Kelly's POVStart na ngayon ng community service ko, alam kong nakakapagod to pero kakayanin! Mas okay naman to kesa sa mawala yung scholarship ko. Nandito na ako sa building kung saan ako naasign. Specifically building to nina Ae.
Oo nga pala, okay na naman ako kay Ae, hindi na ako nabibwisit sakanya, medyo nalang. Ang laki din kasi ng pasasalamat ko sakanya eh. Hay teka nasan ba ang cr sa building na to? Tsk dapat pala nagpasama nalang ako sa unggoy na yun.
"Oh my god!" -oops! May nabangga na pala akong babae.
"Ay! Sorry po!"-sabi ko sa nabangga ko, tinignan ko siya... ang ganda tapos ang puti. Long hair na may side bangs. Ang tangkad niya, pwede siyang magmodel. Mukang mayaman din, pero ang sama ng tingin niya sakin, nako sino ba tong binangga ko?
"Sorry? Yun lang ang gagawin mo?"-mataray na tanong niya saakin, ano pa bang gagawin ko? Wala namang natapon sakanya o ano.
"Uhmm sorry talaga! Hindi ko sinasadya. Sorry kung nadumihan kita."
"Yes. Nadumihan mo nga ako. Ayan oh, dumikit yung hawak mong map sa pants at sapatos ko. Linisin mo yan."-tinignan ko naman yung pantalon at sapatos niya, wala naman akong nakikitang dumi eh. Pero pupunasan ko nalang, ako naman may kasalanan eh.
"Oh wait! What's that? Ipampupunas mo sa sapatos ko yung basahan? No way! Edi mas lalong dumumi yung sapatos ko?!"-demanding si ate.
"Ahh sorry, sige panyo ko nalang--"
"No! Eh mukang mas madumi pa yang panyo mo kesa sa map at sa basahan na hawak mo. Eh kung halikan mo nalang kaya yung sapatos ko? Mas matutuwa ako sa ganun."-ano daw? Nakakainsulto na to ha.
"Sorry miss pero hindi ko na gagawin yun. Sobra naman ata yung pinapagawa mo sakin. Nagsorry na naman ako eh. Pasensya nalang po ulit." -Pagkatapos kong sabihin yan umalis na ako sa harap niya kaso bigla niya akong hinatak pabalik kaya naout of balance ako. Nabitawan ko din yung mga hawak kong panlinis. Ano ba talaga ang problema neto ni ate?!
"Yan! Dapat yan sayo! Bastos ka kasi! Ikaw na nga tong nakabangga ah! Bwisit ka talagang babae ka!"
"Nagsorry naman na ako ah! Sobra ka naman!"
"Oh talaga! Mas sumusobra ka na! Ugh bitch!"-akma niya akong sasampalin ng biglang may pumigil sakaniya.
"Get off her Graciella!" -sabi ni Ae? Kakilala niya tong babaeng to? Bigla niyang hinatak si Graciella daw ang name palayo sakin tsaka ako tinulungang tumayo.
"Seriously Ae?! Tutulungan mo pa siya?! Eh siya yung nangaway sayo diba?! Dapat lang yan sakanya!" -sabi ni Graciella.
"Seriously Graciella?! Tantanan mo na ako!"
"No! I will never leave you Ae! Lalo na't may mga katulad nyang babae na umaaligid sayo! Sinasaktan ka lang naman! Bakit ba saakin ka nagagalit?! Pinagtanggol na nga kita! Sino ba siya ha?!"
"Sino siya?! She's my girlfriend!"-nagulat ako sa sinabi ni Ae... oo nga pala, pumayag na nga pala ako!
"What?! Siya?! Bakit siya?!"
"I don't have to explain anything to you. So please Graciella, fvcking please. Leave us alone."-pagkasabi niyan ni Ae, naiyak nalang si Graciella pero maya maya ngumiti din siya samin ni Ae. Tapos bigla nalang siyang umalis. Naguguluhan ako sakanya.
"Sino yun Ae? Ex mo?"
"What the hell? No way."
"Eh bakit ganun nalang siya kung magreact? Tsaka parang ang laki ng galit sakin ah."