Pagkalabas namin sa hotel ay sumakay kami sa isang mamahaling sasakyan. And take note, he's the one whose driving this car. I guess nag rent siya ng car. Sa napapansin ko kabisado na nya ang daan. Hindi kasi sya nagdadalawang isip sa mga tinatahak namin. Hindi ko rin alam kung saan kami papunta. Akala ko ba kakain na kami? Gutom na gutom pa naman ako. "Saan ba tayo pupunta?" Tiningnan ko sya. Pero, di man lang ako sinagot ng damuhong na ito. Hindi na rin ako nagtanong at hinintay ko nalang na huminto kami sa lugar kung saan nya gusto pumunta. Ilang minuto lang din at tumigil kami sa isang boutique. Mukhang alam ko na ang gusto nyang gawin. Bumaba na sya at pinagbuksan nya ako ng pinto. Di na ako nagtanong kung anong ginagawa namin dito. Hindi naman ako ganun ka tanga para di alam. Sumunod na lang ako sa kanya. Pagpasok namin. Nakita ko ang mga mamahaling mga damit sa loob ng boutique nato. At alam kong mamahalin yun lahat. Habang nakatingin ako sa mga damit ay bigla nya akong tinawag. Pag tingin ko sa kanya ay may hawak na syang damit. Isang puting casual dress. Above the knee lang ito at alam kong fit iyon sa akin. Mukahang pati katawan ko napag aralan na din ng lalaki na to."Sukatin mo to!" Walang emosyon na sabi nya sabay abot sa akin ng damit. Wala namang pag atubili at sinuot ko na ang damit na pinili nya. Pagkasuot ko, saktong sakto lang talaga sa akin. Above the knee nga, sleeveless at backless din sya. Well, napakaformal nya for a simple wedding. Nakangiti ako while nakatingin sa salamin. It's been a while since I wear this kind of dress. Di na kasi ako nakakaattend ng mga gatherings dahil sa rami na kailangan kong asikasuhin at kay Ace din. "Are you done?" Narinig kong tanong nya. Inayos ko muna ang damit and buhok ko saka ako lumabas. Nang makalabas na ako, nakita ko syang nagbabasa ng magazine. Hindi man lang nya naramdaman na nakalabas na ako. Kung di pa sya tinawag ng staff. Nang marinig nya na nakalabas na ako ay tinignan nya ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nya. Di ko Mabasa. Basta ilang Segundo syang nakatingin sa akin. At naasiwa ako. Kaya nagsalita na ako. "Ano? Alam kong di bagay sa akin. Pwede naman ako magpalit eh." Sarkastiko kong sabi sa kanya.Nakita kong tumaas lang kilay nito saka sya tumayo at lumapit sa akin at tinignan nya ako ng mariin. Saka ngumiti. "Di ko alam na babagay pala yan sayo." Saka ito tumalikod at sinabihan ang staff na bibilhin nya yun. Hindi ko alam kung insulto bay un o compliment. Pero, naiinis ako sa mga binitawan nyang salita.Nakita ko na nagbayad na sya sa may counter. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Actually, hindi ko naman talaga iniimagine ang self ko noon na ikakasal ako. Wala akong planong magpakasal. I just want to live alone and do whatever I want. Pero, nag-iba ang ihip ng hangin ng dumating sa buhay ko si Ace. Akala ko na masaya ako kahit na mag-isa lang ako, pero nagkamali ako. Iba pala ang saya nang dumating si Ace sa buhay ko. Sya ang nagbigay ng sigla at kulay sa buhay ko puno ng kakulangan. Don't get me wrong. Pinuno naman ako ni Mama at Papa ng pagmamahal. Pero, nagbago ang lahat ng mawala si Mama. Naging malayo ang loob namin ni Papa sa isa't – isa at napepressure na ako sa mga gusto ni Papa para sa akin. Hindi na kami tulad ng dati. Ang lapit lang ni Papa pero sobrang layo nya para abutin ko. Alam kong mahal nya ako pero, minsan di ko maramdaman."Let's go!" Nagulat ako ng bigla syang magsalita. Tinignan ko sya na nasa harap ko na pala sya. Nakatingin sya sa akin na para bang binabasa kong ano ang nasa utak ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay saka ako nagsalita."Umalis na tayo at baka malate pa tayo sa kasal natin."Saka ako naunang lumabas. Habang nasa sasakyan na kami. Grabe ang kaba ko. Di ko mapaliwanag. Gusto kong tanungin sya kung sigurado na ba sya sa plano nya pero, alam ko na wala pa rin akong makukuha na matinong sagot galing sa kanya. Bumuntong-hininga nalang ako saka ako tumingin sa labas ng kotse.Ilang oras na ang nakalipas matapos ang kasal namin. Oo. Tapos na po ang kasal namin. May dalawang witness lang at isang judge. Nagbigay lang ng simpleng serimonyas at pagkatapos ay permahan na para maging legal ang kasal namin.Ang kinaiinis ko ay ang inakto nya kanina. Alam nyo ba ang ginawa nya?Hindi ko akalain na gagawin nya yun. Akala ko ba, kunyari lang pero bakit?Bakit nya ako HINALIKAN?Kilangan nya ba talagang gawin yun? Gusto ko syang suntukin sa harap ng judge at mga witnesses pero di ko nagawa. Ayaw kong mageskandalo dun. Hinihintay ko lang na maiwan kaming dalawa nalang. Pero, nang kaming dalawa nalang dito sa restuarant at kumakain. Di ko pa rin nagawang suntukin sya. Naiinis akong nakikita syang kumakain na para bang wala syang ginawang nakakasulasok kanina. Nakita ko pa syang ngumiti. Dahil sa nakita ko, di na ako nakapagpigil at tinanong ko na sya."Bakit mo yun ginawa?" Naiinis na tanong ko.Tiningnan nya lang ako at saka nya tinignan ang nasa plato ko. Di ko pa nagagalaw yung pagkain. Nawalan ako ng gana sa tuwing naaalala ko yung ginawa nya kanina. "Bakit di mo man lang ginagalaw yung pagkain mo? Akala ko ba gutom ka?" Hindi man lang nya ako tinignan saka lang sya tuloy tuloy sa pagkain."Hindi yan ang gusto kong marinig sayo? Bakit mo ko hinalikan kanina?" Di ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Gusto ko syang sumabatan pero nasa publikong lugar kami. Napahinto sya saka nya pinunasan ang bibig nya. Tinignan nya ako ng mariin saka sya ngumiti. Mas lalo akong nainis kaya di ko mapigilan ang tumayo at sasabuyan na sana ng isang basong tubig ng magsalita sya"Wag kang gumawa ng eksena dito. Di mo ba alam na may nakasunod na media sa atin? Siguro di mo rin alam na, laman na tayo ng usapan sa dyaryo at telebisyon sa Pilipinas. Sa pagsundo ko sayo sa bahay nyo hanggang ngayon, may nakasunod na sa atin. May nakabuntot na sa atin. Kailangan kong gawin yun para hindi nila tayo mahanapan ng butas. Well, di ko naman kahihiyan kung may mangyari mang di maganda sa kasalan na to, kundi yung pamilya mo. Iisipin ng lahat ng tao na pinakasalan mo lang ako dahil palubog na ang kompanya nyo at wala na kayong ibang makapitan kundi ako." Nakikita ko pa rin ang ngiting kaplastikan nito. Sa narining ko, tinignan ko yung paligid ko at may nakita akong parang kakaiba ang ikinikilos. Umupo ako ulit. Saka ko sya tinignan ulit. Napabuntong-hininga nalang ako saka ako nagsimulang kumain. Tama sya! Di sila basta bastang mga tao. May mga pangalan sila sa industriya na kinabibilangan nila. Kaya, malaking balita to sa Pilipinas na malamang ang mga CEO ng malalaking kompanya sa Pilipinas ay mag-iisang dibdib. Take note, ni wala man lang lumabas na balita na nagdedate sila. Kaya, kailangan nilang mag-ingat. Kundi malaking kawalan yun sa kanila. Nakangiti pa rin sya na para bang ang saya saya nya. Pwede na siyang maging artista dahil sa galing nyang umarte.
BINABASA MO ANG
Lost Love
RomansaHindi alam ni Veronica kung ano ang gagawin nya. May responsibilidad sya sa pamilya nya at may responsibilidad din sya na kailangan nyang gampanan bilang ina. At ngayon para masalba ang palubog na na kompanya ng pamilya nya ay kailangan nyang pakasa...