The Touch

2 0 0
                                    

"Cade! Gising ka na ba? Kailangan mo nang bumagon! Malelate ka na!"Kinakatok ko ang pintuan nya ngayon! Sa isang buwan ko dito, isa sa mga nalaman ko about kay Cade ay ang hirap nitong gisingin! Hindi ko alam kong ganyan na ba talaga sya o sadyang sinasadya nyang wag gumising ng maaga. Ito lang yata ang kilala nyang presidente ng kompanya na sobrang kupad! Kahit nga sya, minsan nadadamay na! Ayaw pa naman nyang malate!Buti at lumipat muna si Yaya Maria dito sa amin para may kaagapay ako dito! Wala kasing katulong dito si Cade! May pumupunta lang dito para maglinis, pero, walang nagluluto para dito. Kaya wala syang choice kundi ang gumising ng pagkaaga aga para magluto at ihanda ang kailangan ni Ace. Sinabihan ko na sya na dapat kumuha na kami ng katulong para man lang may makatulong kay yaya Maria. Sabi naman nya ay kukuha sya pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Kaya later, pupunta ako ng agency at ako na mismo ang maghahanap ng katulong.Ang laki ng bahay pero walang katulong.Laking pasalamat nya kai yaya Maria dahil nagbulontaryo ito na mag-alaga kai Ace habang busy silang dalawa sa kompanya! By the way, nagmerge na ang company namin. At si Cade ang nahirang na CEO habang ako naman ang Vice."Ano ba Cade! Gising na nga eh!" Sigaw ko. Di rin ako pwedeng pumasok sa loob. Narinig kong may kumaloskos kaya alam ko na gising na sya! Hindi pa man ako nakakatalikod ay bumukas na ang pinto! At tumambad sa akin ang bagong gising na damuhong na ito!Hindi ko ipagkakaila na napakahot talaga ni Cade! At kahit na bagong gising pa ito ang fresh pa rin ito!"I'm awake now! Ok?" habang nagkakamot ito sa ulo! Half-awake pa ito kaya muntik na akong matawa. Araw-araw nalang ang scenario namin sa bahay! Kaya, hindi na ako sumagot at tinalikuran ko na ito pero, bago pa ako makatalikod ng lubusan ay hinawakan nya ang braso ko at hinila nya ako papalapit sa kanya. Sa di inaasahan, sa dibdib nya ako napadapo. Kahit di pa ito naliligo ang bango pa rin nito. Dahil sa position ko ay napansin kong biglang nag-init ang mukha ko kaya tinulak ko sya. Tinignan ko sya ng masama."Bakit mo yun ginawa?" Inis na sabi ko! Gusto kong itago ang mukha ko pero di ko magawa. "Bakit? Kahit ang paghawak sayo, bawal? I guess I do have the right to touch you since I'm your husband." Sarkastiko itong nakatingin sa akin habang nakangiti ito ng nakakaloko.Dahil di ko nagustuhan ang tipla ng dila nito ay tinignan ko ito sa mata at mas pinasingkit ko pa ang mata ko! Saka ko ito sinagot!"Alam mo, hindi porket asawa mo ko ay kaya mo ng gawin ang gusto mong gawin sa akin. Remember, kasal lang tayo sa papel. We have a lot of agreements and I hope na itatak mo dyan sa kokote mo na kahit kailan, ni hibla ng buhok ko ay di ako papayag na hawakan mo. May limitasyon tayong dalawa kaya respituhin mo yun" Saka ko sya tinalikuran. Ayaw ko ng marinig ang sasabihin nya. Gusto ko ng umalis at kalmahin ang puso ko dahil sa kaba. Sa loob ng isang buwan naming pagsasama ay hindi kami halos naguusap. Mas kinakausap pa nito si Ace kaysa sa kanya! Pero, ok lang kasi ayaw ko ring kausap ito! Para kasing galit ito lagi sa kanya. Kaya much better na di ko na sya kausapin.Ang importante sa akin na maging komportable si Ace kay Cade! Para maiwasan ang gulo. At nakikita ko naman na effortless lang ang pagiging close nilang dalawa. Mukhang mas gusto pa nga ni Ace na si Cade ang kalaro nito kaysa sa akin. Kaya minsan di ko maiwasan magselos.Nang makita kong nakaalis na ang bus ni Ace ay bumalik na ako sa loob para magready ng marinig ko ang boses ni Cade!"Aalis ka na ba?""Oo, kukunin ko lang yung gamit ko sa taas!" Iiwan ko na sana sya nang magsalita ito ulit."Sabay na tayo!" "Ok lang! I can manage! Pwede naman na di tayo magsabay!" Saka umakyat na ako sa kwarto para magready at ng makaalis na. Kay aga aga wala na agad ako sa mood. Ewan ko ba. Nakakainis lang talaga si Cade!Pagbababa ko ay nakita ko si Cade. Parang hinintay talaga sya ako!"Bakit nandito ka pa?" taas kilay kong tanong!"Sabay na tayo!" Hindi ko alam if gusto nya talagang magasabay kami or napipilitan lang talaga ito. "No, thanks! May imemeet ako mamaya kaya kailangan kung dalhin ang kotse ko. Mauna ka na. Susunod lang ako!" Walang emosyon na sabi ko."Galit ka pa rin ba?" Parang naiinis na tanong nito sa kanya.Bumuntong hininga ako na para bang ang hirap sagutin ng tanong nito. Sa totoo lang, gusto ko pa rin itong sukmatan sa nangyari kanina, pero, wala pa rin akong karapatan na gawin yun since it's his house."Kalimutan na natin ang nangyari kanina. Basta hindi ako sasabay sayo ngayon."Saka ko sya nilagpasan. Sa loob ng isang linggo palagi kaming nagsasabay para mas mapagtibay pa na totoong pamilya talaga kami at nagmamahalan. Ayaw ko talagang magpanggap pero, wala akong magawa since kailangan kong gawin yun. Nakarating na ako sa opisina. Nasa companya pa rin ako nagtatrabaho kahit na nagmerge na company namin. Gusto nga sana ni Cade na dun na ako magtrabaho para mas matutukan pa naming dalawa ang takbo ng kompanya. Pero, mas komportable ako dito. Dito, di ko kailangan magpanggap. Totoo ako dito at walang tao ang nakamasid sa bawat kilos ko. Malapit na maglunch ng may tumawag sa telepono ko."Yes?" Sagot ko."Nasa baba ako ng building! Bumaba ka na!" Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ng di nya inaasahan na tao."Ano naman ang ginagawa mo dito?""Is it bad to ask my wife to eat with me?"Di ko alam kung sarkastikong tanong yun or ano."Hindi mo naman kailangan na gawin yun! And I can eat without you! Kaya, kumain ka nalang mag-isa mo!" "Galit ka pa rin ba sa nangayari kanina? Ito na nga ako at bumabawi!""Well, kung napipilitan ka lang, wag na! Please, umalis ka na, may gagawin pa ako!"Saka ko binaba! Bumuntong hininga ako! Nawala na sa concentration ang utak ko. Bakit ba kailangan pa nyang gawin yun? Mukhang kalabisan na ang ginagawa nito! Ayaw kong nagugulo ang mundo ko.Di nagtagal ay may kumatok sa pintuan! Nang bumukas ay ang secretary ko! May dala itong pagkain."Ano yan?""Kay Sir Cade po maam! Pinapabigay nya! Alam nya kasing di ka na naman kakain kaya, hinatiran ka nalang nya ng pagkain. Hindi na rin po daw sya papasok kasi alam nyang galit pa daw kayo!"Nabigla ako! Di ko aakalain na gagawin talaga nito ang mga ganitong bagay. May pa flowers pa. Grabe talaga magpakitang tao ang lalaking yun.Nang mailagay na ang pagkain sa harap ko ay natakam ako. Kasi, lahat yun paborito ko. Pano nalaman ng lalaking yun na paborito ko ang marinitadong bangus at chicken joy! May dessert pa! Sobrang reaserch naman ata huh!Hindi naman ako nagpatumpik tumpik at kinain ko na ang mga pagkain sa harap ko. Nakakainis man ang lalaking yun wala namang kasalanan ang mga pagkain. Masama tumanggi sa grasya.Ang sarap ng pagkain, namimiss ko na ang mga ganitong ulam. Nang matapos na ako ay biglang tumunog ang phone ko. Akala ko ay si Cade, iba pala. Si James!"Oh, ano na?" Excited na tanong ni JamesNapangiti ako. Di pa rin nagbabago ang ugali ng bestfriend ko. Maliban kay Joyce, may isa pa akong bestfriend. At ito ay si James. Kababata ko to at alam nito ang bawat alamat ng buhay ko. Pero, ng tumira na ito sa Florida ay madalang ko na syang makausap dahil busy na din to sa career nito.At ngayon na umuwi ito sa Pilipinas ay ako agad ang unang tinawagan nito. Susunduin ko nga sana sya kaso, marami pa talaga akong ginagawa eh. Kaya magdidinner nalang kaming dalawa.Marami akong dapat ikwento dito at isa na dun ang pagpapakasal ko kay Cade! Gusto kong may masabihan. Wala kasi ngayon si Joyce eh! Nasa ibang bansa kasama ang asawa nitong Briton."Oo! Be ready! Mahaba haba ang kwentuhan natin later, ok?" Saka ko binaba ang phone. Excited na rin akong makita ang bestfriend kong 6 na taon nang di ko nakikita.


Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon