Chapter 6. Girlfriend

88 30 9
                                    


Kelly's POV

Nandito ako ngayon sa school kasama si Ella, kakatapos lang ng 2nd subject namin at 2 hours vacant ko na pagkatapos. Si Ella 1 hour break lang, di kasi kami pareho ng sched eh. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang canteen para kumain.

"Grabe talaga yun si Ryan! Hindi manlang nagpasabi na ngayon na agad yung alis niya! Di tuloy natin siya naihatid manlang!"-sabi ni Ella.

"Oo nga eh. Saan kaya yun pupunta? Sa ibang bansa kaya?" -Sabi ko.

"Abay ewan ko! Hindi nga satin sinabi diba?"-sabi ni Ella.

"Eto naman! Napakaano talaga eh"

"Oh bakit? Eh hindi ko naman talaga alam! Di nga satin sinabi diba?"

"Eh pwede naman kasing sabihin mo na 'Siguro sa ibang bansa nga? Oh baka sa Maynila lang?' yung ganyan!"

"Ewan ko sayo Kelly."

"Oo nga pala! Alam mo ba medyo weird pa nga siya kahapon kasi bago siya umuwi may sina--" -hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi nakarinig kami ng sigawan. Ay hindi, tilian pala ng mga babaeng kinikilig!

"Bebs Kelly bakit kaya sila nagtitilian dun?" -sabi ni Ella.

"Abay malay ko! Wala naman ako dun diba? Kita mong magkasama tayo eh!"

"Ginaya mo lang ako eh! Tara na nga puntahan nalang natin!" At hinila niya na ko papunta dun sa mga babae.

"Excuse me po. Ano po meron?" -tanong ko yan dun sa mga babaeng nagtitilian. Nandito kasi kami sa pinakalikod nakikipagsiksikan. Kaso di parin namin makita ni Ella kung ano pinagkakaguluhan nila. Tinanong ko pa ulit si ate kaso di niya ata ako marinig. Grabe naman kasi yung sigawan.

"Ang tanga naman kasi magtanong Kelly no? Kita mong nagsisigawan dito ganyan kapa kahinhin magtanong!"-sigaw sakin ni Ella

"Oh edi ikaw magtanong!"

"Ate!!! ate!!! Ano ba meron?!! May artista ba?!!" -nagulat naman yung ateng pinagtanungan ni Ella, sigawan ba naman sa tenga with matching malakas na kalabit pa ha.

"Kahit kami ate hindi namin alam kung artista siya eh!!! Bagong transferee!!! Sobrang pogi!!!! Yaaaaah!!!!" -napatakip naman ako sa tenga -_- tumili ba naman sa harap ng pagmumuka namin.

"Kyaaah! Kelly narinig mo?!!!! Poging transferee daw!!! Omygosh!! Bagong papabells!!! Halika makisiksik na tayo!!"-jusko po, basta talaga pag dating sa pogi nagiging hyper to si Ella at ayun, nakisiksik na nga kami sa mga babaeng nagtitilian hanggang sa mapadpad kami sa pinakaharap.

"Ae?!"-nanlaki yung mata ko pagkasigaw niyan ni Ella. Hala si Ae! Siya yung pinagkakaguluhan ng mga babae dito!

"Ae!! Anong ginagawa mo dito?!"-sigaw ko para marinig niya. Agad naman siyang napalingon saakin.

"You!! Chicken!! I've been looking for you for hours!!!"-sigaw niya sakin sabay hawak sa wrist ko at hinigit ako paalis dun sa mga babae tapos tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa di na nila kami maabutan.

"Te-ka A-ae! Hu-minto na muna ta-yo! Pa-god na ako!"-huminto kami dito banda sa likod ng school, sa field. Napahiga ako sa grass tapos humiga din siya.

"Woooh! Nakakapagod!"-sabi ni Ae.

"Talagang nakakapagod no! Anong ginagawa mo dito?!"-Sabi ko

"Dito na din ako magaaral."

"Ano?! Paano?! Bakit?!"

"Tsk! Can't you fvking lower down your voice huh chicken?! Para namang may bundok sa pagitan natin kung makasigaw ka eh!"

You Are The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon