matinong salita ang lumalabas sa mga labi niya. Laki siya sa hirap at literal silang naghihirap. Pasan niya lahat ng problema sa...