ONE WEEK LATER!Oo, isang lingo na kaming mag-asawa! Maraming adjustments since hindi ko pa pinapakilala ang husband ko sa anak ko. And yes, we are still living separated. I told him na hintayin ang isang linggo bago kami lumipat. Ayaw ko biglain ang anak ko.Isang beses lang kaming nagkita after ng marriage! Kaya hindi ako masyadong aware sa anong ginagawa nya every day! Well, I don't care rin naman since busy ako sa pagmemerge ng company namin.Ngayon ang araw ng paglipat namin ng anak ko sa mansion nya! Prepared na lahat kagabi pa. Hindi makakasama si yaya Maria since sya ang maiiwan sa bahay ko. Pero, once a week, pupunta sya dun para icheck kami. Tanong ng tanong ang anak ko kung bakit kami nagiimpake ni Yaya Maria! Hindi ako makasagot agad. Tinitignan lang ako ni yaya Maria na para bang gusto nyang sabihin ko na kay Ace ang totoo. Pero, di ko kayang sabihin. Nahihirapan ako. Dinaial ko ang number ni yaya Maria!"Hello Yaya?""Bakit?""Ready na po ba lahat?""Oo, Ready na! Nandito na nga si Sir Cade eh! Dun ka na daw dumiritso sa bahay nya. Paalis na din kami ngayon!""Ano? Bakit sya nandyan?""Sinusundo niya si Ace! Don't worry sasama ako since ayaw naman kausapin ng anak mo si Cade! Kanina pa nya kinakausap ang bata pero ayaw nitong sumagot!"Natawa ako sa narinig ko! I told ya, tatalab talaga sa anak ko yung 'Don't talk to strangers'May biglang nagsalita sa telepono!"You need to go home right now! Paalis na kami kaya dapat magkasunod lang tayo!"Yeah! My husband!Sa tuwing naiisip ko na may asawa na ko, di pa rin matanggap ng utak ko. Pano pa yung anak ko? I need to be positive. Kailangan kong lakasan ang loob ko para maintindihan nya ang bagong buhay na kakalakihan nya. Pero, hindi naman siguro magtatagal yung pagiging mag-asawa namin since it's just a pure business. And I guess di rin mahilig si Cade sa bata, walang mangyayari na closeness sa kanilang dalawa.Hindi ko alam pero, parang kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari kung magsasama na kami sa iisang bahay. "Oo! Paalis na ako!""Nandiyan na ang sundo mo! Wag ka na mag-drive!"Saka ini-off nya yung tawag. Diyan sya magaling. Ayaw nya ng mahabang usapan.Well, simula ng matapos ang kasal namin. Di na ako gumagamit ng sasakyan. Palagi nalang na may sundo ako at may nagdadrive para sa akin. Noong una, ayaw ko since di ako komportable na may driver. Pero, wala akong nagawa kasi nagagalit sya sa tuwing tinatakasan ko yung driver nya!Pagbaba ko sa opisina nakita ko na ang driver na hinire nya para sa akin. Excited na akong makita ang anak ko and at the same time kinakabahan ako! This is the day na sasabihin ko sa anak ko na may asawa na ako. He doesn't need to accept naman na may asawa na ako kasi panandalian lang naman ito!Hindi naman nagtagal, dumating na kami sa bahay nya! And yes, this is the first time na papasok ako sa bahay nya. Ang laki. Sobrang laki! Hindi lang dapat tawagin itong mansion kundi palasyo. It's like a palace na dinidiscribe sa isang fairy tale! It's really fantastic.Ang lawak ng paligid at may fountain pa sa gitna! Ang galing! Kung tutuusin, malayong malayo ang structure ng bahay ko sa bahay nya.Nang nasa tapat na kami ng pintuan, nakita kong nakaparada na ang kotse ni Cade! It means, nandito na sila kasama si Ace. Ang pagkamangha na naramdaman ko ay napalitan ng kaba. Pinagbuksan ako ng pintuan ng driver at nakita ko ang lawak ng sala! Naamaze ako sa nakikita ko. Halatang mamahalin ang mga gamit! Para akong paslit na tuwang tuwa sa mga nakikita ko.Di nagtagal ay may umubo sa likuran ko!My husband! Here we go again sa "My Husband" ko. Bakit sa tuwing nakikita ko sya "My Husband" agad ang pumapasok sa utak ko?"Longtime no see, my wife!" Nakangiting sabi nito!Naamaze ako sa ngiti nya, kaya napangiti din ako. Napakasincere kasi ng ngiti nya. Ilang segundo din bago ko narealize ang inakto ko. I need to keep my soft side. Hindi porket nakangiti sya ay gagantihan ko din sya ng ngiti. In order to survive in this battle, wala dapat syang makitang kahinaan ko. Maliban kay Ace, syempre. Pero, hindi magiging rason sa kahinaan ko si Ace. Sya ang magiging lakas ko at inspirasyon para panaluhin ang laban nato.Inayos ko ang mukha ko at tinignan ko ulit sya ng seryoso."I know! Pero, bakit kailangan mo pang sunduin ang anak ko! Di mo ba alam na mabibigla sya sa mga makikita nya?" Nainis ako ng bigla kong maalala yung ginawa nya kanina."Alam ko kasing matatagalan ka kaya sinundo ko na yung anak mo. And tama ka nga, matalino ang anak mo! Don't talk to the strangers huh!" Ngiting sabi nya!Hindi na ako sumagot at hinanap ko na ang anak ko. Hindi ko alam na mali palang dereksyon yung pupuntahan ko, kaya may biglang humawak sa kamay ko at iginaya ako kung saan naroroon ang anak ko at si yaya.Hindi ko mapigilan ang mailang sa sitwasyon namin. Pinilit kong hinihila ang kamay ko pero ang higpit ng hawak nya sa kamay ko.Hindi rin nagtagal ay dumating na kami sa kung saan ang anak ko. Bigla namang napatingin ang anak ko sa amin at sa di katagalan sa kamay namin. Bigla ko naming hinablot ang kamay ko and thank God, binitiwan na nya."Ma! What are we doing here?" Curious na tanong ng anak ko ng lumapit na sya sa akin.Niyakap ko sya ng mahigpit saka ko sya binitiwan. Hinawakan ko ang mga balikat nya. I know maiintindihan ng anak ko ang gusto kong iparating sa kanya. Kaya bumuntong-hininga muna ako saka ko tinignan si Cade! Nakikita ko din na hinihintay nya yung sasabihin ko kaya, tinignan ko na ang anak ko."Nak, will you promise me na you will understand everything na sasabihin ng mama?" Kabadong tanong ko!"Yes, I will!""Will you promise me na tatanggapin mo ng buo yung sasabihin ko?""Yes Ma!""Will you promise me na...."Naputol ang itatanong ko ng magsalita ang damuhong na lalaking nasa likod ko!"Me and your mom are already husband and wife. We are already a family here! Do you understand that?" sarkastikong sabi nito!"Ano ba! Bakit mo agad sinabi yun?""Kasi alam ko hanggang bukas mo pa balak tapusin yung mga tanong mo! Kaya inunahan na kita!""Bweee.." Di ko na matuloy kasi naalala ko nandyan yung anak ko sa harap ko.Tinignan ko sya. At hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip ng anak ko. This is the first time na nakita ko ang expression na yun. Di nagtagal. Nagsalita sya!"Are you happy with him mom?" Sincere na tanong nya!Hindi ko alam kung ano ang isasagot since di ko alam kung masaya ba ako sa kanya dahil sya ang sasalba sa kompanya or what! Pero, I need to be sure na magiging kampante ang anak ko sa taong ito."Yes! I'm happy with him! I hope you will accept him as your dad?" Halos masuka ako sa tanong ko."Well, if he wants to be my dad and you are happy with him. Why not!" Ngiting inosente naman ang sinukli ng anak ko.Tinignan ko si Cade and he is just staring at me too. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nito. All I know is lutas na ang problema namin sa anak ko!Tumayo ako at tinignan si Ace saka ko sya hinalikan and niyakap ng mahigpit. Gusto kong magpasalamat ng malaki sa kanya. He is surely the best gift ever. After kong yakapin sya. Nagsalita si Cade!"Since it's already fixed! Can we talk privaltely?" Tumango ako! Kailangan nga talaga naming magusap.Nakarating kami sa study room nya! Ang raming libro! Nakakaamaze!"Nabasa mo na lahat to?" curious kong tanong sa kanya!"Yes!" Walang emosyong sabi nya!"Really?""Bakit? Di ka naniniwala?""Well, I'm just asking. So, by the way, what do you want to talk about?"Umupo ako habang sya naman ay nakatayo! May binigay syang isang pirasong papel. Tinignan ko sya pero walang emosyon yung mukha nya habang nakatingin lang sa akin. Napataas ang kilay ko ng mabasa ko na ang nasa papel.
BINABASA MO ANG
Lost Love
RomantizmHindi alam ni Veronica kung ano ang gagawin nya. May responsibilidad sya sa pamilya nya at may responsibilidad din sya na kailangan nyang gampanan bilang ina. At ngayon para masalba ang palubog na na kompanya ng pamilya nya ay kailangan nyang pakasa...