"Edayel! Wait up!" Rinig na rinig ko ang sigaw ni Alisha, mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. Ano bang ginagawa n'ya dito?! Bakit andito s'ya?!
"Eda!"
Lakad, takbo, lakad, takbo iyan ang ginagawa ko ngayon. Makalipas ang limang taon, bigla ko na lamang nakita dito sa Estancia Mall ang kapatid ko, malas pa dahil nakilala niya pa ako kahit na sobrang ibang-iba na ang itsura ko kesa noon.
Magdidiwang na sana ako, noong makita kong malapit na ako sa exit ng mall. Pero nagulat na lamang ako dahil sa may malamig at malambot na kamay ang humawak sa pulsuhan ko, napatigil na lamang ako at pilit kong hinhinahon ang pag tibok ng puso ko. Pabango pa lang alam ko na kung sino ito, kahit hindi ako lumingon alam ko kung sino siya.
"Eda..."
Mas lalong kumaripas ang tibok ng puso ko, namawis ang buong katawan ko dahil sa kaba, at ang paghinga ko ay unti-unting bumabagal.
"Eda... please naman talk to me. Please just give me 30 minutes to talk to you, please?" Puno nang pagmamakaawa, pangungulila, at lungkot ang boses niya. Huminga muna ako nang malalim, bago ako dahan dahang humarap sakanya.
Matangkad na parang isang modelo, mas lalo s'yang naging sexy, ang buhok n'ya ay halatang alagang parlor, nakasuot s'ya ng high waist pants at naka backless top s'ya, ang bag n'ya na galing sa PRADA, at ang sapatos n'ya na black heels. Walang pinagbago supistikada, at fashionista pa din siya.
Nagusap kami sa isang mamahaling restaurant dito, tahimik lang kaming dalawa hindi ako tumitingin sakanya; ganun din s'ya saakin. At kahit busog pa ako, ay napilitan niya akong mag order.
"Ahm... ho-how are you?" Utal na sabi nito, halatang kinakabahan siya. Lalo pa, at nakikita ko na pinaglalaruan niya ang singsing sa kaliwang kamay niya.
"Ayos lang ako, ikaw?" Tila nagulat pa ito sa sinabi ko, dahil agad na pumukol ang tingin niya saakin.
"A-are you asking me?" Paniniguro nito, nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya.
Anong klaseng tanong 'yan? Abogado ba talaga itong kaharap ko?
"Oo, kita mo namang ikaw lang ang taong kaharap ko diba? Alangan namang yung naka pulang dress na babae ang tanungin ko." Pamimilosopo ko sakanya, ewan ko minsan nakakabobo talaga mga tanungan ng mga tao.
Muli ko ulit siyang tinignan nang weirdong tingin, bigla kasi itong ngumiti nang napkalawak bago tumawa. Hindi naman nakakatawa 'yung sinabi ko.
"Omy! My sister is back! You are still the same Edayel na kapatid ko! Gosh I miss those pilosopo and sarkastika remarks mo." Masayang sabi nito, kulang na lang pumalakpak at tumalon siya dito eh.
"Ano bang kailangan mo? Sabi mo 30 minutes, may sampong minuto kana lang." Seryosong sabi ko dito, natigil ito sa pagliwaliw; umubo muna siya bago ito nag seryoso.
"Go home."
Sa ikli nang sinabi niya dama ko ang sobrang daming pahiwatig nun, seryoso na ang tingin niya ngayon wala na ang kaninang babaeng nakita ko. Isa na itong intimadating na tao, ang babaeng may dangal at walang kinkatakutan. Lalo na sa korte. Nababalitaan ko, na isa siya sa pinakamalupit na abogado sa korte. Naglihis agad ako nang tingin, bago ako nag isip nang sasabihin ko sakanya.
"How many years pa ang kailangan mong space? 5 years is already enough Edayel, bakit kailang mo pang akuin lahat nang problema mo? You have your family, you have us. Yet pinipili mong kayanin lahat, do you really think dad wants you to leave? He was just emotional that day, but he never ever want you to leave that house."
As she said those words, flashbacks runs into my mind. 5 years ago... my life has change, because of my mistake.
5 years ago...
"GET OUT OF MY HOUSE! I can't believe you Edayel! I can't fucking believe you! Bakit?! Ha bakit?! WALA kaming pagkukulang saiyo! And yet you choose to ruin your life?!"
Naalala ko pa ang sigaw ni dad, kung paano nagkagulo ang lahat. Kung paano ako pinalayas ni daddy sa mansyon.
"HINDI KANA PARTE NG PAMILYANG ITO, FORGET ABOUT BEING A SENDEVAS!"
"HON! CALM DOWN FIR-"
"WALA. AKONG. ANAK. NA NABUNTIS NANG MAAGA! AT NAGPAPABUNTIS SA KUNG SINO-SINO!"
"Are you ok Eda?"
Agad na nanumbalik ang diwa ko dahil sa kanya, malamug na tingin ang iginawad ko; huminga muna ako nang malalim. Bago ako sumagot.
"Hindi na ako isang Sendevas, baka nakakalimutan mo? Excuse me."
Walang sabi-sabi akong tumayo at lumakad palabas, hindi ko na nakita ang reaction niya. Wala na din naman akong narinig na komento mula sakanya, at laking pasasalamat ko dahil hindi na siya sumunod pa.
Hindi ko na din gugustuhin pa na kausapin siya, o magkaroon nang kahit anong konektado sakanila.
___________________________________________________________________________
Votes and Comments are highly appreciated.
<3

BINABASA MO ANG
SENDEVAS 1: Horizon of our Hearts
Teen FictionSendevas Series #1 Being the youngest in the family was pretty hard for Edayel, she loves to break the rules and be ruthless in her decision. She is outgoing, she loves to party, and to enjoy her teenage life. But because of that one mistake on that...