T H R E E

460 5 0
                                    

L I A M ' S  P O V

“Daming labahan punyeta!” sigaw ko.

Umagang-umaga pa lang pero labahan ang bubungad sa akin, wala man lang good morning ng Papi Migu choss lang.

Nai-separate ko na de color at puti, pagod na pagod din dahil madaming labahan. Tapos matagal pa naman akong matapos dahil babanlawan pa, kailangan may award ako dito, masipag award goes to Liam Walter Jeon!

“Pwede ba akong tumawag ng tulong dito?” tanong ko sa sarili.

Kinuha ko ang phone ko sa tabi ng washing at tinawagan ang numero ni Shiro, naka-ilang ring pa bago sagutin ng mhiema.

“Oh, ano na namang kailangan mo?” sagot ni Shiro sa tawag ko.

“Tulungan mo nga akong mag-laba dito, punyeta mas nakakapagod to.” sabi ko.

“Pasensiya ka na at hindi kita matutulungan, busy ako ngayon.” responde ni Shiro.

Hindi ako ma-uuto ni Shiro dahil same kami ng araw na may day off, hindi ako uto-uto pero pagdating kay Papi Migu, magiging uto-uto ako.

“Ano ka ba, wag mo'kong utuin, day off mo din ngayon!” Sabi ko.

“Mhiema, may raket ako ngayon.” sabi niya which made me scoffed.

“Anong raket mo ngayon?” tanong ko sa kaniya.

“Maging macho dancer sa isang club.” sagot niya.

“Alam mo Shiro, punyeta ka. Bahala ka na nga diyan!” sabi ko at binaba ang tawag.

Hindi ko na nga nakita si Migu bad trip na ako, kinuha ko na ang labahan sa washing at nilagay sa planggana, marami ang nilaba ko ngayon tapos wala pang matutulong sa akin.

“Gusto ko nang mag-asawa!” sigaw ko.

“I can be your husband.”

“Ay punyeta!” sigaw ko at napalingon sa labas ng kusina.

Nakita ko si Migu, nagulat ako dahil naka-sleeveless lang ito, at kitang-kita ang biceps! Jusko, kakayanin ko ba ang magandang view na nakikita ko?!

“A-anong pinag-sasabi mo diyan?” tanong ko, pa-hard to get.

















T H I R D   P E R S O N ' S   P O V

Napangiti lang si Miguel sa tanong ni Liam, tinitignan lang ni Miguel si Liam na mag-laba, gusto niyang pumasok pero baka kasuhan pa siya ng trespassing nito dahil sa masungit nitong pag-uugali.

“Hey, look at me.” Miguel said to Liam.

“Bakit naman kita titignan? Ikaw ba trabaho ko?” Liam asks Miguel.

‘Wow mhiema ha, fierce na fierce ka sa harapan niya, e kanina lang hinahanap mo siya.’ - Liam.

‘Kahit naka eyeglasses ka, you're still beautiful.’ - Miguel.

“Pwede ba akong pumasok?” Miguel asks at Liam.

Nagulat naman si Liam sa naging tanong ni Migu, it was sudden, syempre nag kunwaring nag-iisip si Liam, tumingin si Liam kay Miguel and then Liam shook his head.

“Its a ‘no?’ Why baby?” Miguel asks.

Mas lalong nagulat si Liam, tinatago niya ang kaniyang kilig, pero hindi niya ito mapigilan. Umalis si Liam ng kusina at pumuntang sala, hindi siya tumili dahil mahahalata na kinikilig siya.

“Hey pretty neighbor, you there?” Miguel asks.

Since open naman ang pintuan ng back door ni Liam, pumasok na lang si Miguel and then looks around. Bumalik si Liam sa kusina at nagulat na lang siya nang makita si Migu na nakapasok na ng kusina.

Is it Lust? or Love? | MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon