Second Part
"Mommy Doctor!"
Kaagad na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, I smiled when I saw my little boy running towards me, he's wearing a duck onesie as he was hugging his stuffed toy. Kaagad na yumakap siya sa bewang ko nang makalapit.
"Ang aga pa, ah? Gising ka na kaagad?" Dumapo ang kamay ko sa kaniyang buhok upang haplusin iyon habang nanatili siyang nakayakap sa bewang ko. "Padating na siguro si Lola Rain mo, kailangan na umalis ni Mommy, eh."
"Mommy Doctor, ano po oras uuwi?" He asked, sandali akong natigilan dahil hindi din ako sigurado sa magiging oras ng uwi ko. "Hindi po talaga puwedeng sumama sa hospital mo? Kahit sa office lang po?"
"Dirty kasi sa hospital, baby boy," I caressed his cheek. "Naiinip ka na ba dito?"
Maybe adjusting on a different environment was hard for him especially that he grew for almost of his existence in New York. Hindi din naman siya nahihirapan sa pagsasalita ng Tagalog dahil noon pa man ay sinanay ko na siya, sigurado kasi ako noon na babalik kami ng Pilipinas.
My little boy is already 4 years old, he grew up without complaining about his surroundings. Lumaki siyang hindi nagrereklamo sa kung ano lang kaya kong maibigay, kahit alam kong nahihirapan siya na hindi kami masyadong nagkakasama sa loob ng 24 hours, hindi siya nagagalit.
"No po," He yawned loudly, making me laughed. "Aalis na ikaw, Mommy Doctor?"
"Opo," Tinanggal ko ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko bago ako yumukod at pinisil ang kaniyang pisngi. Napanguso kaagad siya habang tumititig sa mukha ko. "Hayaan mo, sa susunod ay magpapahinga muna ako sa trabaho para magkasama tayo."
"Promise?" He asked, showing me his pinky finger.
"Promise," I smiled, sealing his pinky finger with mine.
Eksakto naman na bago ako umalis ay dumating na din si Tita Rain, hindi din siya nahirapan sa anak ko dahil bago ako tuluyang makalabas ng bahay ay nadinig kong sinasabi niyang babalik siya sa pagtulog dahil inaantok pa.
Nang makarating ako sa hospital ay wala akong sinayang na kahit isang minuto, kaagad kaming nagtrabaho lalo na't may kadamihan din ang isinugod na pasyente sa hospital namin noong umaga dahil sa aksidente sa highway.
Luckily, hindi ganoon naging kahassle pagsapit ng tanghali ang trabaho kaya halos sabay-sabay din kaming mga nakahinga nang maluwag. Kitang kita ko din naman kasing pagod din ang mga nurses na nakapuwang naming mga doctor na nakaduty.
"Dra. Gonzales, may pasyente kayo." Kaagad na isinubo ko ang huling kagat ng biscuit bago ko nagmamadaling sinimsiman ang halos wala nang init na kape bago ako tumayo at nagtungo sa ER.
Isinuot ko kaagad ang stethoscope saka ako kumuha ng ballpen sa nadaanang desk sa ER. Hindi din talaga madaling maging isang doctor lalo na't kung gusto mong magpahinga, hindi mo magawa dahil buhay din ang hinahawakan.
Hinawi ko ang kurtina na humaharang sa pasyente at namataan ang batang babae doon na namumutla. "Hi," I gave her a smile as I placed my ballpen inside my pocket. "What's your name, little girl?"
"N-Natalie po," Nahihiya niyang sagot.
"Okay, let's see.." Naupo ako sa gilid ng kama saka napasulyap sa ina niyang nakatayo sa kabilang bahagi ng kama, I gave her a smile. "I would ask you some questions and I want you to he honest and be a good little girl,"
"O-Opo, Doctor." She nodded.
"Anong nararamdaman mo sa ngayon? May masakit ba?" Marahan kong itinanong nang sa gayon ay hindi siya matakot sa akin. "Ituro mo kung saan masakit tapos sabihin mo kay Doctor kung gaano kasakit,"

YOU ARE READING
Excruciating Love
RomanceSHORT STORY - COMPLETED Callista Layne Gonzales, being a doctor was never been easy but everything made it possible with her fiancé's help, Marcellus Zion Sanchez. Being in love for almost a decade was the only thing that makes their relationship st...