Chapter 1

24 0 0
                                    

"Aba gago kaba?!" Sigaw ko sa lalakeng nasa harapan ko ngayon, napaka walang kwenta nang eksplanasyon niya!






"Please stop na Eda, we are making a scene. Hayaan mo na." Bulong naman saakin ng kapatid ko na si Alisha, pilit ako nitong hinihila sa braso.






"Hindi tarantado 'to eh! Hoy! Sino ka para gaguhin itong kapatid ko! Napakapangit mo na nga, manloloko kapa?! And you have the audacity, na ipagkalat na natikman mo siya sa kama! Dati kabang pukinang ina noon?!" Sigaw ko dito, halata na din ang pagdami ng tao na pumapalibot saamin.






Dumudugo nga ang gilid ng labi nito, dahil talagang sinapak ko. Huling huli sa akto na pinagkakalat niya iyon sa lahat, rinig na rinig ko pa siya. At itong kapatid ko, hindi man lang kayang ipagtanggol ang sarili niya! Masyadong mabait!






"Ikaw na tomboy ka!" Sigaw din nito, lalapit sana ito. Pero may mga ka tropa siyang pinipigilan siya.






"Eda please stop na, just let it go come on!" Bulong saakin ni Alisha, pero hindi talaga ako na sindak na umalis sa pwesto ko.






"Bakit gustong gusto mong umalis agad Alisha?"






Napatingin kami dalawa sa lalakeng sinapak ko kanina, nakangisi na ito ngayon. Mas lalo kong nakuyom ang kamao ko, tarantado talaga.






"Kasi alam mong totoo diba? Na ang isang Alisha Sendevas, ay isang malandi at mabilis lang ma ikama!" Proud na proud na sabi niya.






Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya, parang biglang dumilim ang paningin ko. Sinasagad talaga ako ng hayop na ito! Sa bilis nang ikinilos ko, hindi niya na ilagan ang muling pagsapak ko sa muka niya. Napahiga pa ito, at ang mamahaling gucci shirt niya. Ay ngayon puro mantsa na.






Hindi ko tinigilan ang pagsapak dito, may mga humihila na saakin. Pero hindi ako nag papaawat, gusto kong basagin ang muka niya!






"Eda!"






Hindi ko pinakinggan ang kung sino mang tumawag saakin, basta ang alam ko ay may pumulupot na braso sa bewang ko. At pwersahan akong hinila palayo,nung una nag pupumiglas ako;  ngunit kalaunan nag pahila na lamang ako lalo pa at nakita ko na ang muka n'yang may pasa at dugo.






Hinila lang ako nito palayo, hanggang sa wala na kami sa kumpulang tao. Noong makarating na kami sa wala masyadong tao, ay kitang kita ko ang pag-aalala ni Kuya Ziel, sinisipat pa ang buong katawan ko.






"Eda palaaway! Anak ng pucha, bakit mo sinapak?! Dapat hindi!" Sabi pa nito, agad ko itong sinamaan nang tingin. Mang bu-bwiset na naman ito.






"Tarantado kaba kuya?" Pilit kong pagiging malumanay na sabi ko sakanya, may respeto pa din ako sakanya.






"Hindi, pero anyways dapat hindi mo sinapak! Dapat sinaksak mo sa tagiliran!" Pag su-suggest pa nito, sasagutin ko sana ito nang marinig ko ang mga hikib ni Alisha sa likod niya.






Agad akong lumapit kay Alisha bago ko hinawakan ang pisngi nito, tuloy tuloy ang luha sa mga mata niya. Mas lalo lang umiinit ang dugo ko, kasalanan ng tarantadong lalakeng iyon!






"I-it w-was not true..." Pabulong na sabi niya, hanggang sa lumakas na ang paghikib niya.






Naramdaman ko ang pagtingin ng ibang taong dumadaan sakanya, kaya naman sinubsob ko ang muka nito sa balikat ko. Hinayaan ko lang siyang umiyak, at ito namang kuya kong mukang aso. Ang lalim nang iniisip, habang nakatulala sa umiiyak na si Alisha. Hindi ko alam anong iniisip niya, pero maya-maya lang ay tumalikod na ito. At may tinawagan sa telepono niya.






SENDEVAS 1:  Horizon of our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon