Chapter 2

20 0 0
                                    

R-18 WARNING

I DO NOT PROMOTE TEENAGE PREGNANCY, OR ANY RECKLESS DECISION OF A TEENAGER. THIS IS ONLY PART OF THE PLOT  NOTHING MORE NOTHING LESS.

Votes and Comments are highly appreciated.

:))

--




Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko, nakasuot ako ng v-neck croptop na color black, at naka bootcut jeans. Nagsuot lang ako ng slight na make-up, bago ko kinuha ang susi ng motor ko. 




Pinaharurot ko lang ang motor ko sa labas ng gate, kaya nag mamadaling binuksan ng mga guard ito. Napangisi na lang ako sa likod nitong helmet ko, siguradong paguwi ko papatayin ako ng mga kapatid ko.




Pinagsabihan na kasi nila ako na tigilan na ang kakatakas, ako ang pinaka matigas ang ulo sakanila. Kaya ano namang magagawa nila? Ni hindi nga nag aabala sila Mommy, pero sila super strict.




Minsan kasi napapaway ako, kung hindi naman napapaaway ay anong oras na ako umuuwi. Kahit ipahaanap nila ako, nauutakan ko pa din sila. 




HUB CLUB pagbasa ko sa karatola na umiilaw pa, rinig na rinig sa labas ang ingay mula sa loob. Isa ito sa pinaka sikat na bar club dito saamin, pumasok na ako sa loob. At amoy na amoy ko na ang mga sigarilyo, iba't ibang inumin, at ang mga amoy ng iba't ibang pabango. Kung hindi ako sanay sa lugar na ito, mahihimatay talaga ako. 




Agad akong pumunta sa tambayan namin, alam ko na andoon na ang mga taong nag hihintay saakin. At tama nga ako, naglalaro na naman sila ng billiards.




"Omyghad! Bitch!!!!" Sigaw ni Narjil noong makita niya ako, patakbo itong yumakap saakin. 




Nakita ko naman ang nakangising si Wendy habang nakasandal sa billiard table at may hawak na cue stick, walang pinagbago maangas pa din ang presensya niya.




"Narj baka bumitaw kana ano?" Sarkastikang sabi ni Wendy dito.




"Eh! Namiss ko itong babaitang toh! Bakla ka ang tagal mong hindi pumunta dito!" Sabi nit bago humiwalay sa mahigpit na pagyakap niya saakin, ngumiti lang ako dito. 




Kumuha ako ng cue stick at isang inumin, bago sinabing ayusin ulit ang mga billiard balls.




"Ay! Yan ang gusto ko pag naglalaban kayo ni Wendy! Ang matalo iinom ng isang boteng Red Horse!" 




Sabay kaming napangiwi ni Wendy, Red Horse pa nga.




Nauna si Wendy kesa saakin kaya naman siya ang unang tumira, sunod-sunod ang pagpasok niya ng bola. Pero noong isasapol niya na sana ang bolang number 6 sumabay pa siya, napangisi ako sakaniya at nakita ko na napalunok ito. 




"Wahhh! Bakit ka nagpatalo gaga ka! Hindi kana niyan papatayuin!" 




Nilagyan ko muna ang cue stick ko ng billiard chalk, bago ko pinusesyon ang katawan ko para makita ko kung ano ba ang tamang anggulo. 




At gaya nga nang inaasahan ko lahat ng bolang gusto kong mapapasok, ay walang kahirap hirap na shoot ang bola. Habang hinahanapan ko ng anggulo ang number 15 na bola, ay bigla akong napatingin sa kabilang table, may isang lalake doon na nakatitig saakin habang umiinom ng inumin niya.




Noong nagkatitigan kami, ay bigla itong ngumisi. Ngumisi din ako pabalik sakaniya, ngunit hindi ko alam kung bakit parang hihigupin ako ng mga mata niya. 




SENDEVAS 1:  Horizon of our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon