Kelly's POV
"Anong pangalan mo?!"
"Saan ka nakatira?!"
"Pano ka napadpad dito?!"
"Kuya artista kaba? Ang pogi mo eh! Hihihi" lahat kami tumingin ng masama kay Ella nung sinabi niya yan. Crush niya talaga tong lalaking to?!
"Hindi yan artista! Hindi ko kilala eh" sagot ni Kuya Karl
"Palibhasa mga matatanda na kasi yung kilala mong artista! Makaluma ka kasi!" asar naman sakanya ni Ryan.
"Aba? Kunwari kapa! Napopogian ka din siguro jan sa lalaking yan no?! tsk tsk sinasabi ko na nga ba eh" ayan nanaman sila
"Hoy! Hindi nga sabi ako bakla eh!" sigaw ni Ryan kay Kuya
"May sinabi ba akong bakla ka? Porket napopogian ang lalaki sa ibang lalaki bakla agad? Di ba pwede naiinsecure muna? Masyado kang defensive huh? mas lalo kang napaghahalataan eh hahahaha" sasagot pa sana si Ryan pero inunahan ko na siya
"Tama na nga yan kuya at Ryan! Hoy lalaki! Ano nga bang pangalan mo?!" sasagot na sana yung lalaki kaso nagsalita naman to si Ella
"Kuya ano number mo? Can you be my textmate? *winks* " ang landi pa ng pagkasabi niya nyan.
"Sino una kong sasagutin sa inyong dalawa?" tanong ni lalaki. Ang taray niya huh?
"Ako!" -sabi ni Ella
"Ako muna!" -sabi ko naman
"Ako nga muna eh!"
"Ako nauna magtanong eh!"
"Sige na ako muna!"
"Ibibili kita ng ice cream mamaya basta ako muna yung magtatanong!"
"Ako muna magta--ice cream? Sige sige promise yan ah? Oh yan ikaw na mauna magtanong! Bilis! Go!" ayan! Buti naman at uto uto siya. Humarap na ulit ako dun sa lalaki at magsasalita na sana ako ng biglang...
"Iho ano nga ba ang iyong pangalan?" biglang sumagot si mama, tinawanan naman ako nina Kuya.
"Hindi ko alam." huh?
"Mama ayusin mo yung pagtatanong sa kanya! Mukang hindi niya naintindihan yung tanong mo eh" -kuya Karl
"Ako na nga lang magtatanong.. Bata uulitin ko ha? Ano ang pangalan mo?" si papa na yan. Hinihintay namin siyang magsalita... ang tagal niya sumagot..
"Hindi ko alam."
"Pangalan mo hindi mo alam? Haha nagpapatawa ka ba?" -sabi ni Kuya Karl
"Baka ginagaya niya si Janet Napoles! Ehem ehem 'Hindi ko po alam' Hahahaha" si Ryan yan, ginaya niya pa yung boses pambabae
"Hay, parang nakakaamoy ako ng mais..naamoy niyo din ba?" -Si kuya Karl, inaasar niya nanaman si Ryan
"Oo nga no Karl? Hahaha" -sabi ni Ella
"Ikaw Kelay naamoy mo ba yun?" tumingin sakin si Ryan tapos sinamaan niya ko ng tingin
"No comment" sinamaan din kasi ako ng tingin ni kuya. Di ko alam kung sino kakampihan ko sakanila eh.
"Psh kj talaga" tinarayan ako ni kuya Karl
"Ugh. I'm starving" bigla naman nagsalita yung lalaki na yun, ay nandyan pala siya.
"Ahh osige, ipaghahanda kita ng pagkain teka lang. Ay Karl! Pahiramin mo nga muna siya ng mga damit mo.. sige na! Para makapag palit na siya" -mama. Agad namang kumuha si kuya ng mga extra niyang damit at ipinahiram kay ugh. Ano ba kasi pangalan niya? tsk basta dun sa lalaking yun