SAFFYRE
LUMAPIT sa akin si Kali at napayuko ako dahil pakiramdam ko ay sasampalin niya ako.
Kung alam ko lang naman na may fiancé si Casspian, wala akong balak na isugal ang kadesperadahan ko sa kaniya. Babae ako, at alam ko kung gaano kasakit ang maagawan. Sampalin man ako ni Kali ngayon, alam kong deserve ko 'to.
Ilang segundi na ang nakakalipas, hindi ko pa rin nararamdaman ang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko kaya't nag-angat na ako ng tingin.
"You don't have to feel guilty, Miss Saffyre," nakangiting wika nito at nagulat na lamang ako nang yakapin ako nito at marahang hinaplos ang likod ko. "I knew what happened between you two was mistake, but the baby inside your womb will never be. You don't have to feel ashamed about him or her. You're a mother now," malumanay na wika nito at tumatagos sa akin ang kasinserohan ng pananalita niya. Lalo akong nakakaramdam ng kahayupan sa sarili ko. Napakasama ko.
Marahan niya akong inalayo sa kaniya, saka niya inilagay sa likod ng tainga ko ang iilang hibla ng buhok na napunta sa harapan ng mukha ko.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa 'yo. Nahihiya ako pero wala akong—"
"You're a beauty, you're like an angel. No wonder Casspian couldn't help himself when he saw you," aniya at muling ngumiti. "Tatapusin lang namin itong party, then we'll talk. I know that you're just after you child's well-being. Naiintindihan ko," patuloy nito, saka inabot ang kamay ko.
Lumingon ako kay Casspian at nakita kong hiyang-hiya rin siyang nakamasid kay Kali, dahil kahit napakamaunawain ng mukhang ipinapakita ni Kali, alam kong nasasaktan pa rin siya sa mga salitang binitawan ko na bigla na lamang bumulaga sa kanilang dalawa.
"Let me lead her, Kali. You go first. I'll lead her to your room," ani Casspian at nakangiting tumango sa Kali bago ako binitiwan.
"I'll go ahead first. See you later, Miss Saffyre," anito at kumaway pa bago tila anghel na lumakad paalis ng kinaroroonan namin.
Naiwan kaming dalawa ni Casspian na kapwa walang kibo dahil nagpapakiramdaman.
"Come with me—"
"Hindi ko alam na may fiancé ka," putol ko sa kaniya, saka ko siya tinitigan sa mga mata. "Kung alam ko, hinding-hindi ko isusuko ang mayroon ako sa 'yo. Hindi ako pakawalang babae kahit pa sa bar tayo unang nagtagpo. Hindi ko rin gustong manira ng relasyon. Casspian, hindi ako hihingi ng kahit ano sa 'yo kung hindi tustusan mo lang ang anak ko. Hindi ako maghahangad na panagutan mo 'ko dahil may sarili akong disposisyon sa buhay. Ang gusto ko lang—"
"I will be the best father to my child, don't worry," putol niya rin sa akin nang may diin.
Nagbaba ako ng tingin dahil tila nakakaintimida na ang mga titig niya na para bang gustong-gusto niya akong basahin. Napaka-alwa ng mukha ni Casspian pero nakakatakot kapag unti-unti na itong sumeseryoso.
"Come with me first," aniya sa akin at nagulat ako nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin. Inakay niya ako papasok ng malaking bahay at wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod.
Tumungo kami sa ikalawang palapag at pinasok namin ang isang kuwarto na para bang isang prinsesa sa palasyo ang nakatira sa sobrang laki.
Binitiwan na niya ang kamay ko at hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng panghihinayang.
"Kindly wait here, Saff," aniya at hindi ko inaasahan ang bigla niyang ginawa... lumuhod siya at itinapat ang mukha sa tiyan ko, saka muling nagsalita. "Wait for Daddy here, little buddy. I'll just deal with my business so I could finally prioritize you," bulong niya at para bang sumikdo ang dibdib ko sa narinig ko.
BINABASA MO ANG
Desperate Gamble
Ficção GeralWARNING: MATURE CONTENT | R-18 | ON-GOING | S T A N D A L O N E N O V E L | Malaki ang galit niya sa mundo at walang matinong salita ang lumalabas sa mga labi niya. Laki siya sa hirap at literal silang naghihirap. Pasan niya lahat ng problema sa...