Chapter 8

8 0 0
                                    


Votes and Comments are highly appreciated!

--

"Hi Tito Arciluz!" Tuwang tuwa naman ang anak ko noong hagkan nila si Arc.




Limang buwan na kaming magkakilala, at sa limang buwan na iyon naging mag close kami. Makulit kasi siya, kaya ayun hanggang sa naging magkaibigan kaming dalawa. Si Arciluz ay isang half American at half Filipino, ang kaniyang tatay na si Mayor Archival Ladez. At ang kaniyang ina na Amerikana, si Anthonia Nicolet West. 




Tuwang tuwa rin ang kambal sakaniya, hindi ko alam kung bakit pero parang mas paborito pa nila si Arc kesa saakin na nanay nila. Nakakaselos na nga eh.




"Yung nguso mo pwede nasabitan ng kawali! WHAHAHAHHA!"




Nairita naman ako noong simulan na naman niya ang pangaasar niya, bwiset! Pati ang mga anak ko ay natawa dahil sa sinabi niya, nabato ko tuloy siya ng popcorn na kinakain ko.




"Ma bakit po ba kasi kayo nakanguso? Nag seselos po ba kayo?" Tanong naman ni Kairo saakin. 




Habit ko talaga yun simula noon pag nag seselos, naiinis, o busy ako ay nakanguso ako. Kaya noon nahahalata agad ang emosyon ko eh, dahil sa habit ko na pagnguso.




"Ohh! Nag seselos ka? Bakit naman?" Nagpipigil nang tawa si Arc, kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.




"Manahimik kanalang Arciluz!" Inis na sabi ko dito, bago humarap sa TV.




Kaso mali ata na humarap pa ako natigilan ako dahil nakita ko na naman siya, ganun din si Arciluz. Hindi alam ni Arc na siya ang ama ng mga anak ko, ayaw ko din ipaalam. Hindi naman kailangan lahat ikwento ko, at isa pa limang buwan pa lang kaming nagsasama hindi pa dapat gaano agad-agad magtiwala. 




"Archiel Venuella ay minataan na bilang isang Youngest Billionaire in Asia, sa edad na 26 year old. Ayon sa kaniyang latest interview sa BDG ay hindi niya umano akalain na magiging successful ang kaniyang pag handle ng Venuella Corporation sa loob lamang ng tatlong taon, isa din siya sa minataan na pinaka mabilis na naging isang successful business man sa corporate world ngayong taon." 




Napatanga naman ako sa narinig ko, grabe ganun siya kagaling sa corporate world? Nagawa niyang maging bilyonaryo sa loob ng tatlong taon? Gaano kagaling kaya ang time management ng lalakeng yun, may iba nga ay sampo or more than ten pa bago maging successful sa business world. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SENDEVAS 1:  Horizon of our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon