Chapter 5. Homeboy part 2

129 34 15
                                    

Kelly's POV

Kasalukuyan kong pinapaliguan si Kiko ngayon dito sa cr, saan pa ba? Binibilisan ko na kasi malelate na ako sa klase ko!

"Kiko bunsoy.. konting bilis huh?! Malelate na kasi si ate ehh" -sabi ko habang shinashampuhan ko siya.

"Saan ka pupunta ate?"

"May pasok ako sa school"

"Ate wag kana pumasok please."

"Huh? Bakit naman?"

"Eh kasi gusto ko kasama kita lagi."

"Yiieee ang sweet naman ng baby ko! Pakiss nga!"

"Ehhh ate no! Hindi na ako baby ok? Tsaka ako na nga ang magpprotekta sayo eh *smile ng napakacute*"

"Thank you Kiko! Pero para sakin ikaw ang pinaka cute na baby ko eh!"

"Hayy bahala ka ate. Ikaw naman ang masusunod hehe. "

"Very good! Oh eto banlaw na para matapos kana at makaalis na ako papuntang school!" Tapos binuhusan ko na siya ng tubig pero nagsasalita pa din siya..

"Te-ka a-ate! abjklsbhds a-tee! Ta-ta- skihdbxhns pa a-ko!" ano daw sabi niya? Hindi ko maintindihan... tatanungin ko pa sana kaso nagmamadali na talaga ako eh.

Si mama kasi maagang umalis kasama si papa, may inaasikaso daw sila ni papa kaya wala sila lagi dito sa bahay.. pero sabi nila babalik naman daw sila bago maggabi eh, kaya okay lang na iwan ko muna siya dito kay Ae. Si kuya naman ayun, nagsleep over sa kabarkada niya, di pa siya umuuwi simula kagabi.. nagtampo kaya samin ni Kiko yun? Hahaha ang drama niya kasi.

"Kiko mamaya na tayo maglambingan huh? Oh mag towel kana! Dali! Tapos andyan na yung mga damit mo sa may lamesa, kailangan ko na talagang pumasok! Waaah late na ako!" Tapos sinuot ko na yung sapatos ko, buti nalang nakabihis na ako.. medyo basa pa ng konti yung t-shirt ko tsk. Tapos kinuha ko na din yung bag ng shomai at dali dali ng lumabas

"Bye Kiko! Bihis ka na jan huh?! Byee lab ka ni ate!" Tapos nag flying kiss pa ako sakanya.. pero yung muka niya di maipinta.. parang may kung ano? Eh basta! Nandun naman si Ae magbabantay sakanya! Papasok na ako waahh late na ako!

Kiko's POV

Hello sa inyo! Ako si Kiko, sabi ng ate ko.. cute,mabait,matalino,mataba-- ay pwede tanggalin ko nalang yung mataba? May cute naman eh, pareho lang namam yun hihi. Kung akala niyo isa akong ordinaryong bata na madaldal, nagkakamali kayo! Kahit 5 years old palang kasi ako, kung magisip daw ako parang 15 na! Hehehe pero sabi ni mama isip bata pa din naman daw yung ganung edad.. atleast mas matanda sa 5 years old diba? Ayaw ko kasi ng binibaby ako... lalo na pagdating kay ate. Sana mga mas matanda ako sakanya eh, kasi gustong gusto ko siyang protektahan at alagaan, ayaw ko kase nakikita si ate na malungkot eh, katulad ng dati..

(prrrrrrt*nautot*.) ay teka.. natatae nga pala ako! Eto yung kanina ko pa gusto sabihin kay ate, kaso di ko nasabi! Paano ako tatae neto walang maghuhugas ng pwet ko!

"Ugh di ko na talaga kaya! La-labas na talaga (prrrrrt) Ate! A-ate! Natatae na ako! Te-ka lang ateee!" Sinisigawan ko na si ate sa labas ng bahay namin pero palayo lang siya ng palayo eh :( late na ba talaga siya? Sino ba mas uunahin niya? Teacher niyang gurang na o akong kapatid niya na cute-mabait-matalino-mata-- basta cute ulit!

"A-teeeee! Buma-lik ka pleaseeeee!" sigaw na ako ng sigaw kahit wala na siya huhuhu naiiyak na ako, ate naman ehhhh!

"Ugh! Ang ingay ingay mong bata ka! Ang aga aga oh! Tsk!" si kuya pogi! Nakalimutan ko si kuya pogi! Nandito pala siya! Pero bakit ang sungit niya sakin ngayon? Sabagay bagong gising..hayaan na nga.. palalampasin ko muna pagsusungit niya sakin.. kailangan ko siya ngayon eh.

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon