Chapter 4

13 0 0
                                    

Votes and Comments are highly appreciated!

--

Makalipas ang apat na linggo ay wala naman akong naramdaman na kahit ano, pero yung kaba ko andito pa rin dahil hindi pa ako nireregla.




At dahil may pasok na rin ako ay hindi ko na masyadong inaalala ang mga nangyare noon, lalo pa at sobrang busy ko at madaming gagawin.




Wala na akong naging balita sa lalakeng nakatalikan ko, hindi ko rin sinabi kahit kanino ang nangyare noong araw na iyon. Gusto kong ibaon yung mga alala na iyon, but at the same time hindi ko rin magawang magdalawang isip.




Paano pag nabuntis ako?




"Hoy!"




Napaangat ang tingin ko dahil sa may biglaang sumulpot sa harapan ko, nakita ko agad si Dixy, may hawak na pagkain.




"Lalim ng iniisip, ano na kanina kapa nakatulala diyan?" Tanong nito saakin.




"Kanina tinawag ka ni Prof Ephi sa recitation muka kang wala sa sarili, ok ka lang ba?" Muling tanong niya, bago nilapag ang pagkain naming dalawa sa harapan.




"O-oo naman, inaantok lang talaga ako kanina." Pagdadahilan ko.




"Oh ito na yung paborito mong palabok!" Masayang sabi nito, alam kasi niya na ito ang order ko palagi.




Agad akong napakunot ng noo at napatingin sa palabok, nasasagwaan ako nang hindi ko alam kung bakit at naamoy ko pa dahil bagong luto kadiri! Agad akong napatakip sa aking ilong.




"Kadiri! Ayaw ko niyan!" Nandidiring ani ko, nagtaka naman agad si Dixy saakin.




"Huh? Ito yung paborito mong palabok- si nang Julie pa ang nagluto nito, tapos hindi din naman panis? Bakit ayaw mo?" Takang tanong nito, mas lalo lang akong nandiri kahit yung salitang 'palabok' nakakadiri na.




"Basta ayaw ko niyan!" Diring sigaw ko, nalanghap ko pa ang amoy nito kaya naduwal ako.

SENDEVAS 1:  Horizon of our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon