Fifth Part
TW: death
"Zion! Anong sabi ni Doc Jimenez?"
Kaagad na napatakbo ako papunta sa kaniya nang matanaw na naglalakad na siya palayo sa pintuan ng doctor's office. Kaagad na napahinto siya nang salubungin ko siya, lumuwag ang pagkakayukom ng kamao niya bago sinipat ng tingin ang buong mukha ko.
"He agreed," Napabuntong hininga siya. "Sinabi kong ako mismo ang magsasama ng kilala kong cardiologist dito, I will call my brother to inform him about his nephew's condition." Sandali pa halos siyang natulala sa kung saan.
I took that as a chance to stared at his face, mukhang kagaya ko ay pagod na pagod na din siya. Mugtong mugto pa nga ang mga mata niya dahil noong iwanan namin si Hestia malapit sa ICU ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak na lamang nang umiyak.
Sinamahan ko lang siya noon kahit na wala din naman akong magawa upang mapagaan ang pakiramdam niya. He looks so hurt, confused and the same time, in rage. Alam ko kasi na sa kabila ng lahat, anak pa din talaga ang turing niya kay Titus dahil sa halos ilang taon niyang pag-aalaga dito.
I wanted to be mad, too... But horribly, I can't.
Ang hirap din maging mabait minsan. Parang kahit anong gawin sa'yong pananakit ng isang tao, hindi mo kayang bumuo ng galit para sa kanila. I was mad at the fact that he got a chance to take care of a kid that not his but he got robbed of a chance to take care of his biological son.
"And neurologist, ako ang hahanap para kay Cole." Sandali siyang mariin na napapikit, he pinched his bridge nose to massage it before he gazed at me. "Pagkatapos nito, si Cole naman ang iintindihin ko, ha? Mauuna lang ang operation ni Titus kaya siya ang uunahin ko, hm?"
"I understand," I gave him a short smile.
"Babalik agad ako bukas," May kung ano siyang kinuha mula sa bulsa niya at nang i-abot sa akin ay saka ko lamang napagtanto na maliit na anklet iyon. "Isuot mo kay Titus, I-I wanted to fulfill my promise to him even so I am not his f-father." Pumiyok siya.
I gripped the anklet, securing it as I gave him a nod.
"Balikan mo ang mga anak mo,"
Nakita ko ang sumilay na maliit na ngiti sa labi niya bago siya tumango, walang sabi-sabi niyang nilampasan ako. I turned my body to take a look of him and while I was staring at his back, I realized how persistent he is for his kids, I realized how loving father he is.
Kung minsan ay nagkukulang man siya sa pang-iintindi, alam ko namang malawak ang puso niya para sa mga anak niya. With the fact that Titus isn't his kid and he still continued looking for the kid's needs, that just proved a lot that he loves the kid more than himself.
Minahal niya nang buong buo ang bata.
That's why he is hurt that while his love for the kid is completely considered as a storge, hindi naman pala niya tunay na kadugo ang bata. I just envy how strong he was too handle everything, he managed to be strong for his kids but never looked after himself.
Napasulyap ako sa hawak kong anklet bago ako tumalikod din sa gawi niya upang maglakad naman patungo sa ICU.
Natanaw ko na kaagad si Hestia nang makarating ako sa hallway ng ICU, nandoon siya nakaupo sa mga bench, nakasubsob ang kaniyang mukha sa kaniyang palad habang matunog siyang umiiyak.
I pity her. Naaawa ako sa kaniya dahil nagpabulag siya sa sarili niyang emosyon. Her jealousy ate all of her system, invading the most precious parts of her heart. Hindi ko alam kung ginusto niya ba talaga iyon o nararamdaman lamang niya iyon dahil pakiramdam niya ay kulang siya.
YOU ARE READING
Excruciating Love
RomansaSHORT STORY - COMPLETED Callista Layne Gonzales, being a doctor was never been easy but everything made it possible with her fiancé's help, Marcellus Zion Sanchez. Being in love for almost a decade was the only thing that makes their relationship st...