The Beggining

3 0 0
                                    

Nang makarating na ako sa bahay, nakita ko na may sasakyan nakaparada sa labas ng bahay at alam ko na kung sino iyon. Si Papa!Nang makapasok na kami, hindi ako nagkamali nandito nga si papa. Ano kaya ang kailangan niya? Well, alam ko naman na may kailangan ito kasi hindi naman ito nagpapakita sa kanya kung wala itong sasabihin na importante."Hi, Lolo!" bati ni Ace.Hindi man lang niya tinignan ang anak ko. Kaya si Ace pinapasok ko muna sa kwarto niya. Hindi niya kasi gusto ang presensiya ni Ace. Feeling niya si Ace ang may kasalanan kung bakit hindi ko natupad ang gusto niya para sa akin. "What brings you here, Pa?"Seryoso kong tanong sa kanya.Hindi muna ito umimik. Tiningnan lang niya ako nang taimtim. Ako naman ay umupo nalang sa harap niya. Seryoso ito kaya alam niya na medyo matatagalan bago ito umalis.Nang makaupo na ako, nagsalita na sya."I've been calling you kanina pa. bakit patay ang phone mo? I told you not to turn off your phone!"Galit ito. Bumuntong hininga nalang ako. "I'm sorry papa, may activity kasi sila Ace sa school kaya ini off ko muna ang phone ko. ""Inuna mo pa yang bata na yan kaysa sa negosyo natin. You are the successor of my company. Pano ko ihahabilin sayo ang kompanya kung iba naman pala ang priority mo? Gusto mo ba talagang malugi ang negosyong pinundar namin ng mama mo?"Here we are again! That inheritance, bakit kasi ako lang ang nagiisang anak nila."Pa, you know, may responsibilidad din ako sa anak ko. Ginagawa ko naman lahat huh! Pero, kahit sa ganitong pagkakataon maipakita ko din naman sa anak ko na worth it ako na pagka ina. Mahirap ba yun?" "Alam mong wala kang responsibilidad sa batang yan!""Pa, he is my son...""No... he is n..""Sige pa, ituloy mo. para magkalimotan na tayo. Diba, sabi ko sayo tatanggapin niyo si Ace kapalit ng pagtanggap ko bilang successor ng kompanya mo. I did my best to make you happy kahit na ang kapalit nun ay ang oras ko sa anak ko. Kahit ba yun, di niyo pa kayang tuparin?"Inis na ako kay papa. Sa tuwing magkikita kami ay ito nalang palagi naming pinagaawayan. Si Ace! Nakita kong bumuntong hininga si papa. I know, suko na sya. And I knowit will end as usual."Fine! Hindi na kita pakikialaman sa pagiging ina mo jan sa batang yun but there's something I need to discuss with you!" seryoso na sabi nanaman niya.Hindi na ako umimik. Kaya nagpatuloy siya!"Nag arrange na ako ng meeting for you! But, its not about business. It's about the marriage meeting!"Tiningnan ko ko si papa at napanganga! Ano to? Lokohan? Hindi sya pwedeng magpakasal sa taong hindi pa niya kilala."I know I made you shock! But, please, this time siputin muna. It's all about our business at wala ng iba pang purpose ang marriage na yun! You just need to marry that guy and it's done!"Wow... parang ang simple lang ng pinapagawa ni papa sa akin. Para bang binebenta niya ako sa isang tao na di ko naman kilala! Bakit ganun mag isip si papa? "Ganun lang yun pa? para lang akong gulay na binibenta niyo sa palengke at pwede lang kung sino sino ang bumili sa akin? Ganun na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?" galit kung sumbat sa kanya."That's not what I meant! Akala mo ba gusto kung ipakasal ka? Ayaw ko rin! Pero, kailangan! Ikaw ang gusto nila!" "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang sabi ko."Pinaglaban kita! Hindi ko gusto na ikaw ang kapalit! Pero, wala silang ibang gusto sa atin kundi ikaw! Gusto nilang ipakasal kita sa CEO ng kompanya nila!" "Bakit ako?""Hindi ko rin alam! Kailangan nating gawin yun dahil kung hindi mawawala ng kompanya natin. Alam mo naman na palugi na ang negosyo natin!""Pero, kaya pa nating isalba ang kompanya! That's why I'm doing my best! Bakit di nalang natin hintayin na mangyari yun. Kaya nating bumangon kahit wala ang tulong nila!""Hindi ganun kadali! Malaki na ang nailalabas nating pera! Baon na tayo sa utang sa bangko at kung hindi pa tayo kikilos, makukuha ng bangko ang negosyo natin!"Bumuntong hininga nalang ako! Hindi ko na alam ang gagawin. Totoo, pabagsak na ang kompanya. Kaya nga ginagawa ko na ang lahat pero hindi pa rin sapat eh!"Magdesisyon ka na agad ngayon. Kailangan nila agad ng sagot dahil kung hindi wala tayong magagawa! Mawawala na sa atin ang pinaghirapan namin ng mama mo!"Tumayo ako! Tinalikuran ko muna si papa saka napapikit! "Bukas ko na sasagutin ang tanong na yan! I need to rest! Iwan niyo muna ako!""Fine! Tatawagan kita bukas ng umaga!"Saka siya lumabas ng bahay! hindi ko na alam ang gagawin ko! May responsibilidad ako sa pamilya ko. Pero, pano ang kaligayahan ko? I didn't see myself as a wife of someone. And that someone that I don't really know! Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Ace! I saw him reading his book. Napangiti ako at lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Nagsalita sya!"Nag-away na naman ba kayo ni Lolo?""Wala yun! Ganun lang yun!""Nag-away na naman kayo dahil sa akin. Hindi ba ako love ni Lolo?"Binitiwan ko sya saka tingnan ng mabuti."Hindi totoo yan! Stress lang lolo mo dahil sa work. Wag kang mag-alala, pag hindi na busy si lolo, makikita mo, magiging sweet sya sa iyo." Saka ko sya nginitian. "Sige! Matulog ka na! may school ka pa bukas!""Ok Ma! Goodnight!" saka niya ako hinalikan sa pisngi at nahiga na.Bago ako umalis ay siniguro ko muna na tulog sya. Nang makalabas ako ay nakasalubong ko si yaya Maria. "Gising ka pa pala iha? Kumain ka na ba?" tanong niya."Tapos na po kaming kumain sa labas ni Ace! Kayo po?""Tapos na din ako! Naghahanda nalang ako sa pagtulog! Teka, narinig kong pumunta ang papa mo dito, nag-away na naman ba kayo?" concern na tanong ni yaya.Bata pa ako si yaya Maria na ang nag-aalaga sa akin. Kaya, alam niya talaga kung ano man ang nasasaloob ko. Wala akong dapat itago sa kanya."Ipapakasal niya ako sa taong di ko naman kilala yaya! Tama ba yun? Gusto kong mainis sa kanya kaso di ko magawa. Kailangan kong sundin si papa kundi mawawala ang kompanyang pinaghirapan nila ni mama!" malungkot na sinabi ko sa kanya.Niyakap ako ni yaya! This is what I want this time. A sincere hug and support. Hindi ko napigilan ang di maiyak sa frustration. Hindi ko magawang magalit at manumbat kay papa kanina. Pinagtangol daw niya ako, pero, wala pa rin. Hinyaan niya pa rin na mapunta ako sa tao na hindi ko naman kilala."Wala akong masasabi ngayon. Wala akong gustong panigan sa inyong dalawa ng papa mo. Matagal ko na ring kilala yang ama mo at alam kong mahal ka niya. Hinding hindi niya pababayaan ang kanyang nag-iisang prinsesa. Sa ngayon, hindi mo pa sya maiintindihan pero balang araw, maiintindihan mo rin sya at pasasalamatan mo din sya. Kung ano man ang desisyon mo, susuportahan kita kahit pa makaaway ko ang papa mo. Ipagtatanggol kita dahil mahal na mahal kita!" yun lang sapat na! mas hinigpitan ko pa ang yakap ko kay yaya.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon