T W E N T Y S I X

293 3 4
                                    

L I A M ' S   P O V

habang kumakain ay napatingin ako sa cellphone ko, hindi talaga ako tini-text ni Miguel, wait what?

bakit ako naghihintay ng text ni Miguel?!

nilagay ko na lang ang phone ko sa drawer ng desk ko at kumain na lang, nakita kong pumasok sa opisina si Shiro at ngumingiti.

“anong meron? bakit ka nakangiti?” tanong ko sa kaniya.

“may nakipag usap sa isang senior natin, sinabihan na mag file ka daw ng leave.” sagot ni Shiro sa tanong ko.

nabigla naman ako sa sinabi niya, sinabihan yung senior namin na mag-file ako ng leave? ano naman ang gagawin ko? at saan naman ako pupunta kung magfa-file ako ng leave?

“sino?” tanong ko ulit sa kaniya.

“si Miguel.” ngiting sagot niya.

mas lalo akong nagulat, si Miguel ang kausap ng senior namin ngayon? ano na lang ang gagawin ko? may mukha pa ba akong maipapakita sa senior namin?

“wag kang mag-alala, mukhang sumang-ayon din naman si Doctor Rodriguez na mag-file ka ng leave, kasi never mo pang ginawa yon.” Shiro stated.

oo nga naman, mas okay na magfa-file ako ng leave ngayon, never ko pa namang ginawa yon kasi iniisip ko ang future ko.

“siguro oras na para magpahinga ka muna, Liam.” Shiro suggested.

“beh, mamamatay na ba ako?” tanong ko sa kaniya. “kasi sa tono ng pananalita mo mukha na akong mamamatay eh.” sabi ko at natawa kaming dalawa.

“gaga ka talaga, samahan kita kay Doctor Rodriguez mamaya, para makapag-file ka na ng leave.” sabi niya.

tumango naman ako sa kaniyang sinabi, habang kumakain ako ay kinakausap ko siya. mukhang nawiwili naman ako sa mga kwento niya, ngayon bumabawi na sa trabaho si Shiro dahil noon ay nagfa-file siya ng leave.

umuuwi siya sa kanilang probinsiya para tulungan ang kaniyang mga magulang, kaya ngayon hindi na siya umuuwi dahil nagpapa-dala na lang siya ng pera sa kaniyang mga magulang.

mahirap lang din sina Shiro kagaya ko, pero ang sipag ni Shiro kung tutuusin, pinagsasabay niya pa ang pag-aaral at pagta-trabaho, kaya ngayon proud na proud ako sa kaniya.

“bakit ka nakatulala diyan? anong iniisip mo?” tanong niya sa akin.

“wala, naisip ko lang na ang sipag mo.” sabi ko sa kaniya.

“you should file a leave too, Shiro. sumaya ka naman kahit minsan.” dugtong ko.

“mamaya na ako magfa-file ng leave if may isang Jared Miguel Kim ang kakausap kay Doctor Rodriguez.” he stated and we laugh together.

“saan ka kaya dadalhin ni Miguel?” tanong niya sa akin.

“siguro sa langit.” birong sagot ko.

“ay, bet ko yan.” he said.

“hoy bet mo pala ha.” I response.

“pero wala na ‘te, inunahan mo na ako, kaya pass na.” he said.

napailing na lang ako sa sinabi niya, sinamahan niya nga ako papunta sa opisina ni Doctor Rodriguez para kausapin ito. pagkatapos kong kausapin si Doctor Rodriguez ay nag-file na nga ako ng leave, gusto kong kausapin si Miguel tungkol dito.

masiyado pang maaga para mag file ng leave dahil may iniipon pa ako. gusto ko pa kasing bilhin yung mga gusto kong bagay, pero dahil si Miguel nga ang kumausap kay Doctor Rodriguez, wala na akong magagawa.

“kung magbabakasyon man kayo ni Miguel sa ibang bansa, ‘wag mo akong kakalimutan ha, yung pasalubong ko.” sabi ni Shiro kaya napatawa ako.

“Shiro, wala pa nga pero sige, hindi naman kita makakalimutan,” I said. “bibili pa ako ng tiger plushie, pasalubong para sa’yo, di‘ba gusto mo ‘yon?” tanong ko sa kaniya.

biglang lumiwanag ang kaniyang mga mata, he cutely nodded at me and smiled.

“aabangan ko yan, pero kung hindi naman kayo mag-a-out of town ni Miguel, okay lang naman sa akin.” he said.

“sure ka?” I asked him.

“oo naman, pero regalo mo na lang sa akin yung tiger plushie pag pasko na.” he said.

napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya, nagpaalam na ako kay Shiro at sumakay na sa kotse ko. may dinaanan pa ako bago umuwi sa bahay ko, I remember those days na nag-aaral pa lang ako ng medisina, sa Parke talaga ako pumupunta kapag hindi ko na kaya ang mga ginagawa ko.

tapos may lumalapit sa aking isang lalaki, nahahalata niya raw na napapagod na ako, dahil din sa stress ng mukha ko. hindi ko man nakuha ang pangalan niya, mas lalong nakalimutan ko kung ano ang naging itsura niya.

“call it for a day.” I said to myself.

nang may dumaan sa harapan ko na dirty ice cream vendor ay kinuha ko ang pitaka ko sa bulsa at bumili na, nakita kong may mga batang tumitingin sa nagtitinda ng sorbetes kaya tinawag ko sila.

kawawa ang mga batang nasa lansangan, wala na ngang matitirahan, wala din masiyadong makain.

“sainyo na yan, enjoy sa pagkain ha.” sabi ko sa kanila nang matanggap na ang sorbetes.

kumuha ako ng isang libo at ibinigay sa mga bata, halatang magka-kapatid silang tatlo, parang kami lang ng mga kapatid ko.

kamusta na kaya sila?

“pambili niyo ng maka-kain niyo ha? para sainyo yan.” sabi ko at tinanggap naman ng panganay.

“salamat po kuya, ibibili po namin ito ng maka-kain namin.” sabi naman ng panganay at umalis na.

tumingin ako sa paligid at maraming mga bata ang naglalaro, yung iba naman tumitingin lang sa kanila kasi palalayuin din ng mga magulang nila ang mga batang nasa lansangan.

napabuntong hininga ako, kung marami lang talaga akong pera, e di sana, matutulungan ko sila lalo na sa tirahan.

“pota, bakit ba ako nag-iisip ng ganon,” sabi ko sa sarili ko.

“ganon na ba ako kabait?” tanong ko sa sarili ko at napatawa.

nang lumingon ako sa paligid ay nagulat ako nang makita ko si Miguel papunta sa aking direksyon, parang bumabagal ang ikot ng mundo habang papunta siya sa akin.

the way he looks at me, makes my heartbeat go crazy.

hey heart, calm down, it's just him.

pero isang hakbang na lang papunta sa akin ni Miguel, mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

at sa isang bati niya lang, mas lalo pa.

“hey Liam.”

what the fuck.

Is it Lust? or Love? | MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon