Pagpasok ko sa restaurant walang katao-tao. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong restaurant at iisang tao lang ang nasa loob at nakatalikod pa ito! Hindi ko alam kong kakabahan ba ako o magtataka kung bakit walang tao sa loob ng restaurant!Habang papalapit kami ng papalapit, nakikita ko na kung gaano ka bongga nang lugar! Gustong gusto kong kumain dito kasama si Ace. Pero, di ko magawa. Alam ko kasi na mamahalin ang mga pagkain dito.Alam kong di basta bastang tao ang kakaharapin ko. Kahit di ko pa nakakaharap, I know na mahihirapan akong kumawala sa bitag na to. Nang nasa tapat na ako ng taong mapapangasawa ko, nakita ko na na ka sunglasses sya. Nang napansin nya na nandyan na ako, dahan dahan nyang hinubad ang sunglasses nya. I don't know how to react. Basta ang alam ko may hitsura sya. Remember, Michele Morrone? Resemblance sila! Hindi ko alam na nakaupo na pala ako. Nang mahimasmasan ako sa nakita ko, I acted cool again. Like, parang di ako naamaze sa mukha nya. I cleared my throat at nagsalita. "By the way, Veronica Dela Cruz!" Inilahad ko ang kamay ko. "No need to introduce, I already knew you!"Ang galing! Di man lang tinanggap ang kamay ko. Kaya binaba ko nalang at saka tinignan ko sya sa mata. I know na seryoso sya at seryoso din ako. Future ko at anak ko ang pag-uusapan namin.Tinitigan nya ako sa mata at yun din ang ginawa ko. Mga ilang Segundo din bago sya nagbaba ng tingin. Hindi ako nagpatalo, baka akala nya easy lang ako pagdating sa mga ganito. Sa rami ng pinagdaanan ko, walang kwenta lang tong problema na to."So, I guess you already heard the arrangement about the marriage?" Sya ang unang nagbitaw ng tanong!"Yes! My father told me last night about that marriage thingy!" walang ganang sabi ko."Ok! Before we talk about it, kumain muna tayo! Order ka lang ng gusto mo. I rented this restau para masolo natin ang lugar" Walang emosyon na sabi ng lalaking ito na di ko man lang alam ang pangalan.May pinagmanahan pala yung mamang sumundo sa akin, walang emosyon. Required ba yun sa kanila? And speaking about that guy, bigla nalang itong nawala. At ngayon ko lang din napansin na kami lang pala talaga sa restaurant nato. What's so special about this guy? Masearch ko nga mamaya. Pumili na kami ng kakainin at nagumpisa ng mag-usap!"Narinig ko na may kondisyon ka sa pagpapakasal sa akin?" Seryosong tanong nya!Tinignan ko sya sa mata. Gusto kong makita nya kung gaano ako kaseryoso sa mga bibitawan kong salita."Yes! And it's all about my son! I guess, alam mo na may anak na ako!" ngumiti ako ng sarkastiko. Isa ito sa mga rason kung bakit wala akong nadedate. Palagi kong ipanaparamdam sa mga ka date ko na mas priority ko ang anak ko sa kahit na sino.It means, wala silang lugar sa buhay ko."Really? Do you think na ipapakansela ko ang kasal dahil sa may anak ka?" Ngumiti din ito ng sarkastiko!Nawala ang ngiti kong tagumpay! I guess, gusto nya talaga akong pakasalan dahil sa gusto nyang makuha ang kompanya namin.I guess di ako magtatagumpay sa plano ko! Well, hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa! I know ipapakansela nya ang kasal kung makikita nya kung anong klaseng babae ang mapapangasawa nya."Well, hindi naman sa ganun! I just want to inform you in case na di mo pa alam na may anak ako. I guess napaimbestigahan muna ako!" Plastic na ngiti ang binigay ko sa kanya."Isa lang naman ang hindi ko nalaman about sayo! Kung sino ang ama ng anak mo!" tinitigan nya ako na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Do I need to tell him the truth? Well, wala akong planong sabihin sa kanya.Si papa at si yaya Maria lang ang nakakaalam nito. Maski nga si Joyce na bestfriend ko, di nya alam ang totoo. "Do I need to tell you kung sino ang ama ng anak ko? Hindi naman siguro kalabisan sayo na hindi nalang alamin ang totoo, di ba?" "Sa akin hindi, pero sa anak mo. I know maghahanap sya in the future. Ano ang isasagot ko kung magtanong sya sa akin?""You don't need to answer! I can handle my son and I guess di naman siguro magtatagal ang marriage natin since it's just a pure business, right?" Sarkastikong sabi ko!Nakita ko na nabigla sya sa sagot ko sa kanya. Well, isa yun sa gusto kong itatak sa kanya, na ang relasyon namin is pure business at wala nang iba!He clears his throat! Hindi yata sya ready sa sagot ko sa kanya!"Well, yes! Pero, magsasama pa rin tayo sa iisang bubong! Hindi malabo na kulitin ako ng mahal mong anak!""No pressure! Matalino ang anak ko at maliwanag sa kanya ang phrase na Don't talk to the strangers" Ngiting tagumpay ako this time kasi nakita ko ang inis sa mukha nya. Tinitigan nya ako ng nakakainis. And I know nagsisimula nang magdalawang isip ito sa pagpapakasal sa akin."So, if that's what you want! I will respect that! Pero, kung nasa iisang bubong na tayo, you will respect my privacy too! Pribado akong tao! Ayaw kong may issue while kasal tayo. Pinag-iingatan ko lang ang reputasyon ko laban sa media." Walang emosyon na sabi nya sa akin."No worries! I know my limitations and I know the boundaries we have! Walang pakialaman kung baga!""Yes! Do you think it will work for you? I mean, you have a son! Anong sasabihin mo sa kanya?""Ako na ang bahala! As I told you, matalino ang anak ko! Alam ko kung pano ko ipapaliwanag ang lahat!" May assurance na sabi ko sa kanya!"Ok! Well, it's a deal!" Inilahad nya ang kamay nya!"Yeah! It's a deal!" Di ko tinanggap ang kamay nya! It's my time to turn him down pagkatapos nyang di tanggapin ang kamay ko kanina.Na sense ata nya na di ko tatanggapin ang kamay nya kaya binaba na nya. Di naman nagtagal ay dumating na ang order na pagkain namin. Kumain kami ng tahimik. Hindi na kami nagkausap pagkatapos kanina. Wala na ding imikan after naming kumain. Hanggang sa hinatid na ako ng driver niya sa opisina!

BINABASA MO ANG
Lost Love
RomanceHindi alam ni Veronica kung ano ang gagawin nya. May responsibilidad sya sa pamilya nya at may responsibilidad din sya na kailangan nyang gampanan bilang ina. At ngayon para masalba ang palubog na na kompanya ng pamilya nya ay kailangan nyang pakasa...