Kelly's POV
Umuwi akong luhaan sa bahay namin. Chos! luhaan talaga? Umuwi akong malungkot at isip ako ng isip kung anong pwede kong gawing palusot kina mama at papa kung saan napunta yung pera na naipon ko sa pagbebenta ng siomai nung umaga. Kaso wala akong maisip. Paano na to? Wag nalang kaya ako umuwi ngayon tapos bukas ako babalik kunwari nakidnap ako tapos ng hihingi sila ng pera pero ayaw ko pa ibigay yung pera kaya matagal nila kong pinakawalan. Okay ba yun? Eh ang panget naman. Baka maghysterical pa si mama pag nalaman yun.
Eh kung kunwari may nakita akong naligaw na bata sa kalsada tapos magdamag namin hinanap yung bahay niya? Tapos binigyan ko nalang siya ng pera dahil hindi namin mahanap ang bahay niya at kailangan ko nang umuwi kaya kailangan niya nalang magsolo. Pwede siguro no? Mukhang hindi sila maniniwala.
Oh kaya naman, kunwari may nakita akong pulubi na aso sa kalsada tapos naawa ako kaya binigay ko nalang yung pera bilang donasyon sakanya. Baka yumaman pa yung aso no? Tapos magiging proud pa sakin sina mama kasi ang bait kong bata at napakamakatao ko, ay mali, makahayop pala hehe. Pero baka di din sila maniwala. Hindi ako marunong magsinungaling pag dating kina mama at papa eh, mamaya kung ano ano pa masabi ko.
Nandito na ko sa tapat ng pinto namin. Kakatok palang sana ako kaso binuksan na agad ni kuya yung pinto. Ang tagal kong nakatayo dun at nakatingin lang sakanya.
"Oh? Magtititigan lang tayo? Alam kong pogi ako pero wag kang magkakagusto sakin! Magkapatid tayo Kelay ah- aww!" Binatukan ko nga, ang kapal ng muka niya huh at di ba siya nandidiri sa pinagsasabi niya?
"Ano ba kuya? Nangilabot ako sa mga pinagsasabi mo. Tabi, aakyat na ko gusto ko ng matulog!" tinabig ko na siya at nagmadali akong umakyat sa kwarto kaso nakita na ako ni papa
"Anak matutulog kana agad? Nagluto pa naman ang mama mo ng paborito mong Kare-Kare" lumaki agad yung mata ko nung marinig ko yung word na Kare-Kare. Bakit ngayon pa? huhu pero hindi, kailangan kong umiwas sakanila, kaya ko to.. nakaakyat na ako ng isang hakbang ng..
"Wow mama! Ang sarap talaga nitong Kare-Kare mo! The best to sa lahat ng Kare-Kate na natikman ko!" sinigaw pa ni kuya Karl yan, halata pang nagpaparinig siya sakin, jusko po wag ngayon kuya
"Ate! Tara kain na po tayo! Paborito natin yung ulam oh! Subuan mo ako ate!" ang cute cute ni Kiko huhuhu hindi ko na ata siya matitiis? Kaso kailangan ko talaga umiwas kina mama
"Nako, sorry Kiko ah? Masakit kasi ulo ni ate eh. Bukas nalang kita susubuan ah?"
"Ehh ate hindi na Kare-Kare ang ulam bukas.. hindi mo na ba ako lab (love) ate?" tapos nag pout siya. Huhuhu wag kang ganyan Kiko!
"Syempre lab kita pero bukas nalang talaga ha? Goodnight bunsoy! Mwa!" tapos kiniss ko siya sa malambot niyang cheeks at dali dali akong humakbang na kaso si mama naman kumausap sakin..
"Kelay first time mong tumanggi sa Kare-Kare ko ah? May problema kaba anak? Hindi kaba nagugutom?"
"Hindi po ako gutom mama- *groooowl*" sakto naman tumunog yung tiyan ko, wala na ba talaga akong ligtas?
"Hahaha hindi pala gutom huh?" sige mangasar kapa kuya
"Anak ano bang problema? Sabihin mo na hindi naman kami magagalit eh." Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni papa. Hindi sila magagalit?
"Promise di kayo magagalit huh?"
"Oo promise anak!"
"Kasi po mama papa, nawala ko po yung pera--
"Ano?! nawala mo yung pera?!" sigaw sakin ni papa
"Oh Kaloy akala ko ba hindi ka magagalit?" -sabi naman ni mama