Terms and conditions nya while we are married!"Can you explain it to me?" Taas na kilay na sabi ko!"As you can see, it's a prenuptial agreement! Nandyan na lahat ng mga terms and conditions ko while we are married. And I know we are on same the boat.""What....""First, bawal kang mangialam sa buhay ko. Hindi ko rin pakikialaman ang buhay mo! Second, you can use everything here except sa kwarto ko. It's my privacy! Kaya, hindi ka pwedeng pumasok dun. Third, we will fake our sweetness when we are in public. Our marriage is already out in media and I know that the attention of the whole world is with us, so, we need to act like a loving wife and husband! Fourth, its about your son, I want to change his surename. I want him to carry my name." Seryoso nyang sabi sa akin."What? Are you insane? Hindi ko gagawin yun! At bakit ko naman ipapaapelyedo ang anak ko sayo?" Inis na tanong ko sa kanya."Well, I don't want to have a dirty reputation when we are still married. I want to make up a story that the father of your son is me. Tinago ko lang! I guess na gets mo naman ang ibig kong sabihin, diba?""Bakit pa kailangang gawin pa natin yun? I want my son to live a normal life. I know that you are not an extra ordinary person in this world pero, wag mo namang idamay ang anak ko. This is between me and you." "You can't change the fact na kasama na ang anak mo sa mga buhay natin. I'm giving you a favour, why don't you thank me for doing that?""So, you want me to thank you for saving my reputation because of I'm your wife now? You choose me as your wife. I didn't force you to that. I can save our company" Galit na sabi ko."Oh really? You can save it? Pero, bakit 2 years na, baon ka pa rin kayo sa utang? Bakit humingi pa rin ng tulong ang yung ama mo sa akin?"Gusto kong sapakin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Gusto kong gawin yun kasi, tama ang lahat ng mga sinabi nya. I really need his help and all I can do is accept all his conditions."So, ikaw lang ang conditions? How about me?" sarkastikong tanong ko."Ok. I'm listening!" "How about the rooms? Are we going to sleep together? I thought na bawal ako sa room mo?""Yes! We are going to do that to make this marriage real! But don't worry, separate ang room natin. We are just having 1 room with 2 rooms!" Nakangiting sabi nito."I don't get it!" Nalilito kong sabi."Ok, I will show you!"Saka to naglakad palabas ng study room at pumunta sa dulo ng corridor. Hindi nagtagal ay nasa harap na kami ng isang pintuan. Binuksan ni Cade ang pintuan! Pinapasok nya ako at namangha ako sa nakita ko. It's a big room. I guess this is the master bedroom. May malaking kama sa gitna ng kwarto. I guess kasya ang limang tao. Tapos, kasing lawak ito nang sala nila sa bahay! Literal na napanganga ako. Hindi ko akalain na ang mapapangasawa ko ay isang napakayaman na nilalang.May sarili din itong banyo at may refrigerator pa. God! Di na nya kailangang bumaba para uminom ng tubig. Gusto kong humiga agad sa kama at matulog. Feeling ko ang haba ng araw na to. Ang rami ng nangyari ngayon. Bago pa ako makakilos ay naglakad sa may closet si Cade! At para bang may binuksan sya. Sumunod ako sa kanya at napahinto ako ng makita ko sya sa may paanan ng pinto. Bago pa man ako makapasok sa pintuan ay agad din nya akong hinarangan."As I said, you can't enter my room!" Seryosong sabi nya."So, you mean, diyan yung kwarto mo at ito yung kwarto ko?"Woooowwww! Ang laki naman nito sa pang isahang tao lamang. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako o hindi. "Yes! So, iisa lang ang pinto na lalabasan natin. Kaya, safety tayo. And by the way, dito din ba matutulog ang anak ko?" Curious na tanong ko. "No! May sarili syang kwarto. Katabi mo lang!"Ok! I get it! Para talaga isipin ng mga tao na totoo ang kasalanan na ito.Naalaala ko nung after ng kasal namin. Nag stay muna kami ng isang gabi dun at kinabukasan ay umuwi na din kami. Sa airport palang, ang rami ng nakaabang na mga reporters. Kailangan pa ng maraming bodyguards para makalabas at makasakay kami sa sasakyan nya. After nang makauwi kami ay may dalawang araw din kaming di halos makauwi kasi may nag-aabang na sa labas ng kompanya nimin or sumusunod sa amin. Di kasi pwede na malaman ng mga ibang tao na hiwalay pa rin kami ng bahay. Kaya maski ako, nahihirapan na. Alam ko kung gaano kamayaman ang pamilya nila Cade, pero ayaw kong mag take advantage sa perang meron ito. Kailangan ko lang talaga ng tulong nito para maiahon ang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang ko.At walang ibang makakatulong sa akin kundi si Cade lamang! After ng usapan nila ni Cade ay pinuntahan ko muna si Ace. Busy ito sa kakabasa ng mga libro na dinala pa nito galing sa skwela. Nilapitan nya ito."Nagustuhan mo ba ang bahay, anak?""Oo. Malaki ito at ang lawak ng nasa labas, ang sarap maglaro dun! Pero.." Nalungkot ito. Nabahala ako sa nakita kong kalungkutan."Bakit? May problema ba?""Namimiss ko lang ang bahay! Pati si yaya Maria."Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa anak ko! Saka ko sya niyakap ng mahigpit!"Wag kang mag-alala anak! Babalik din tayo sa bahay natin! Basta, magbehave ka lang! ok?""Talaga po? Yeheeeeyyyyy!" Tuwang tuwa ito tapos, nagtatalon pa.Tumigil lang ito ng may marinig itong magsalita!"May dapat ba akong malaman bakit ang saya saya mo?" Nilapitan ni Cade anak ko.Habang nakatitig ako sa kanilang dalawa, may nakikita akong kakaiba! Hindi mo talaga na aakalain na iba pala ang ama ni Ace."Sabi kasi ni Mommy, babalik din kami sa bahay pag nagbehave daw ako! Kaya, magbebehave ako lagi para makauwi agad kami!" nakangiting sabi nito!Tinignan ako ni Cade! Para bang may gusto itong sabihin. Pero, imbis na may sabihin ito, kinarga na lang nya si Ace."Bakit? Ayaw mo ba dito? As you can see, my house is bigger than your house!"Talagang pinagmalaki pa ang obvious!"Yes! And I can play everywhere! But our house is the best! There are a lot of flowers and trees. And Yaya Maria is there. I really miss her already!" Nakapout na sabi ng bata!Tinignan ako ulit ni Cade! Dahan dahan nyang binaba si Ace. Tapos, nagsalita sya while nakatingin sa akin."Your son is really smart! And I can say na napalaki mo nga talaga sya ng maayos kahit na mag-isa ka lang!" Tinignan nya ulit si Ace saka nya hinimas ang ulo ni Ace. Ngumingiti sya habang nakatingin kay Ace. Hindi ko mabasa kung masaya ba sya o kinukuha lang nito ang loob ng bata. Well, gusto ko rin naman na magkabonding sila since di ko alam kung haggang kalian kami magsasama. Pero, ayaw kong magdeep yung relationship nila dahil ayaw kong hanapan ako ng anak ko sa future. Hindi naman nagtagal ay tumalikod na ito at lumakad. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, alam ko na hindi talaga komportable si Ace dito dahil hindi ito ang kinalakihan nya! Pero, wala akong magagawa kung ano man ang isipin at sabihin ng anak ko! May sarili itong isip at alam nya may katuturan ang lahat ng sinabi nito.6 na taon lang ito pero, sa murang gulang nito ay alam na nya kung ano ang nasa paligid nya. He's really a smart kid. Though minsan, nahihirapan akong sagutin lahat ng tanong nya pero, I'm trying my best to explain it to him. Tinignan ko lang si Cade na papalayo sa amin. Hindi ko alam kong ano ang nasa isip nya pero sana hindi kami magkaaberya sa mga oras na magkasama kami. Masyado pang komplikado ang lahat. Marami pa kaming adjustments na kailangang pagtuunan ng pansin. I need to be vigilant. Hindi lang para sa kompanya kundi para din sa amin ni Ace.
BINABASA MO ANG
Lost Love
RomanceHindi alam ni Veronica kung ano ang gagawin nya. May responsibilidad sya sa pamilya nya at may responsibilidad din sya na kailangan nyang gampanan bilang ina. At ngayon para masalba ang palubog na na kompanya ng pamilya nya ay kailangan nyang pakasa...
