'Bukas na ang kasal, kaya maghanda ka ng isusuot mo! Dun tayo magpapakasal sa Taiwan since malapit lang sa Pilipinas! Maaga tayo bukas kaya make sure na ready ka na before 3:00am tomorrow!'Hindi na ako nabigla sa text nya! I know na mamadaliin nya ang kasal. What a clever man! Akala nya uurungan ko yung kasungitan nya! Talaga lang huh!I dialled my father's number! He needs to know that his princess is getting married tomorrow!"Pa?""Yes?""I'm getting married tomorrow! I guess, gusto na talaga akong pakasalan ng taong yun. Do you think it's a rush? Or nagmamadali lang sya para makuha ang kompanya natin?""I don't think so! Just trust him!""Trust him? Really? You're telling me that, like matagal ko nang kilala yung tao na yun? Do you think I will trust him easily?""I know you're not! You are not the type of person na agad agad magtitiwala! Basta, I know darating ang panahon na pati buhay mo ipagkakatiwala muna sa kanya!""AMA BA TALAGA KITA?""Yes! And I know what's best for you! Bye!!"Napatawa ako ng sarkastiko ng babaan ako ng ama ko! Natatawa ako dahil sa sinabi ng papa ko! Really? Minsan naiisip ko na ampon lang ako eh! Dahil ganyan kung umasta si papa sa akin. Pag uwi ko ng bahay, di na ako natulog. Hinintay ko nalang ang oras ng flight namin. Di ko na isinama si Ace since di naman kami magtatagal dun. Magpapakasal lang kami and after that uuwi agad kami. At after kaming makauwi, iaanunsyo namin sa publiko ang kasal namin.And of course, we need to act like a loving husband and wife. Bandang 1am, sinundo na nya ako. Nagpasundo nalang ako since need naming magsama papuntang Taiwan.Napakasimple lang ng ayos nya. He's just wearing a simple shirt with a warm cardigan jacket and a flattering pants. And the shoes? Well, I don't need to know the price. Di mo aakalain na isa pala syang may-ari ng kompanya, para lang syang isang tourista na nagtatravel around the world. While me, I'm just wearing a simple shirt with a cardigan and scarf. I'm also wearing a fitted pants and a sneaker. Just a simple girl na wala sanang planong magtravel.Nang makarating na kami sa airport, naghintay lang kami ng ilang minutes. Yun pala, sasakay kami sa private plane na may-ari ng pamilya nila. Wow! Just wow! Napaka luxurious ng dating ng plane nila. Don't judge me, noon, may private plane din kami. Bata pa ako nun kaya di ko masyadong maalala kung ano at kung saan kami napadpad nila mama at papa noon. Almost 2 hours lang din ang byahe kaya di masyadong nakakangawit. 5am na kami dumating. Hindi naman nagtagal, dumating na yung sundo namin at pupunta na kami ng hotel na tutuluyan namin within 2 days, I guess.Nasa Fleur The Chine Hotel Sun Moon Lake kami. And I know how expensive this place is. Well, it's fine since I'm not the one who's going to pay for it naman. He asked for 2 rooms since he knows na ayaw kong nasa iisang kwarto kami. Nang papasok na sana ako kwarto, nagsalita sya. "I'm going to prepare everything. All you need to do is to wait here. Are we clear?" Seryoso nyang sabi.Inirapan ko lang sya. Wala akong planong sagutin sya since pagod na pagod na ako. Wala akong tulog buong magdamag kaya di ko namalayan nakatulog na ako sa kama. Naalimpungatan ako dahil sa pagyugyug ng kung sino sa akin. Antok na antok pa ako. Gusto ko pang matulog pero, yung yumuyugyug parang walang planong tigilan ako. Kaya, dahan dahan akong bumangon at minulat ang mga mata.Nang ganap nang nakamulat ang mga mata ko. Nakita ko ang presko at gwapong mukha ng lalaking mapapangasawa ko. Siguro nananaginip lang ako. Pano yun makakapasok, eh nasa akin ang susi. Pero, habang tinititigan ko sya, bigla syang ngumiti at hinawi ang buhok na nakatabon sa mukha ko. Saka lang ako nahimasmasan. NANDITO SYA SA KWARTO KOOOOOO!"aaaahhhhhhhhhhhh" Wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw. Anong ginagawa nya dito? Saka ko hinila ang kumot na katabi ko. "Manyakkkkkkk! Anong ginagawa mo ditooooo?" Naghisterical ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nahihiya ba ako o nagagalit. Tinignan ko ang katawan ko baka kung anong ginawa nya sa akin.Narinig ko lang ang tawa nya, saka sabi:"Do you think na pagpapantsyahan kita sa itsura mo? You look so stingy! Di ka pa nga nakapagshower at bihis." Tumayo na ito saka naglakad palabas. Pero, bago pa ito lumabas bigla itong huminto at lumingon sa akin."Magshower ka na at magbihis. Maglulunch na tayo. May lalakarin din tayo after lunch"Tinignan ko ang oras. It's already 2pm. Lunch pa ba ngayon?Nakakainis ang kahambugan ng lalaking yun. Nakakabwesit sya. Saka ako padabog na umahon na sa kama at naghanda. Baka, bigla na naman yung pumasok pag nagtagal pa ako. Wala pang isang oras ay lumabas na ako. Nakita ko syang nakatindig na sa labas ng kwarto nya. Magkatabi lang kasi ang kwarto namin. By the way, he's name is Cade Villaflor. Sinearch ko na sya kagabi and all I can say is he's a total package. Pero, di ko sya bet. I hate his guts and over confident attitude.Nang mapansin nya ako ay tumayo sya ng matuwid at tinignan ako mula ulo at paa. "Ganyan yung susuutin mo sa kasal natin?" Sarkastikong sabi nya.Nabigla ako sa sinabi nya. Ikakasal na ba talaga kami?Naka croptop kasi ako at fitted jeans. And I'm wearing a flat sandal. Akala ko kasi kakain lang kami since sabi nya maglulunch lang kami.Saka ko lang napansin na nakaporma na pala sya. A long sleeve white polo with a khaki pants and a loafer shoes. He's so elegant while ako para lang mamasyal lang sa tabi tabi."Akala ko ba kakain muna tayo? Kung sinabi mo kanina na magpapakasal na tayo, e di nagsuot man lang ako ng eleganteng damit" Inis na sabi ko sa kanya.Bumuntong hininga nalang ito saka, hinila ako palabas ng Hotel. Wala nalang din akong nagawa kundi ang magpatinanod sa kanya. I guess nagmamadali na sya since di naman nya ako pinayagan na magbihis man lang.
BINABASA MO ANG
Lost Love
RomansaHindi alam ni Veronica kung ano ang gagawin nya. May responsibilidad sya sa pamilya nya at may responsibilidad din sya na kailangan nyang gampanan bilang ina. At ngayon para masalba ang palubog na na kompanya ng pamilya nya ay kailangan nyang pakasa...