Votes and Comments are highly Appreciated!
--
After 6 years.
Napatingin ako sa dalawang anak ko na nanunuod ng tv sa may sala, nag hiwa ako ng mga putahing ihahalo sa paborito nilang ulam. Ang menudo, tumalikod muna ako sa gawi nila upang ihanda ang lutuan ko.
"Archiel Venuella, aminadong ikakasal na sa kanyang long time partner na isang model na si Jovelyn Mendez. Ayun sa kaniyang latest interview, ay excited siya na pakasalan ang babaeng minahal niya sa buong buhay niya."
Napatigil ako at napatingin sa TV lumabas doon ang muka niya, dali-dali kong nilipat ang channel noong makita ko ang mga anak ko na nakatitig sakaniya.
"Ma, bakit niyo po nilipat?"
Napatingin ako kay Kairo halata sa muka niya ang pagtataka, nagpilit ako nang ngite.
"Wala naman para hindi boring pinapanood niyo, tignan niyo oh Detective Conan na pala."
"Ma ang pogi talaga nung Archiel hehehe!"
Napatingin naman ako kay Eileen, kinikilig ito at namumula. Napapikit na lang ako sasakalin ko talaga sila Narj. MInsan kung ano anong tinuturo nila sa anak ko.
[FLASHBACK]
"Sabihin mo nga beh, Pogi ni fafa Archiel!" Nanlake ang mata ko noong marinig ko ang tinuturo ni Narj sa anak ko.
"Pogi ni fafa Archiel!" Masayang sabi ng anak ko.
Pumalakpak naman si Narj at tawa naman nang tawa si Wendy.
"Pero Mami Narj sino po si Archiel?" Tanong naman ni Kairo.
"Ah Kai and Eileen kain na kayo." Sumingit na ako bago pa kung ano ang sabihin ni Narj sa mga anak ko.
Noong kumakain na ang mga anak ko at wala na sila sa harapan namin, nakurot ko sa tagiliran si Narj.
"Aw! Mamshie stop that ang sakit!" Pamimilipit nito sa sakit.
"Sinabihan kita mag tigil ka talaga Narj, ayaw ko nga na makilala nila ang lalakeng yun!" Inis na sigaw ko.
"Oo na mamshie sorry na, ito naman! Bakit hindi ba totoong pogi ang tatay nila? Eh ikaw nga na nanay binigay ang bataan!" Hahampasin ko sana siya ng hawak kong sandok, ngunit nakatakbo na ito at ginawang harang si Wendy.
"Hay! Magsitigil na nga kayo diyan!" Sigaw naman ni Wendy, napanguso naman si Narj at napairap naman ako sa kawalan.
"Pero pogi naman talaga s-"
Nagsitigil sila at tumakbo noong binato ko ang sandok sa kanilang dalawa, bwiset haist!
--
Natatakot lang naman ako na malaman ng mga anak ko ang totoo, ayaw ko na umasa sila. Dahil alam ko na hindi sila papanagutan ng tatay nila. Doon pa nga lang sa parte na ginawa niya yun saakin ay isang malakeng sampal na, hindi ko kakayanin kung ang mga anak ko naman ang ganuni niya.
Sa loob ng limang taon ginugol ko ang oras ko sa mga anak ko, trabaho dito trabaho doon, lahat ng raket pinasok ko. Basta lang mabigyan ko ng magandang buhay ang mga anak ko, minsan nakikita nila ang kapamilya nila sa tv pero hindi nila alam ang patungkol sa pagiging Sendevas nila.

BINABASA MO ANG
SENDEVAS 1: Horizon of our Hearts
Teen FictionSendevas Series #1 Being the youngest in the family was pretty hard for Edayel, she loves to break the rules and be ruthless in her decision. She is outgoing, she loves to party, and to enjoy her teenage life. But because of that one mistake on that...