T W E N T Y T H R E E

301 4 1
                                    

L I A M ' S P O V

"oh, sabog na sabog ka na ah?" tanong ni Shiro nang makarating na ako sa opisina ko.

"kanina ka pa nandito?" tanong ko sa kaniya.

"oo, hinihintay kasi may ibibigay ako." he said and then handed me the paper bag.

napatingin naman ako sa kaniya, tinanggap ko naman ang paper bag at tinignan kung anong laman, nagulat na lang ako nang makita ang isang coffee cup at isang sandwich.

"sa mcdo to galing no?" tanong ko sa kaniya.

"oo, may nagpa-bigay." he answered.

"sino naman?" tanong niya.

"manliligaw mo." he said and then smirked.

"I don't have a suitor, beh, sa true lang." I response.

"sino pa ba pwedeng magbigay sayo niyan maliban sa akin?" he asked at dun ko lang naisipan.

si Miguel.

"hindi ba pwedeng concern lang ang tao?" tanong ko sa kaniya.

"maniwala ka sa akin, Liam. iba na yang kay Miguel." Shiro said, may pagyayabang sa boses niya.

bumuntong hininga naman ako, binibigyan ng motive yung isang bagay, na malabo namang mangyari.

"gutom ka lang, Shiro, ikain mo na lang yan." sabi ko at umupo sa swivel chair ko.

I saw Shiro's eyes, I just shook my head at kumain na lang, napakuha ako ng phone ko sa bulsa ko nang mag vibrate ito. napatingin ako sa taong nag mensahe sa akin, napangiti naman ako nang makita ang pangalan ni Miguel sa screen ng phone.






Miguel:
natanggap mo na ba ang pinabigay ko sayong breakfast?

Liam:
oo, natanggap ko na. salamat nga pala dito ah? wala akong maibalik sa breakfast na binigay mo, hindi ko pa natanggap ang sweldo ko.

Miguel:
just be my dessert tonight.









namula ako sa kaniyang huling mensahe kaya hindi na ako nagreply, nakakahiya.

"akala mo hindi ko nakita na ngumingiti ka na." sabi ni Shiro.

I just ignore what he said at kumain na lang, nang makita niya akong namumula ay tinawanan niya lang ako. sinaluhan niya akong kumain, may binigay din pala si Miguel para sa kaniya.

alam kong galit si Shiro kay Miguel, pero bakit tinanggap niya yan?

"akala ko ba galit ka kay Miguel?" tanong ko.

"galit pa rin ako sa kaniya, nakipag plastikan lang ako sa kaniya." sagot niya.

"sabihin mo lang na dahil sa pagkain, naging malambot ka." sabi ko sa kaniya at nabilaukan siya.

"kay ano lang ako malambot." sabi niya at uminom ng coke.

"ikaw ha, may nililihim ka na, sino yan?" tanong ko sa kaniya.

he just smirked at me and shook his head, wala naman akong magagawa, it's his privacy kaya wag ko na munang pakialaman.

"tell me if he hurts you, okay?" sabi ko sa kaniya.

"hindi niya yon gagawin." he said and then smiled at me.

nang matapos na kaming mag almusal ay lumabas na kami sa opisina ko at ginawa ang trabaho namin.

Is it Lust? or Love? | MinWonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon