Chapter 1. OH MY SIOMAI!!!

230 45 37
                                    


Kelly's POV

Ang ganda ng sikat ng araw na pumapasok sa kwarto ko na siyang gumising sakin, bumangon ako at humikab.. "Goodmorning sunshine!" kahit inaantok pa ako, agad akong bumaba dahil naaamoy ko na ang siomai na niluluto ni mama! Sigurado masarap yun! habang nakapikit ako, bumaba ako at sinusundan ko yung amoy ng siomai... feel na feel ko pa hanggang sa..

"Aray! Ilong ko! huhu" napahawak ako sa ilong ko kasi bumangga na pala ako sa may ref namin. 

"Ano ba kasi yang ginagawa mo anak? Bakit nakapikit kang naglalakad?" tanong ni papa na natatawa pa

"Sinusundan ko kasi yung amoy ng siomai! Eh nakakainis yung ref eh, alam ng dadaan ako di manlang umiwas! Ma! Patikim na oh!"

"Hahaha sinisi mo pa talaga yung ref huh?" kumuha na ko ng siomai at isusubo ko na sana kaso biglang sumigaw yung kuya ko, si Karl ng..

"Hala Kelay! Wala ka ng ilong oh! Napipi na!" agad ko namang sinubo yung siomai para mabitawan ko na yung tinidor para mahawakan ko yung ilong ko kung nawala nga kaso..

"Nandito pa naman yung ilong k-wahhhhhh!" napasigaw ako dahil napaso yung dila ko sa siomai! Ang init pa pala nun! agad kong niluwa yung siomai sa may lababo at uminom ng maraming tubig. Pag harap ko sakanila tawa padin sila ng tawa

"Nakita mo ba yung itsura ni Kelay papa? Hahahaha laughtrip talaga!" si kuya Karl yan 

"Oo anak! Hahaha Kelay wag kang sisigaw ng ganun pag ibang tao ang kaharap mo huh? Ang panget mong tignan pag ganun itsura mo eh! Hahahaha" mas lalo pa silang nagtawanan sa sinabi ni papa *cross arms* hmp magsama sila ni kuya! Tumingin ako kay mama at napatingin din siya sakin na nakangiti lang, buti pa si mama di ako inaasar!

"Ako anak hindi kita tatawanan- pfffft teka pfffft hahahaha! Sorry anak, di ko nakayanan eh nakakatawa talga itsura mo kanina! hahaha" akala ko lang pala yun, hay magsama sama sila! Pero kahit ganyan sila, mahal na mahal ko yang mga yan! At alam ko na ganun din sila sakin. Simple lang ang buhay namin, di kami mayaman pero okay lang sakin basta't lagi kaming masaya at kumpleto kami.

Bigla naman dumating ang bunso kong kapatid, Si Kiko, ang cute at mataba este malusog kong kapatid! Siya lang ang lagi kong kakampi dito sa bahay, lagi niya akong pinagtatanggol kapag inaasar ako nina kuya. Ewan ko ba? Mahal na mahal ako niyan eh!Bagong gising palang siya at nagkukusot kusot pa ng mata

"Goodmorning bunsoy!" bati ko sakanya

"Goodmorning din ate! Ang ganda mo ngayon!" see? sabi sainyo mahal ako niyan eh! 

"Syempre naman Kiko! At magkamuka tayo! Halika, inaaway ako nina kuya ohh.."

"Ang bad bad mo talaga kuya! Lagi mo inaaway si ate!"

"Nagseselos lang yan si kuya Karl anak.." sabi ni mama na nakangiti pa kay kuya.. Close sila ni mama eh. Nagseselos nga kaya si kuya? Awww

"H-hoy mama! Di ako nagseselos noh! Edi magsama silang mga panget!"

"Kiko, nagseselos daw si kuya satin ohh.. Lambingin mo nga si kuya!"

"Ayoko ate! Ayoko ng mga selosong lalaki! Ang bakla!"

"Hahaha! Bakla ka pala kuya eh! Hahaha"

"Hindi ako bakla! Ang dami ko na ngang napaiyak na babae eh!"

"Umiyak sila kasi nalaman na bakla ka!"

"Hoy Kiko! Hindi nga sabi!"

"Bakla si kuya Karl!" asar namin ni Kiko kay kuya

"Humanda kayo saking dalawa!"

"Waaahh! ayan na si kuya!!"

Maya maya pagkatapos namin kumain ay naligo at nagbihis na din ako ng pampasok sa school, wala kaming uniform kaya nakasuot lang ako ng flannel at white sando sa loob at pants tapos converse shoes lang ang suot ko. Ako nga pala si Kelly Andrea Macatangay. 17 years old. 2 months since naging first year BSTM student sa Dela Luna University(DLU), private school siya, at isa siya sa malaki at magandang school dito sa Ilo-Ilo, swerte ko nga at nakapasok ako doon eh. Scholar lang kasi ako, tulad nga ng sinabi ko kanina, hindi kami mayaman pero pangarap nina mama at papa na pagaralin ako sa mamahaling school kaso hindi nila kaya kaya nagpursige ako sa pagaaral at ayun! Jackpot! Naging scholar ako sa school na ito. Si kuya Karl naman eh naghinto na sa pagaaral dahil hindi na nakaya nina mama, hindi naman kasi siya tulad ko na scholar lang. Kaya ayun, okay naman sakanya at mas pinili niya nalang din magtrabaho, ngayon eh paracket racket siya dyan sa tabi tabi.

Pero may sikreto akong ginagawa sa school, nagbebenta ako ng siomai ng patago. Akala niyo ba drugs? Nako hindi no! Di ako adik, pero baliw oo! Hahahaha teka- mabalik tayo dun sa pag bebenta ko ng siomai, oo nagtitinda ako ng siomai sa school, mabait naman ako at kasundo ko yung mga kaklase at kaschoolmates ko kaya di nila ko sinusumbong sa principal at umoorder din sila sakin ng siomai araw araw! Masarap kasi yung luto namin ni mama eh, favorite na nga daw nila yan eh haha! Ganyan talaga kapag nagluluto ka ng may kasamang pagmamahal! Wee! Cheesy!

"Oh anak ready na itong mga ititinda mo sa school niyo oh. Ingatan mo yan huh? Mag ingat ka sa pagtitinda dun, wag ka papahuli. Sure ako marami kang mabebenta nyan ngayon!" Si mama yan, araw araw yan ang sinasabi niya sakin kada paalis nako ng bahay. Nung una ayaw pa ni mama yung naisip ko na magtinda ng palihim sa school namin kasi nga baka matanggal ang scholarship ko pero ako yung nagpumilit. Gusto ko na kasi makatulong kina mama at papa eh. Tsaka para hindi na ako hihingi ng allowance sakanila, yung kikitain ko yun yung mga pambili ko ng gusto at kailangan ko sa school, kaya pumayag na din si mama.

"Opo mama! Iingatan ko tong mga masasarap na siomai! Sige po, alis na po ako, bye mama! Papa, kuya Karl, bunsoy! alis na po ako! Mwa!" nag flying kiss pa ako sakanila. Ang sarap talaga ng feeling kapag inspired ka! Sa magulang huh? Hindi sa love life, speaking of love life... Wala ako nun ngayon, at wala akong balak magkaroon pa ulit. Ulit? oo, nakita ko na si the one dati kaso sinaktan niya lang ako.. kaya ngayon, wala na. Wala na yung the one ko. Makakahanap pa kaya ako ulit? Next time ko na ikekwento sainyo kung bakit. Long story yun eh, baka maiyak pa ko. Ay teka! Malelate na pala ako! Binilisan ko na ang paglalakad ko..

"Sir! Bumalik ka po dito! Sir!" ganyan yung mga naririnig ko na sinasabi ng mga... nurse?! Oo, may mga makakasalubong kasi akong mga nurse tapos may hinahabol sila, alam ko nurse sila, nakauniform sila ng pang nurse eh. Yung hinahabol nila, nakasuot ng pampasyenteng damit, pasyente nga siguro. Kaso nagbabike siya.. at yung bike niya palapit ng palapit sa direksyon ko! Shemay! Sasagasaan ba ako nito? Hala! Ang bilis niya! Paliko liko yung bike niya, di niya siguro alam kung paano ako iiwasan, papunta na sana ko sa kabilang direksyon kaso dun din siya pumunta! In the end.. nabangga niya ko!

"Ahhh! ang sakit!" sigaw nung lalaki na nakabangga sakin, nahulog din kasi siya sa bike niya. Tinignan ko naman yung sarili ko, okay naman kaso yung mga siomai...YUNG MGA SIOMAI!!

"WAAAHHHH! yung mga siomai ko!" lahat kasi ng siomai na dala ko, nahulog sa kalsada! Ngayon ang dudumi na nila! Paano ko pa maibebenta to?! nakita kong patayo na yung lalaki na nakabangga sakin at pasakay na ulit sa bike niya pero bago siya makaalis, hinawakan ko yung damit niya!

"Hoy! Saan ka pupunta?! Yung mga siomai ko oh! Natapon lahat dahil sayo! Paano ko pa ibebenta yan?! Bayaran mo! Bayaran mo lahat yan!" niyuyugyog ko pa yung damit niya at sinisigawan ko na siya, ugh! naiinis ako sa lalaking to! Sayang yung mga siomai!

"Ugh! miss next time ko na babayaran yang mga yan! Bitawan mo na ko bilis! May humahabol sakin! Bitaw!" lumingon siya sakin at sinabi yan, Wow. Ang pogi niya.. pero hindi! Kasalanan nya pa din kung bakit nahulog yung mga siomai! Bayaran niya dapat!

"Anong next time?! paano mo ko mababayaran eh kung hahayaan kitang makatakas?! Ano ako tanga?! Bayaran mo to! Bayaran mo!"

"Ugh miss! bitaw na sabi!"

"Hindi! Bayaran mo to!"

"Bitawan mo na ko! Arggh!"

"Hindi! Ayoko! Bayaran mo muna ako!"

"Sabi nang bitaw eh!" pagkasabi niya nyan, tinulak niya ko ng malakas dahilan para mapaupo ako at mabitawan ko siya. Aba! Bwisit yung mokong na yun ah! Ang sakit ng pwet ko ha! Ang dami niya nang kasalanan sakin! Sumusobra na siya!!

"Hoy! Bwisit ka! Pagbabayaran mo to! Makita lang talaga ulit kita! Ughh! Bwisit! Bwisit!!" binato ko pa siya ng isa kong sapatos, kaso hindi na siya inabot, nakaalis na siya! Pasalamat siya hindi ko siya mahabol dahil nakabike siya! Nako talaga! Yung mga nurse ayun, tumigil na din sa paghabol sakanya.

"Nako! Paano na to? wala na kong maibebenta! Sayang yung mga siomai!" naiiyak na ko habang pinupulot ko yung madudumi nang siomai. Sayang talaga. Patay ako kay mama neto. Ang dami ko sanang benta ngayon kung di lang dahil diyan sa lalaki na yan! Humanda lang talaga siya sakin pag nakita ko siya! Arggggh!!
-----------------------------------

Comment and vote po! Sana magustuhan niyo! ^_^

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon