NINTH PART

1.4K 19 12
                                    

Ninth Part

mentioned of depression

"I'm going to file resignation paper,"

Mabilis ang naging paglingon ni Zion sa akin matapos marinig ang sinabi ko. He stared at me with emphathy plastered on his black eyes. Nang hindi makayanan ang titig ay nagtungo ang tingin ko patungo sa anak namin na mahimbing nang natutulog doon.

It's been almost a week staying here, sa isang araw ang labas ni Cole ng hospital. For the whole week, it wasn't easy because we still ran some tests to figure out my son's condition. Turned out, he's diagnosed with PTSD, he suffered from it due to the accident.

Si Zion, hindi ko pa siya nakaka-usap tungkol sa pagpapatingin niya dahil hindi ko naman alam kung papaano sasabihin sa kaniya ang mga napapansin ko. I don't want to offend him, I wouldn't want him to think that I am judging him with his actions.

"Magpapahinga ka muna?" Malambing ang boses niya nang itanong iyon, malalim ang tingin sa akin, tila ginagalugad ang pagkatao ko. Hindi kaagad ako nakasagot dahil nagtagal ang titig ko sa anak namin. "Or... You really are planning to turn your back against medicine? Hindi ba... Sayang?"

Sumulyap ako sa kaniya, umayos ako ng upo sa couch bago tinapik ang katabing bahagi niyon. Kaagad na naintindihan niya ang ipinapahiwatig ko kaya marahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo, sandaling inayos ang kumot sa katawan ng anak namin bago naglakad patungo sa akin.

He occupied the space beside me, slowly taking my hand as he placed it on his lap, intertwining our hands together.

Nang tingnan ko ay nandoon lang ang titig niya, ang mga daliri ay bahagyang hinahaplos ang likod ng kamay ko. I just watched him get occupied with our intertwined hands. Simula siguro nang sabihin kong mahal ko pa din siya, parang nawala iyong ilang niya pero hindi siya nakalimot maglagay ng kahit papaanong limitasyon.

"I'm thinking of filing resignation paper..." Pagsisimula ko muli, muling binubuksan ang usapin na iyon. "Gusto ko munang magpahinga... Afterall, parang hindi ko ata kayang bumalik muna sa pagtatrabaho.."

I'm thinking about what happened. Matapos kasi ng mga nangyari, parang pakiramdam ko hindi ko muna kayang tumanggap nang tumanggap ng mga kaso na mas malala pa. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, halos hindi ko namalayan, halos hindi ko mahabol at maproseso.

I want to rest, that's what I want to happen. Siguro, susubukan ko muna ang ibang bagay kaysa ang lulunin ang sarili ko sa bagay na kinatatakutan ko sa ngayon. Wala naman sa isipan ko ang mga pangyayaring iyon noon pa man, I just want to be a doctor to work for people.

Pero iba pala kapag mismong relatives mo na ang hinahawakan mo, parang ang hirap-hirap magkamali. The pressure is on you, parang buhat-buhat mo lahat kasi parang ang hirap bumitaw kapag ang nasa bingit ng bangin, iyong mga taong pinahahalagahan mo nang sobra.

"Babalik din naman ako," Tumikhim ako upang kahit papaano ay mawala ang kung anong bara sa lalamunan ko. "But I don't know when. I want to try new things, I want to have a new environment. Gusto ko muna ng pahinga."

"But I'm afraid, I'm wasting time." I chuckled.

"Love," He called, sumulyap kaagad ako sa kaniya ngunit ngumiti lang siya saka bahagyang pinisil ang kamay ko. "Rest is always part of the process," He said as the matter of fact. "If you get tired, learn to rest but never quit, hm?"

"It's okay to take a break," He uttered.

Nawalan ako ng imik dahil nakuha ko kaagad ang punto niya. Realizing that process actually had steps to walk, I noticed that rest have it's own space. Kung pagod naman na talaga, bakit hindi magpahinga, hindi ba? For the past years we've not been together, I forced myself to continue.

Excruciating Love Where stories live. Discover now