KINABUKASAN:"Pa, nagdesisyon na po ako! Pumapayag na ako sa gusto niyo. Pero, sa isang kondisyon...""Kasama ko si Ace! Kung hindi naman sya pumayag wala akong magagawa. Sige po, yun lang!"Saka ko sya binabaan. Ayaw ko nang marinig kung ano man ang sasabihin niya. Basta yun ang kondisyon ko. Kung di man sya pumayag, bahala na sya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng study room ko."Ma? Di ka po ba natulog kagabi?"I just smile at him. Oo, wala pa akong tulog. Pinag-isipan ko ang mangyayari sa aming dalawa sa susunod na mga araw at buwan. kung, mapapabuti ba sya sa piling ng taong mapapangasawa ko na hindi ko pa nakikita."I'm fine, baby. Marami lang akong gInagawa. Tara, breakfast na tayo!"Sa opisina:Nasa office ako ng may tumawag sa akin. Number lang kaya di ko na pinansin. Hindi kasi ako nag eentertain ng hindi ko naman kilala. Magsasayang lang ako ng oras.Nakailang tawag din ito bago tumigil. Maya-maya, narinig ko sa entercom ko ang secretary ko. Sinagot ko."Bakit?""May gustong kumasap sa inyo po. Ok lang po ba na ipasa ko na sa inyo?""Sino ba daw sya?""He's Mr. Villaflor daw. Do you know him?""Ha???" biglang sagot ko."Yun ko yung sagot nya. Ano? Sasagutin nyo po ba? Parang may importante syang sasabihin eh"Bumuntong-hininga ako. Maybe he's one of the clients na pinagpasahan ko ng proposal namin. Sa dami ba naman ng pinagpasahan namin, nakalimutan ko na yung iba."Ano po maam?""Sige! Sasagutin ko na. Baka isa sya sa mga clients natin"Hindi naman nagtagal at nasa linya ko na sya!"Veronica speaking! Who is this please?"Walang sumagot sa kabilang linya."Hello?!"Naiinis na ako huh! Sa ayaw ko pa naman ay puangtitripan ako sa oras ng trabaho ko."Kung wala ka naman pa lang balak na sabihin, can you please stop disturbing us? Marami pa kaming gagawin at wala kaming panahon na makipaglokohan sayo?" Inis na sabi ko. Ibababa ko n asana ng magsalita sya."Why are you so irritated my wife? Ah no, my future wife!"Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ano to? Sya na ba? Bakit ang husky ng boses nito. Ang naiimagine ko kasi ay isang matandang byudo ang pakakasalan niya. Pero, ng marinig ko ang boses nito ngayon parang mali yata ang imagination ko."What? Speechless?"Nahimasmasan ako at saka ako ngsalita!"Stop fooling me around mister whatever! FYI, hindi pa ako ikakasal para tawagin mong future wife! Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?""Ipapasundo kita sa isa sa mga tauhan ko! Let's have lunch together para makilala natin kahit papano ang isa't-isa. And about what you want, pagusapan din natin yan! Ok? Be ready. 15 minutes nandiyan na sya!" Magsasalita pa sana ako ng binabaan niya ako ng phone.Bwisit! Sino kaya ito? Pero, I guess sya na yung sinasabi ni papa na magiging asawa ko. Siguro di naman yun mag-aaksaya ng oras para kausapin ako at makipagkita! Well, hihintayin ko nalang na may dumating na sundo dito. Hindi ko namalayan ang oras. Narinig ko ang intercom ko. "Ma'am! Nandito na po yung susundo sa inyo!""Papasukin mo!"Hindi nagtagal ay may pumasok na isang malaking tao. I guess, bodyguard ito dahil sa laki ng katawan. Ineksamin ko muna itong taong ito before ako nagsalita!"May I know kung sino ang amo mo?"Tinignan nya lang ako ng blanko and then nagsalita sya! "Si Mr. Villaflor po. Sya po yung pinagkasundo ng ama mo sayo!" Seryosong sabi nito!"How sure you are na ako nga ang mapapangasawa ng amo mo?" Striktang tanong ko!"Ilang beses ko nang nakita ang picture mo sa table ng amo ko, kaya sure ako na ikaw ang tinutukoy nyang future wife!" Walang emosyon pa ring sabi nito.Ano? Really? Bakit may mga pcitures ako sa table ng amo nya. Baka stalker ko yung tao na yun! Hindi ko pinakita na natinag ako sa mga sinabi nya. I want to see myself kung totoo ba ang sinasabi ng taong to."Ok! Give me 5 minutes to prepare! Ok lang?" Tumayo na ako!"Sure!"Pumunta muna ako sa CR! At nagretouch ako! Simpleng makeup lang! ayaw kong magpaimpress sa kanya. Ayaw kong isipin nya na nagpapaganda ako dahil sa kanya! Pagkatapos ko magretouch lumabas na ako at nakita ko pa rin yung lalaki na sobrang straight body kung tumayo. "Di ka man lang umupo?" Amaze kong tanong sa kanya!"No need na! Sanay akong nakatayo!" Seryosong sabi nya!Wala akong magawa kundi ang lumakad na palabas! I need to act cool para di nya makita na tense ako. Before kami makalabas ng building, nagbigay muna ako ng instructions kay Jenny! Ang sekretarya ko."Jenny! I need you to cancel my 2pm meeting! Magdahilan ka na may inaasikaso akong importante!""Pero, ma'am! Matagal na nating gustong makausap tong client na to! Tapos, papalampasin lang natin?" Concern na sabi ni Jenny!"I know, but mas importante talaga to! Ok? Kung kaya mo ipareschedule, mas mabuti pero kung di mo kaya, ako na ang pupunta ng personal. Ok?"Saka na ako nagpatuloy sa paglalakad. Alam ko na nakasunod lang ang taong mama sa likod ko and alam ko na tinitignan kami ng mga empleyado ko. Alam kong magiging laman na naman ako chismiss sa page namin.Nang makalabas na kami ng building ay may pumarada agad na sasakyan sa harap namin. I'm amazed sa kotse na nasa harapan ko, alam ko na di basta basta ang may-ari nito! Pinagbuksan ako ng pinto ng malaking mama. Nasa front seat sya while ako nasa likod. Wala akong imik! Gusto ko lang na makapag-isip isip bago kami magkaharap ng taong mapapangasawa ko! Hindi pa nakaka-15 minutes ay nakarating na kami sa restaurant kung saan nandun ang mapapangasawa ko! Sa tuwing naiisip ko ang kasal gusto ko nang masuka. Hindi ko pinangarap na ikasal and lalong di ko pinangarap na ipakasal sa taong di ko kilala.Habang pabababa na ako ng kotse, nakikita ko kung gaano ka elegante ang restaurant nato! And take note! Isa ito sa mga mamahaling restaurant sa buong bansa. Hindi ko pinakita na naamaze ako! Baka isipin ng mamang nasa likod ko na ngayon lang ako nakapunta dito, kahit nay un ang totoo.

BINABASA MO ANG
Lost Love
RomanceHindi alam ni Veronica kung ano ang gagawin nya. May responsibilidad sya sa pamilya nya at may responsibilidad din sya na kailangan nyang gampanan bilang ina. At ngayon para masalba ang palubog na na kompanya ng pamilya nya ay kailangan nyang pakasa...