E L E V E N

313 5 0
                                    

L I A M ' S   P O V

day one.

day one na ngayon, and I feel pressured, lumabas ako ng bahay, sinisigurado na wala din si Miguel sa labas.

but I was wrong, he was outside his house, tinawag niya kasi ako, at alam ko kung ano na naman ang sasabihin niya.

“nakapag decide ka na ba?” tanong niya sa akin.

“pag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko, tigas ng ulo mo.” I answered.

“4 days left, you can still change your mind.” he said.

I glared at him, umagang-umaga pa lang bina-badtrip niya ako, ano bang gusto niya para matauhan siya sa sinagot ko.

“at wala na akong pake sa 4 days na yan, my decision is final, Mr. Kim.” I replied.

“so, hindi na Migu ngayon?” tanong niya.

“pake mo.” I sarcastically answered.

sumakay na ako ng kotse, I know that he's still staring at me, pero male-late na naman ako sa trabaho ko, at madaming pasyente ang aasikasuhin ko.

nag-maneho na ako paalis ng bahay, dumaan sa isang café at bumili ng cappuccino.

akala ko it was a lovely day, but it's not, nakita ko si Miguel, at makikita ko din ang Tito ko sa ospital.

“minamalas ba ako kahapon hanggang ngayon?” tanong ko sa sarili ko habang nag-mamaneho.

nang makarating ako sa ospital, bumaba na ako ng kotse habang dala-dala ang bag at ang kape ko, pumasok na ako ng ospital at nagulat na lang ako na abala ang mga nurse at doctor.

iniwan ko muna sa counter ang bag at kape ko, at sinabihan ang mga nurse dun na ihatid na lang nila sa opisina ko.

okay it'll be another busy day, good luck to us, doctors and nurses.





M I G U E L ' S   P O V

“what happened to our handsome model, eh?” the photographer asked.

“this is nothing, Mr. Santiago.” I answered.

napailing si Mr. Santiago sa naging sagot ko, actually, bad timing lang na merong photoshoot kasi may sugat pa ako sa labi.

they have a paraan na, dinagdagan pa ng design ang mukha ko, para bang nasa isang action movie.

“ayan Miguel, that's good!” puri ni Mr. Santiago.

patuloy pa din ako sa pagpo-pose, I was enjoying, pero naalala ko yung sinabi ko kay Cho, worth it ba lahat?

“okay, it's all done.” Mr. Santiago says.

I walk towards my sit then sat on it, pina-inom na ako ng tubig ng mga staff, kahit kaya ko naman na.

“pogi mo talaga Mr. Kim.” puri ng isang staff na babae.

ngumiti lang ako sa kaniya, I was focusing on the monitor, looking at my photos that the photographer took.

nang matapos na lahat, ay pinauwi na ako, and again, another boring day. wala naman din akong gagawin sa bahay, ano, maglalaro na naman ako?

“where should I go?” tanong ko sa sarili ko.

pupunta na sana ako sa direksyon ng bar when I saw an old woman weakening, kaagad kong itinabi ang kotse at bumaba and walked towards the old woman.

“lola, okay ka lang po ba?” tanong ko sa matanda.

“okay lang ako, ih—” hindi na niya maituloy dahil biglang hinimatay.

I lifted her like a bridal style at pinasakay sa passengers seat, sumakay na ako ng kotse at nag-maneho papuntang ospital.

nang makarating na kami ay agad na akong bumaba at tumungong passengers seat, kinarga si Lola at pumasok ng ospital.

naghahanap ako ng nurse na matutulungan ako, hanggang sa may lumapit sa akin na isang nurse and helped me.

“anong pong nangyari sa pasyente?” tanong ng nurse.

“nahimatay siya.” I answered.

nang makarating sa ward si Lola ay sinundan ko lang sila, pinapanood ang kanilang ginagawa.

napatingin ako sa isang gawi ng doctor, is it Liam or not? nasa p'westo siya ng hinihigaang ospital bed ni Lola.

“uh sir, pangalan ho ng pasyente.” sabi ng nurse kaya napalingon ako sa kaniya.

magsasalita na sana ako nang may maramdaman akong may naka titig sa akin, nang i-angat ko ang ulo ko ay nakita ko si Liam, na tumititig sa akin.

our eyes met, didn't expect that, hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kaniya, I was expecting what move he would do next.

“sir?” naagaw ng nurse ang atensyon ko.

oo nga pala, hindi ko pa nasasagot ang kaniyang tanong, napatingin naman ako sa nurse at napapansin ko na naiilang siya sa akin.

“pasensiya na ah, hindi ko alam kung anong pangalan ni Lola, e nakita ko lang yan na nanghihina sa daan.” sagot ko.

“ganon ho ba, sige po salamat.” responde naman ng nurse.

napatingin naman ako sa p'westo ni Lola, wala na si Liam dun, siguro okay na si Lola, p'wede na ba akong umalis?

pero hindi, hindi p'wedeng umalis dahil alam kong kailangan ko ding tignan ang kalagayan ni Lola. seeing an old woman, na nahihirapan ay nakakasakit ng puso.

parang sinasaktan yung puso mo kasi, nahihirapan pa sila kahit matanda na at hinang-hina na.

nang may madaanan akong isang kwarto ay napatigil ako, I heard that they mentioned my name. two guys in one room, sigurado ako don.

“nakita mo si Miguel dito? sa ospital?”

“oo, nakita ko siya, bakit ba ako magkakamali e apat na ang mata ko?”

“seryoso ka?”

“oo nga.”

“Liam?”

si Liam ang nakita ko, it was him, they were talking about me, being here in the hospital.

oh, let me remind him.








T H I R D   P E R S O N ' S   P O V

“nandito nga siya.” sabi ni Hashiro.

hindi naman makapaniwala si Hashiro na nandito nga si Miguel, while Liam, keeping his poker face, wala siya sa mood ngayon.

“Liam, nakapag-decide ka na ba?” tanong ni Miguel kay Liam.

Liam just rolled his eyes and scoffed, ano pa bang ini-expect niya kay Miguel? syempre yung deal, kahit anong pag tanggi niya, tatanungin pa rin siya.

“ilang beses ko bang sasagutin yang tanong na yan?” tanong ni Liam kay Miguel.

“hanggang sa pumayag ka na?” Miguel answered in a questionable tone.

“walang kwenta yang deal mo, kung bored ka, wag ako ang gawan mo ng deal na yan.” Liam said and walked out.

sumunod naman din si Hashiro kay Liam, and then there's Miguel, parang wala lang sa kaniya.

and now, this is not also good.

Is it Lust? or Love? | MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon