Votes and Comments are highly Appreciated!
--
Panglimang beses na ata akong nag du-duwal dito sa cubicle ng school, marami ng sign na mga lumalabas sa pagbubuntis ko. Gaya ng mga cravings, pagduduwal, moody. Kaya napapaiyak ako minsan dahil ako lang mag-isang aako nito lahat, natatakot ako sa mga posibleng mangyare sa hinaharap. Pero dahil ma swerte ako kila Narj at Wendy, gumagaan kahit papaano ang pakiramdam ko.
Matamlay akong nag lakad sa campus, patapos na rin naman ang class ko kaya mag skip na ako sa huling subject ko.
Simula nung nalaman ko na buntis ako, hindi na ako nag mo-motor. Nag drive na lang ako ng kotse para mas safe, hindi ko na rin pinapagod ang sarili ko masyado.
Naisipan kong mag mall at pumunta sa department store, nag search ako ng mga bagay na makakatulong saakin. Gaya ng mga damit ng bata pag first born, ano ba ang dapat kainin pag buntis, at kung ano-ano pa na makakatulong saakin.
Sinuot ko ang shade ko bago ako lumabas, ngunit ganun na lang ang gulat ko ng may paparazzi ang nakasunod saakin.
"Edayel ano ang reaksyon mo sa mga aligasyon patungkol sa pamilya ninyo? Totoo bang magnanakaw ang pamilya ninyo?"
Hindi na ako makagalaw sa pwesto ko, talagang hindi nila ako tatantanan.
"Edayel alam mo ba na nag concert ang kapatid mo ngayon sa Canada? Napanood mo ba ang live concert niya?"
Puro flash ng camera, sanay naman na ako dahil nung bata ako ganito na rin ang nangyayare. Pero may issue siguro sa kumpanya kaya busy sila Mom, nag kalat na naman sila.
"Can you stop pointing your camera?" Sabi ko doon sa mga may hawak ng camera, pero hindi sila nakinig.
Umatras ako at hinawakan ang tyan ko, matakot ako na baka mapahamak kami ng anak ko. Ang bobo ko naman at pumunta ako sa public place with no security, pumasok na lang ako sa kotse at pinaandar ito. Mukang di ako makakapag mall eh.
Nangyare na ito dati 10 years ago, ang mga aligasyon sa pamilya namin na magnanakaw kami kaya kami mayaman. Na ang mga magulang ko ay hindi pinaghirapan lahat ng mga bagay na nasa kanila ngayon. Pero hindi iyon totoo, mas umusbong ang isyu noong naging sikat ang dalawang kapatid ko.

BINABASA MO ANG
SENDEVAS 1: Horizon of our Hearts
Teen FictionSendevas Series #1 Being the youngest in the family was pretty hard for Edayel, she loves to break the rules and be ruthless in her decision. She is outgoing, she loves to party, and to enjoy her teenage life. But because of that one mistake on that...